Chapter 11 : Hao chi Mian tang Restaurant

122 10 5
                                    

January 6 , 2018 Saturday
01:56 pm

"Buti hindi tayo na-late Jenny"...,medyo humihingal pa ang aming paghinga dahil sa pagmamadali na makarating sa trabaho.Mabuti na lang at tumila ang ulan kanina bago kami sumakay ng jeep, papunta dito sa trabaho.

Sa Hao chi Mian tang restaurant kami nagtratrabaho ni Jenny..,matatagpuan ito sa Rockwell Power plant mall sa makati...,

Naaalala ko pa noong nag-aapply ako dito ........,

Marami kaming nag-apply sa trabaho..,sa last interview..,mismong may-ari ng restaurant ang nagtanong sa amin.

Labing -pito kami.., na natira sa humigit kumulang na isang daang aplikante...,dalawa lamang daw ang kukunin ng may -ari ng resto sa aming labing-pito..kaya kailangan makapasa kami sa huling interview.Ganon kahirap ang buhay ngayon..mahirap din maghanap ng trabaho ..,lalo na kapag wala kang kakilala sa loob...palakasan sabi nga nila.

"Lahat ng lumalabas ng pintuan ay kumakamot sa ulo..,malungkot" sabi ng isang babae"nakatayo ito sa likod ko..,ako na lang ang hindi pa nai-interview.

Ito ang unang pagkikita namin ni Jenny..,hindi ko pa siya kilala noon...,pero parang matagal ko na siyang kakilala.

"Oo nga..,kinakabahan tuloy ako"ang sagot ko sa babae.

"Dapat kasi kumain ka muna ng "masarap na noodle soup" bago ka magpa -interview"..,sabay ngiti nito sa akin.......,ito rin ang unang pagkakataon na nakita ko ang mga dimples nya sa pisngi.

"Psst..Jenny...,paki-tawag naman yang gwapong aplikante.,siya na ang kasunod sa interview"..wika ng isang matabang lalaki na nasa pintuan ng opisina.

Dito ko din unang nakita si Mang Johny..,ang cook ng Hao chi Mian tang restaurant.

Pumasok na ako sa opisina..,sa mga baguhan na kagaya ko na nag-aapply.,talagang manginginig ang tuhod mo sa kaba.

Pumasok ako sa loob ng opisina,nakita ko agad ang isang payat na lalaki..,mukhang chinese nga..,siya siguro ang big boss nila.Malamig sa loob ..,pero parang namamanhid ang pakiramdam ko sa kaba..

Hawak-hawak ng lalaki ang pinasa kong resume sa kanila..,binabasa nya ang profile ko.Pinaupo nya ako sa harap ng lamesa kung saan sya nakaupo..,ilang beses itong tumingin sa akin at ibabaling naman sa papel nyang hawak ang atensyon nya.

"Ako tanong isa sayo..,sagot mo tama..,ok ka na"ang sabi nito sa akin,chinese nga siya dahil hirap itong magtagalog..,

"Ano ibig sabihin...,ng Hao chi Mian tang restaurant"..,ang tanong sa akin ng chinese.

LUH! Hindi ko alam ang sagot malay ko ba na ito ang itatanong sa final interview....

Nag-iisip ako ng isasagot nang biglang pumasok ang babae na nakita ko sa labas kanina..si jenny..,hindi ko pa sya kilala noon.,

"Boss ..,ito pala yung tsaa na pinapadala mo kanina,sabi ni Mang Johny ako na lang magdala dahil may niluluto sya"sabi nito sa chinese na may-ari ng resto.

"Sya ba sir ang bagong aplikante..,dapat kasi kumain muna sya bago nagpa -interview eh.ahaha
Ang sabi nito habang lumalabas ng pintuan ng opisina.

Parang nakuryente ang aking katawan,..,naaalala ko na,sabi nya kanina bago ako pumasok sa opisina ay dapat kumain muna ako ng masarap na noodle soup..alam ko na!...

"Masarap na noodle soup"..,ang may pagmamalaki kong sagot sa intsik na may ari ng resto.

Namanghan ito sa mga narinig..,nagtataka kung bakit alam ko ang tamang sagot..,sa labing -pito na tinanong nya..,ako lamang daw ang nakakuha ng tamang sagot.

Ang Babae sa mga Pahina (On-going)Where stories live. Discover now