Chapter 75 : Vicious Circle

252 9 141
                                    

January 14 , 2018 Sunday

09:02 pm

Imus , Cavite

"May kuryente naman!...bakit pa kayo nagsindi ng kandila...,mamaya pagmulan pa yan ng sunog"....nagulat kaming tatlo nang biglang magsalita ang nanay ni Myra na nagmula ang tinig sa bintana sa kabilang bahay.

Magkatapat lang kasi ang bintana ng kwarto namin ni Myra dahil magkapitbahay kami..., kung saan bumungad ang nanay ni Myra.

Kanina pa pala si Myra hinahanap ng kanyang ina at sinabi ng kasambahay nila na nagtungo ito sa aking bahay.

"Ma!....dumating kana pala?!"....ang bati ni Myra sa kanyang ina.

Si Jenny naman ay ngumiti lang nang makita ang mama ni Myra sa may bintana.

Itinago ni Myra sa kanyang likuran ang papel na hawak-hawak niya...ito yung papel na nakuha naming nakatago sa loob ng gas tank ng alcohol lamp.

Agad ko namang pinatay ang nakasinding kandila...

"Tita..scented candle po ito...sinusubukan lang namin kung mabango nga ang amoy"....ang depensa ko kay Myra sa kanyang ina.

Hindi pinansin ng nanay ni Myra ang mga sinabi ko....bagkus ay itinuon nito ang pansin sa kanyang anak.

"Anak ...alam mo namang may sakit kang asthma...mamaya makasama pa sayo yang scented candle na yan".....ang nag-aalalang sabi ng kanyang ina...

Tumango lamang ang ulo ni Myra sabay bitaw ng ngiti na may halong paglalambing.....

"Teka! Wag mo akong daanin sa ganyan ha..anong oras ka uuwi...gabi na?!..ang may katigasang tinig ng kanyang ina.

"Mama!...parang ang layo ng bahay natin ah....,mamaya na ako uuwi...saka kasama ko naman si Jenny eh".....sabay akbay ni Myra kay Jenny.

Saglit na nag-isip ang Mama ni Myra at....

"O...sige....iha.." sabay baling ng pansin ng Mama ni Myra kay Jenny.

"Ikaw na ang bahala sa anak ko Jenny ha...alam mo naman ang panahon ngayon...ang daming masasamang nangyayari at lagi yang balita sa t.v....,"....sabay tingin ng Mama ni Myra sa akin...

Ngumiti lamang si Jenny senyales ng kanyang pagsang-ayon sa mga sinabi ng ina ni Myra.

"Archie bukas na natin alamin kung anong misteryo ang bumabalot sa sulat na ito...kumain muna tayo ng hapunan..baka nagugutom na si Jenny.....ahh nagpaluto na ako sa aming kasambahay kaya ipapadala ko na lamang dito"...ang mungkahi ni Myra sa aming dalawa ni Jenny.

Masaya kaming kumain ng hapunan,...kwentohan at tawananan.

Pagkatapos naming kumain ng hapunan ay naghugas naman ng mga pinagkainang plato at baso si Myra...habang si Jenny naman ay tumulong din sa kanya sa kusina.

Habang abala naman silang dalawa sa paghuhugas ay lumabas naman ako ng bahay para hanapin ang pusa kong si Casper para bigyan ng pagkain at tubig.

Malaki ang ipinagbago ni Casper...dahil tumaba siya...ikaw ba naman kahit yong kapitbahay namin ay pinapakain din siya....marami kasi ang natutuwa sa pusa ko.

marami kasi ang natutuwa sa pusa ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Ang Babae sa mga Pahina (On-going)Where stories live. Discover now