Chapter 14 : Umaga ng Linggo

111 9 17
                                    

January 7 , 2018 Sunday

08:29 am

"Myra...,di ba sabi ko sayo...,wag mong pakainin yung pusa dyan sa kapit-bahay...,pagalit na boses ng nanay ni Myra habang kumakatok ito sa pintuan ng kanyang kwarto.

"Mamaya na lang ulit Archie"sabay senyas sa akin ni Myra..,tumayo siya ng mabilis para buksan ang pintuan ng kanyang kwarto.

Dagggg tagg taggGgg....ang malakas na katok ng kanyang nanay

"Saglit lang Ma"ang sabi ni Myra

Pagkabukas na pagkabukas ng pintuan ay bunganga agad ng kanyang ina ang sumalubong sa kanya.

"Anak alam mo namang may asthma ka..,eh dapat ikaw na mismo ang umiwas sa mga pusa na yan"...ang may pagmamakaawang tinig ng kanyang ina.

"Eh Ma pinakain ko lang naman yung pusa.,hindi ko naman hinawakan eh" ang sagot ni Myra,..pilit na ipinagtatanggol ang sarili.

"Ah basta! Kapag hindi ka pa tumigil sa kalokohan mo..,isusumbong kita sa Papa mo.."ang pagmamatigas na sabi ng nanay ni Myra.

Ako naman ay nakasilip lang sa may bintana, kitang -kita ko ang pagsipa ni Myra sa isang plastic bag ng cat food papunta sa ilalim ng kanyang kama.Ginawa niya ito habang hindi nakatingin ang kanyang Mama.

Ayaw kong madamay sa gulo ng mag-ina kaya bumaba na ako para mag-almusal.

Naalala ko na twin pack nga pala yung nescafe 3n1 na nakita ko nung isang araw kaya may natitira pang isa..,makakapagkape pa ako....

Hindi pa ako nakakapag-grocery...,walang laman ang refrigerator.walang makain sa bahay,hindi na ako magtataka kapag lumayas ang pusa kong si Casper at tumira kina Myra.

"Swerte pa din..,may nakita akong Fita crackers...tamang -tama sa kape...,"

Agad akong nagpakulo ng tubig at naghilamos ng mukha....,

"Luh ! May muta pa pala ang mga mata ko tapos kausap ko kanina si Myra sa may bintana sa taas...,nakakahiya"....,kumuha ako ng safeguard na sabon at nagsimulang maghilamos ng mukha.

"Pero si Myra kanina parang fresh na fresh pa din kahit bagong gising....,hmm di kaya nagpaganda muna sya bago nya ako kausapin...ahehe..ilusyonado...

Kinuha ko ang libro na Alchemist habang nagkakape...,naalala ko kasi na isusulat ko ang mga naka-highlight na letra dito...,panibagong secret code na naman.Teka si Jenny dapat gumagawa nito kasi siya ang henyo....bakit ako?!..,

Isinulat ko sa isang papel ang bawat letra na nilagyan ng highlight sa libro.Kung sino man yong misteryosong tao na iyon na nagsulat ng secret code dito sa libro na ito...masasabi ko na matalino syang talaga.Hindi mahahalata na code ito..,ang galing naman.

Binuksan ko ang messenger ng matapos ako sa pagsusulat para sabihin kay Jenny ang aking natuklasan.

"Jenny nasulat ko na lahat ng code sa isang papel"chat ko kay Jenny.

Naka-online sya pero matagal mag-reply.Baka busy na naman sa tindahan nila.

Ang init na ah,naku mag-aalas dose na pala ng tanghali.Nalibang ako sa pagsusulat,di pa pala ako nakakapagluto ng tanghalian....(°•°)

Ang Babae sa mga Pahina (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon