Chapter 45 : Sa Silong ng Langit

63 6 25
                                    

January 10 , 2018 Wednesday

09:10 pm

"Archie sorry na talaga "...,ang nagmamakaawang sabi ni Hershey sa akin.Hinawakan pa niya ang kaliwa kong kamay na naging dahilan para mapahinto ako sa aking paglakad patungo sa dressing room...malambing na lumapit sa akin si Hershey at inihilig ang kanyang ulo sa aking balikat.

Napatingin ako sa kanya..,sabay ngiti nito at makikita sa mukha niya ang pagsusumamo...,dahilan para mawala ang pagkainis ko sa kanya kanina.

Dahil sa pagkakalapit naming dalawa ay nasilayan kong mabuti ang kanyang marikit na mukha,...ang pakiramdam ko tuloy ay may katabi akong anghel sa silong ng langit.

"Hindi na ako galit..,saka nangyari na yon,hindi na natin maibabalik pa"...,ang paliwanag ko kay Hershey.

Dahil sa kapilyuhan ni Hershey kanina ay itinulak niya ako dahilan para mahalikan ko sa labi si Jenny ng hindi sinasadya.Dahil sa isang ghost si Hershey at hindi siya nakikita ni Jenny ay walang ibang sisisihin kung hindi ako.

"Yehey....hindi na siya galit "..., ang sabi ni Hershey  at agad na nakitaan ko siya ng sagigasag ng kasiyahan.

Pagkatapos ng insedenteng iyon sa aming dalawa,..ay hindi na ako kinausap at kinibo ni Jenny.

Hindi ko alam kung papaano ako hihingi ng paumanhin sa kanya...,at hindi ko rin alam kung mapapatawad ba niya ako.

Kapag break time namin sa work ay madalas na magkasama palagi kaming kumain dito sa trabaho,kanina ay hindi siya sumabay sa akin,..parang nagkaroon ng mahabang distansya na namamagitan sa aming dalawa.

Nagpatuloy ako sa paglalakad sa pasilyo ng dressing room nang makasalubong ko si Jenny na nagmamadali sa kanyang paglalakad...,hindi man lamang siya tumingin sa akin at animoy hindi niya ako kakilala.

Susundan ko sana siya pero pinigil ako ni Hershey.

"Bigyan mo muna siya ng oras Archie"...ang mahinang sabi ni Hershey.

Nadaanan ko ang dressing room nina Jenny at naiwan na nakasiwang ang pintuan nito,dahilan para marinig ko ang kanilang pinag-uusapan sa loob.

"Ang akala mo kung sinong mahinhin...malandi rin pala "...,ang tinig ni Ate Camille.

Si Ate Camille ang kasama kong waitress dito sa Hao Chi Mian Tang restaurant.Noong bago pa lamang ako rito sa trabaho ay napapansin kong mayroon na silang hindi pagkakaunawaan ni Jenny.Kayumanggi ang kanyang balat...,maliit lamang siyang babae pero kung gaano siya kaliit ay kabaligtaran naman sa lakas ng kanyang boses..,malakas din siyang tumawa at mahilig manuod ng teleserye ng GMA Network na "Ika-anim na Utos"..sa kanyang android phone.

"Talaga bang nakita mo na hinalikan ni Jenny si Archie ? "...ang tanong ni Lovely.Sa boses pa lang ay kilala ko na siya dahil malambing at matamis ang tinig ni Lovely.

Si Lovely ang assistant cook ni Mang Johny...,mahilig siyang kumanta habang nagluluto siya sa kusina.Ang pinakaayaw niyang trabaho sa kusina ay ang magbalat at maghiwa ng sibuyas.Dahil dito ay si Mang Johny ang madalas na gumagawa nito..,parang nabaligtad nga eh,siya tuloy ang nagmumukhang assistant cook.Pero dahil sa mabait si Mang Johny ay siya na lamang ang gumagawa nito,...

Hindi na ako nagpatuloy pa na pakinggan ang kanilang pinag-uusapan dahil para akong sinasaksak ng punyal sa dibdib sa bawat masasakit na salita na sinasabi nila kay Jenny.,ito marahil ang dahilan kung bakit nagmamadali si Jenny sa paglalakad palabas sa pasilyo kanina.

Pagkatapos kong magbihis ay agad akong pumunta sa likod ng Powerplant mall kung saan madalas kong hinihintay si Jenny tuwing uwian na sa trabaho.

Pero wala siya roon......,

Ang Babae sa mga Pahina (On-going)Where stories live. Discover now