Chapter 27 : Ang Kwintas

111 7 23
                                    

January 8 , 2018 Monday

07:48 pm

Ang bilis naman ng oras...,gabi na naman,..kukunti lamang ang aming customer kanina dito sa Hao chi Mian tang restaurant.

Karamihan ay sa katabi naming restaurant sila pumupunta...,sa La Sopa Estaba Deliciosa...dahil sa madami silang promo at discount sa mga pagkain nila...siguro dahil na rin sa grand opening nila ngayon.

"Sabi ko naman sayo honey..,doon tayo sa kabila kumain ng dinner...."ang sabi ng isa naming customer na babae,naka- sleeveless na blouse na kulay violet at naka-skinny jeans.Kasama niya ang isang lalaki na mukhang mas bata sa kanya.

Nakapatong sa lamesa ang kanyang leather handbag na kulay dark blue,parang sinadya niya ito dahil mababasa mo ang tatak nito na "Prada"...,

Alam kong mamahalin ang bag na ito dahil nakita ko ito na naka-display sa 2nd floor ...,may tindahan dito sa Rockwell na nagtitinda ng mga luxury bags.Kung hindi ako nagkakamali ay nagkakahalaga ito ng ninety thousand pesos...,

Kapansin-pansin din ang kanyang "rendezvous choker necklace"....,hindi ko alam ang presyo nito sa mercado pero alam ko na Saint Laurent lamang ang may ganitong design ng necklace.

Nakatayo ako di kalayuan sa cashier booth..,hindi ko namalayan na nasa likod ko pala si Jenny...,

"Archie!!!..kanina ka pa nakatingin doon sa babae ah....,ganyan pala ang gusto mong babae...,Hot Mama...ahihi...pabulong itong sinabi sa akin ni Jenny para hindi maghinala na pinag-uusapan namin yung dalawang kumakain sa table 12...,may mga number kasi ang mga lamesa dito para madaling ihatid ang kanilang mga order na pagkain at maiwasan na malito kapag madaming tao na kumakain.

"May naaalala lang ako kapag nakakakita ako ng magandang kwintas "....,ang sagot ko kay Jenny.

Umupo kami ni Jenny sa bakanteng lamesa.Madalas namin itong ginagawa kapag malapit na kaming magsara,dito sa restaurant.

Nagtimpla si Jenny ng kape sa lamesa kung saan kami nakaupo..,masarap siyang magtimpla ng coffee..,at bukod dito ay alam niyang timplahin ang lasa na gusto ko sa isang kape.

Kaya madalas na tinutukso kami ng mga katrabaho namin dito..,ang sweet daw naming tingnan...,at bagay na bagay daw kaming dalawa.Ano naman magagawa namin,kami lang naman ang single dito sa trabaho..."no choice".....sabi nga nila.

Ito ang pinakamahirap na sitwasyon sa buhay...yung alam mo ang nangyayari ......alam mo ang problema.......pero wala kang magawa para bigyan ng solusyon ang nasabing sitwasyon.

"Archie ano naman ang naaalala mo kapag nakakakita ka ng kwintas ? "...,ang tanong sa akin ni Jenny..,parang gusto niyang malaman ang kwento nito.

"Sige dahil wala naman tayong masyadong customer..,ikwekwento ko sayo.."sabay higop ko sa tinimplang kape ni Jenny..,ewan ko ba kung bakit gustong-gusto ko ang timpla niyang kape..,iba ang tamis ng lasa nito,..parang nawawala ang pait ng kape.

Nahuhuli kong nakatigtig sa akin si Jenny..,at kapag nahuli ko siya na nakatingin ay inaalis niya ang kanyang mga mata at titingin sa iba...,

Ano kaya ang ibig sabihin ng mga tigtig na iyon sa akin?....mabuti na lamang at may nabasa akong article sa isang website noong nakaraang linggo...Hindi ako kasing talino  nina Jenny at Myra....,pero isa lang ang  kalamangan ko sa kanila...mahilig akong magsaliksik sa internet.Ang paborito kong tambayan ay ang listverse.com...isa itong website kung saan makakabasa ka ng mga interesting na topics.

Ang Babae sa mga Pahina (On-going)Where stories live. Discover now