Chapter 52 : Bakit may Butas ang Doughnut?

134 10 62
                                    

January 11 , 2018 Thursday

12:12 pm

Bago pa lamang kami bumaba ng traysikel ni Jenny ay inihanda ko na ang payong dahil sa init ng sikat ng araw

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bago pa lamang kami bumaba ng traysikel ni Jenny ay inihanda ko na ang payong dahil sa init ng sikat ng araw.Sa totoo lang ay ayaw kong sumakay ng traysikel dahil nahihilo ako kapag sumasakay dito ..,matagtag kapag tumatakbo at para kang inaalog sa loob..at isa pa..karamihan sa traysikel ay may malalaking speakers...hindi naman discohan pero bakit naglalagay sila ng ganon..tapos ang lakas pa ng tugtog kaya lalo akong nahihilo..masama pa nito budots pa ang tugtog...nakakaloka.

Nauna akong bumaba para payungan si Jenny..,kagaya sa movie..sweet di ba?

"Archie ang kapal mo talaga..may pa-gentleman effects ka pa dyan..ayaw mo lang magbayad eh...mabilis na lumakad si Jenny matapos nitong kunin ang sukli niya sa traysikel drayber...ako naman ay nakasunod sa kanya para payungan siya.

"Wala lang akong barya..,buo ang pera ko eh"ang paliwang ko kay Jenny.

"Tuwing may babayaran tayo palaging buo ang pera mo..last year pang buo ang pera mo,hanggang ngayon hindi pa rin ba nababaryahan yan."..napabuntong hininga si Jenny sabay napasimangot ang mukha nito.

Hindi na ako pinansin ni Jenny,patuloy lamang siya sa paglalakad,ako naman ay parang tanga na sunod ng sunod para payungan siya.

Ang babae talaga ang pinaka-magulong lahi sa balat ng lupa..,ang hirap nilang intindihin.

Napahinto si Jenny sa paglalakad..,pinag-ukulan niya ng tingin ang bagong bukas na tindahan ng "Dunkin'Donuts"malapit sa terminal ng mga traysikel sa Anabu Coastal...,parang nababasa ko na ang kanyang iniisip ng tumingin siya sa akin.Kaya inunahan ko na siya para makabawi naman ako sa kanya.

"Jenny tara libre kita ng donut"...ang sabi ko sa kanya na nakangiti.

"Bakit alam  mo ang kahinaaan ko ?"...ang nahihiyang sabi ni Jenny,agad na naglaho ang galit sa kanyang mukha ...at napalitan iyon ng malalim niyang dimples sa pisngi.

"Miss bigyan mo nga kami ng tatlong "Strawberry Frosted"...sabay turo ko sa pinaglalagyan nito.

Nagulat si Jenny kung bakit alam ko ang paborito niyang donut...,minsan kasi ng bisitahin ko ang kanyang Facebook account ay nakita ko na tatlong beses niyang ni-likes ang "Strawberry Frosted donut..,kaya nahulaan ko agad ang gusto niyang flavor.

Isang malaking kagat ang dumapo sa ""Strawberry Frosted donut"..Noong hindi pa kami masyadong magkakilala ni Jenny ay maliit lamang itong kumagat ng pagkain..,pero ngayon ay hindi na siya nahihiya sa akin.

Napapangiti siya sa tuwing kakagat siya ng donut...,mababaw lang ang kaligayahan ni Jenny..,madalas na sa simpleng bagay ay mapapasaya mo na siya.Ako naman ay bumili ng maiinom na Nestea bottled iced tea na lemon flavor....natakot ako na mabulunan si Jenny dahil sa takaw nito sa donut.

Ang Babae sa mga Pahina (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon