Chapter 26 : Deliciosa

98 10 46
                                    

January 8 , 2018 Monday

02:05 pm

Hindi naman kami na-late sa trabaho ni Jenny.
Ala una na nang hapon ng umalis kami sa Mcdo kanina,naglakad na lamang kami papunta sa dulo ng Makati ave..,at ang dulo nito ay J.p. Rizal na.Doon kami sumakay ng jeep na byaheng Guadalupe,..dumadaan ito ng Rockwell Mall ..,kaya hindi kami nahirapang makapasok sa trabaho.

Mag-aalas dos na ng hapon ng kami ay makarating sa trabaho.May kainitan na din ang sikat ng araw,mabuti na lamang at may dala kaming payong ni Jenny.

Hindi naman madami ang tao kapag araw ng Lunes,..madalas na Sabado at Linggo maraming customer.

Sa tabi ng aming chinese resto ay may umupa na bagong restaurant.Nalugi kasi yung dating nakatayo dito.Isang linggo na ang nakakaraan ng simula itong ayusin.Grand opening pala nila ngayon......

May kalakasan ang kanilang latin music dahil naglagay ng dalawang speaker sa labas nila..,may mga ballons at may maganda at seksing babae na nakatayo sa labas at namimigay ng discount coupons.Ang gaganda rin ng mga waitress nila.Kapag ganito ang kasama mo sa trabaho araw-araw.Para kang nasa paraiso...parang gusto ko ng mag-resign at mag-apply sa kabilang resto.ahehe...

Samantalang dito sa Hao chi Mian tang restaurant kung saan ako nagtratrabaho ay wala man lamang makitang inspirasyon..,bukod sa may asawa na ang mga kasama ko dito....ay ang layo pa ng edad namin sa isat-isa...kami lang ata ni Jenny ang single dito at bata.

Nagpalakpakan ang mga bisita sa kabilang restaurant..,nang bumagsak ang tela na nagtatakip sa pangalan ng kanilang restaurant....at ito ang mababasa mo............

"La Sopa Estaba Deliciosa"...................................

Pangalan pa lang mukhang maangas na..,parang espanyol ang tunog kung babasahin..,pero hindi ko maintindihan ang ibig sabihin nito.

Lumapit ako kay Jenny...,siya ang cashier namin dito sa Hao chi Mian tang restaurant.Ako naman ay waiter dito.Abala si Jenny sa kaha.....pero hindi ito naging hadlang para kulitin ko siya.

"Jenny ano ang ibig sabihin nung "La Sopa Estaba Deliciosa"...?..nasa gilid ako ng kaha ng cashier at hinihintay ko ang magiging sagot ni Jenny.

"Ah ayan ba..spanish language  yan....,ibig sabihin niyan ay..........napahinto si Jenny sa kanyang ginagawa..tila ba nagtra-translate ng spanish sa kanyang isipan.saglit lang at nasagot niya ang tanong ko.

"Ibig sabihin niyan Archie ay....."the soup was delicious"....sabay balik ni Jenny sa kanyang ginagawa..gumagawa pala siya ng inventory ng benta kaya pala busy.

Ang galing naman ni Jenny para siyang Google..,sana ganun din ako katalino..napailing ang aking ulo..,hindi lubos maisip  na masasagot niya iyon.

"Unang araw pa lang nila na nagbubukas eh....nilangaw na tayo dito ah..."ang sabi ni Mang Johny habang naglalakad papalabas ..,sinisilip ang bagong bukas na restaurant na katabi namin.

Si Mang Johny ang aming Chef dito sa Hao chi Mian tang restaurant.Minsan nanunuod ako sa kitchen kapag nagluluto siya...,Gustong-gusto  ko yong umaapoy ang kawali habang naggigisa si Mang Johny...,saka ang bilis niya magluto,bukod doon ay hindi niya tinitikman ang kanyang niluluto,parang kabisado na  niya ang lasa ng bawat pagkain na inoorder sa kanya.

"Malapit na ang kompetisyon...hmm ang sabi ay sasali itong bagong restaurant na katabi natin..."
Ang sabi ni Mang Johny habang naglalakad patungo sa kusina.

Taon-taon ay may indinaraos na kompetisyon sa pagluluto ang Rockwell Mall sa mga restauran dito..,
Kagaya ng Mischelin ranking sa France,Binibigyan din ng Star rank ang mga restaurant na mananalo.
Mahalaga ito para sa mga restaurant dahil ito ang reputasyon ng iyong pagkain at status sa ranking system dito sa Rockwell Mall.

Ito ang Star rank dito..........

Zero star- kapag ito ang nakuha ng restsurant ninyo,ibig sabihin nito ay magsara na kayo

One Star- a very good restaurant

Two stars-excellent cooking

Three stars-exceptional cuisine

Last year ay nakakuha kami ng one star....
Si Jenny ang nagkwento nito sa akin dahil wala pa ako dito sa trabaho noon.
Mabigat daw ang labanan noon ..,dahil magluluto ang bawat chef ng kanilang specialty at ito naman ay titikman ng mga hurado na nanunuod sa kompetisyon.

"Sa January 12 na ang kompetisyon..gustong kong manuod..,kahit hindi ako chef at hindi naman ako ang lalaban ay parang kinakabahan ako...
......Lalo na siguro si Mang johny...

Ang Babae sa mga Pahina (On-going)Where stories live. Discover now