Chapter 42 :Gurdian Angel

73 8 9
                                    

January 10 , 2018 Wednesday

12:05 am

"Ok ka lang ? " ang may halong pag-aalalang tanong sa akin ni Hershey...,

Nakaupo ako sa isang mahabang upuan na gawa sa kawayan sa tabi ng isang maliit na tindahan sa kanto ng Shopwise , kung saan ay nandito rin ang terminal ng mga pedicab.

Lumapit sa akin si Hershey at tiningnan ang mga galos sa aking braso dahil sa pagkakasubsob ko kanina sa kalye.Hinawakan niya ako sa kamay at marahang pinisil ito.

"Pasensya kana napalakas ang tulak ko sayo kanina"...,ang sabi ni Hershey na hindi pa rin maalis ang pag-aalala nito sa akin.

Kung hindi dahil sa kanya , hindi ko ma-imagine , baka ghost na rin ako na kagaya niya.Nakakalungkot lang isipin na isa na siyang galang kaluluwa ngayon..,

Sana buhay pa siya para maranasan niya ang normal na pamumuhay..,napabuntong hininga ako,at tumayo na ako para maghintay ng bus , para makapasok na sa trabaho.

"Sigurado ka ba na kaya mong pumasok sa trabaho?"...ang tanong sa akin ni Hershey.

"Oo,kakayanin,saka wala ito,galos lang naman ito"sabay ngiti ko kay Hershey para hindi na siya mag-alala pa.

Bumangga sa poste ng Meralco ang truck na nawalan ng kontrol kanina na muntik ng bumangga sa akin.
Nadatingan na ang mga pulis para imbestigahan ang dahilan ng insedente at barangay ambulance , at ilang meyembro ng (S.A.R)...,Search and Rescue team ng barangay.

Halos matumba na ang poste ng Meralco sa lakas ng pagsalpuk ng malaking truck na ito.Buhay ang drayber nito pero nasa malalang kondisyon naman ang pahinante ng truck.Ito rin ang naging dahilan ng pabagal ng daloy ng trapiko.

"Dito ka pala nagtratrabaho"...ang sabi ni Heshey,habang nakatingin ito sa mga naglalakihang building sa Rockwell sa makati....,

01:27 pm na ng makarating kami ni Hershey sa Rockwell Power Plant Mall kung saan ako nagtratrabaho.Sa may Baclaran lang mabigat ang daloy ng trapiko dahil kapag Wednesday ay madaming nagsisimba dito....araw ng Baclaran ang tawag ng karamihan dito.

"Oo Hershey , waiter ako sa isang chinese restaurant"...ang sagot ko kay Hershey habang kami ay naglalakad papasok ng mall.

"Ang hirap din pala ng trabaho mo,..Cavite ka nakatira tapos sa Makati ka nagtratrabaho,..,nakakapagod naman ang byahe mo araw-araw."...,napataas ang tingin ni Hershey,tila inilalagay niya ang kanyang sarili sa aking sitwasyon.

"Ganon talaga Hershey,minsan ay hindi natin pwedeng iwasan dahil kailangan"...ang nasabi ko sa kanya sabay napakagat ako sa aking labi.

Tumango lamang siya kasunod noon ay isang matamis na ngiti.

"Hershey!"...,ang may kalakasang sabi ko sa kanya.Napalingon siya at sabay din ang paghinto nito sa kanyang paglakad...,

"Bakit na naman?".....ang nakukulitang sagot ni Hershey.

Tiningnan ko siya ng seryoso sa kanyang mga mata...,

"Salamat pala kanina..,kung wala ka baka nabangga na ako ng truck na iyon....nahihiya pa akong sabihin ito sa kanya,dahil siguro ay hindi pa kami ganon katagal magkakilala.

"Wala yon,...huwag mo ng isipin yon"...,ang sagot nito,

"Ikaw siguro ang gurdian angel ko"...,

Ang Babae sa mga Pahina (On-going)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora