Chapter 70 : Garage Sale II

76 8 47
                                    

December 29 , 1896  Tuesday

10:38 pm

Escolta st

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Escolta st. , Binondo , Manila

"AaawwwWWWwwwoooOOO"......maririnig ang malakas na alulong ng aso.

" "AaawwwWWWwwwoooOOO"......

May kasabihan ang mga matatanda na kapag umaalulong ang aso ay may nakikita itong espirito o may taong papanaw na malapit sa inyo.

Napakapit si Blessica ng mahigpit sa kumot....at hinila niya iyon para italukbong sa kanya nang marinig niya ang alulong ng aso sa labas ng kanilang bahay.

"AaawwwWWWwwwoooOOO"......

Tuwing naririnig niya ang alulong ng aso ay napapapikit ang kanyang mga mata...tila nakakaramdam siya ng kaba...

Hinagilap ni Blessica ang isang unan sa kanyang higaan at niyakap iyon ng mahigpit....habang nakatalukbong ng kumot at mata lang ang nakalabas sa kanya.

Nakatingin si Blessica sa bintana at makikita ang mga bahay sa kahabaan ng escolta.... tahimik din ang paligid.... at wala na ring mga tao sa labas at tanging liwanag ng buwan ang tumatanglaw sa gabing iyon.

ShhhhhhsssssSs....isang malakas na ihip ng hangin ang dumaan sa bintana ng kanyang silid dahilan sa paggalaw ng puting kurtina nito.

........sa tapat ng bintana ng silid ni Blessica ay matatanaw ang isang puno ng santol....

Naggagalawan ang mga dahon nito at may naririnig siyang kakaibang ingay....

"Parang may tao sa labas".....ang iniisip ni Blessica noong mga sandaling iyon.

Tuwing umaangat ang kurtina sa bintana  dahil sa ihip ng hangin ay sinisilip naman ni Blessica ang puwang nito para tingnan kung may tao ba sa labas.

Pero wala naman siyang makita dahil may kadiliman ang paligid.

Pero kahit wala siyang nakikita ay nararamdaman naman niya ang kaba dahil may naririnig siyang kaluskos.

Kriikkkk...shhhhHhh.......

"Ano kaya ang ingay na iyon ? ".....ang tumatakbo sa isipan ni Blessica nang marinig na naman niya ang kaluskos sa may bintana.

Hindi na siya nakatiis...sinindihan niya gamit ang posporo ang lampara na nakapatong sa lamesa malapit sa kanyang higaan.

Nang unti-unti ng lumiwanag ang lampara ay kinuha niya ito ng kanyang kaliwang kamay at dahan-dahan siyang naglakad patungo sa bintana.

Hinawi niya ang puting kurtina ng kanyang kanang kamay at sinuri ng kanyang paningin ang buong paligid.

"Huhhh?!...may anino...."naaninag ni Blessica ang anino ng isang nilalang sa labas ng bintana...mahina lamang ang sinag ng buwan pero sapat na iyon para maaninag niya ang anino nito.

Ang Babae sa mga Pahina (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon