Chapter 69 : Garage Sale

268 9 151
                                    

January 14 , 2018 Sunday

09:21 am

Imus Cavite,

"Archie...nagpaalam na ako kay Mama..pinayagan na niya ako na mag-alaga ng fish...ahihi...kaya dadalhin ko na muna sa amin itong fish bowl ha..."ang masayang sabi sa akin ni Myra...sa kanyang pagngiti ay lumabas ang dimple sa kaliwa niyang pisngi.

Dahan-dahan niyang binuhat ang fish bowl para dalahin ito sa kanilang bahay.

Ako naman ay abala sa paghuhugas ng mga plato na aming ginamit kanina nang kami ay kumain ng almusal .

ShhhHHiiissssSSsshhh....

"Ooops!...hays...muntik pang mabasag itong plato na hinugasan ko..."...kung anu-ano kasi ang pumapasok sa aking isipan habang naghuhugas sa kusina.

"Archie!...ilalagay ko muna itong fish bowl sa bahay.."...ang paalam sa akin ni Myra.

Napalingon ako kay Myra at nakita ko siya na palabas na sa bakuran ng bahay ko.

Nagugulohan ako ngayon sa mga nangyayari....
Dahil kayang gayahin ng isda ang boses ko ..., ay hindi ko ngayon alam kung papaano ko ito ipapaliwanag kay Myra....

Dahil ang alam ni Myra ay ako ang nagsabi nito sa kanya....hindi naman siya maniniwala kung sabihin ko na iyong isda sa fishbowl ang nagsabi nito.

Pagkatapos kong maghugas ng mga plato ay umakyat na ako sa ikalawang palapag ng bahay.

Dahil sa katatapos ko lamang na kumain ay medyo tinatamaan ako ng antok.

Naghanap ako ng mababasa at hinalukay ko ang mga lumang magasin sa ilalim ng lamesa.

May nakita akong lumang dyaryo.....kinuha ko ito at tiningnan ko ang front page.

"Luma na pala itong dyaryo na aking hawak...mababasa dito ang petsa na "Disyembre 30,2017"...noong nakaraang taon pa pala ito".....ang iniisip ko habang nakatingin ako sa lumang dyaryo.

ang iniisip ko habang nakatingin ako sa lumang dyaryo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ang dyaryo na nakita ni Archie......

Nakatawag ng pansin sa akin ang artikulo tungkol sa huling araw ni Dr.Jose Rizal...

Pinagpatung-patong ko ang tatlong unan sa kama at doon ako sumandal habang nagbabasa....

Nakakasilaw ang tama ng liwanag ng araw sa papel ng dyaryo na hawak-hawak ko...Dahil dito ay parang lalo akong inaantok.....

Nagsimula na akong magbasa...pero dahil sa parang humahalo ang antok sa aking pagbabasa ay parang wala akong naiintindihan sa aking binabasa...

Hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako......

Ang Babae sa mga Pahina (On-going)Where stories live. Discover now