Chapter 24 :Coke

102 9 16
                                    

January 8 , 2018 Monday

11:24 am

"Paano yan Archie may nakaupo doon sa Lamesa?..ang may pag-aalalang tanong ni Jenny.

Ang sabi ni Hershey ay sa lamesa sa tapat ng aircon,.....ang problema ay dalawa pala ang lamesa dito na parehong nakatapat sa aircon.
Naupuan na namin yung unang lamesa na may aircon.., pero wala kaming nakitang message sa ilalim ng lamesa.Sigurado kami ni Jenny na doon sa isang lamesa ito matatagpuan...,kaya lang ay may naunang nakaupo dito.

"Kumain na muna tayo,,,.basta kapag umalis sila,..lipat agad tayo doon"...ang sabi ko kay Jenny habang hinahalo ko ang sauce ng spaghetti.

Marami pa lang kumakain dito sa Mcdo sa Makati ave.
Karamihan ay mga nag -oopisina at mga call center agents.

Sa mga lamesa doon malapit sa hagdanan..,isang grupo ng mga call center agents ang kumakain,apat na babae at tatlong lalaki.Suot pa nila ang mga I.D. nila...,Sobrang ingay nila,..hindi mo na marinig ang music ng Mcdo dahil nga mga boses nila ang nangingibabaw.Para bang wala silang pakialam sa ibang customers na kumakain,..at wala sa kanila ang nagsasalita ng tagalog..,panay ang english nila.

"Jenny bakit ganyan ang mga call center agents na yan,Filipino naman ang kausap nila,bakit panay ang english nila."..ang mahina kong tanong kay Jenny.

"Ewan ko sa kanila,kanina pa nga ako naaasar,ang iingay nila."...kapag ganitong naiinis si Jenny ay nawawala ang mga dimples niya sa pisngi.

Naubos na namin ni Jenny ang chicken -spaghetti na aming inorder na pagkain,at french fries naman ang aming kinakain....Nang umalis na yung dalawang nag -oopisina sa lamesa na kanina pa namin inaabangan na mabakante.

Agad kaming lumipat ng lamesa ni Jenny.Kinapa agad ni Jenny ang ilalim ng lamesa para hanapin ang sinasabing message na nilagay ni Hershey na nakasaad sa secret message ng Alchemist na libro.

"Archie....!..meron nga...!!!...,ang masayang sabi ni Jenny...,isang papel ang natagpuan niya dito at may nakasulat na message na gamit ang Katipunan secret code.

"Haysss...buti naman at Katipunan alphabet ang ginamit niya,hindi na tayo mahihirapan na basahin pa...ang sabi ko kay Jenny habang umiinom ako ng coke.

Dahil marunong na kaming magbasa ng Katipunan secret code ay madali na naming na-decode ang message.

Binuksan na namin ang papel na nakatupi sa apat na bahagi....at ito ang nakasulat doon....................

"Download ninyo itong zip file
Password : _ _ _ _ _ _ _ _ _
Clue: Marlboro                         "

"Eh saan namang web address eda-download? ...,ang tanong ni Jenny sa akin.

"Hindi ko alam eh..ito lang nakasulat dito" ang naguguluhang sagot ko kay Jenny.

Tiningnan namin na mabuti ang papel,sa likod at harap pero wala kaming makita talaga na web address.

Ipinatong ko sa lamesa ang papel at kinuha ko ang baso ng coke para inumin ito.....,nang biglang....

TsaaaakkkkKkkkk...nasagi ako sa kanang balikat ng isang babae habang dumadaan ito.Kitang -kita ko ang pagtapon ng coke sa papel na nakalagay sa lamesa.

"Sorry Kuya"...ang sabi nung babae na sumagi sa akin,nagmamadali itong pumunta sa rest room ng Mcdo.

"Luuuh!..paano na ito Jenny,nabasa ang papel ng coke...?  ang malungkot na boses ko habang tinatanong si Jenny.

Pero sa halip na malungkot ay parang masaya pa si Jenny sa nangyari...,

"Archie nakita ko na ang web address...Lumabas ang mga letra sa papel nung matapunan siya ng coke"...,........

Ang Babae sa mga Pahina (On-going)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin