Chapter 54 : Ang Pagbabalik ni Blakkk Venus

124 9 33
                                    

January 11 , 2018 Thursday

03:25 pm

--------------------------Si Blakkk Venus--------------------------------

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

--------------------------Si Blakkk Venus--------------------------------

Kakaunti na lamang ang mga natitirang customer na kumakain sa Hao Chi Mian Tang restaurant.Kaya gaya ng dati nakatambay ulit ako malapit sa cashier booth ni Jenny.

Sa labas ay makikita ang mga taong naglalakad,parang walang kapaguran.Mahilig talaga ang mga Pinoy na pumunta ng mga shopping malls at naging kultura na natin ito.

Magkasama kami pero hindi kami nag-uusap ni Jenny..,ayaw ko kasi siyang maistorbo sa kanyang ginagawa sa kubol ng kahera.

"Archie may customer na dumating..,ikaw na muna ang bahala"..,ang malakas na tinig ni Camille.

Magaling na waitress si Camille,isang sabi lang sa mga order ng pagkain ng mga customers ay natatandaan na niya...,samantalang ako ay nakakalimutan ko at madalas na sablay,minsan sa maling customer ko nadadala ang pagkain...

Naglakad siya patungo sa isang lamesa na malapit sa sulok ang bagong dating na customer.May mahaba siyang buhok na lampas balikat,may suot siyang manipis na long sleeve na kulay puti pero hindi nakasarado ang mga butones nito at nakaitim siyang spaghetti na panloob na damit.Kulay asul na fitted jeans at may disenyong rosas sa kanang binti ng pantalon...,at sa kanang balikat ay nakasabit ang kulay brown na leather bag.

Kapansin-pansin ang suot niyang puting long sleeve na "see through dress"..,kaya pala siya nagsuot ng itim na spaghetti na damit panloob ay dahil babakat ang kanyang dibdib dahil "see through" ang kanyang long sleeve...talagang pang-porma lang.

Lumapit ako sa lamesang iyon para alamin kung anong pagkain ang kanyang oorderin.

Iniabot ko sa kanya ang menu ng Hao Chi Mian Tang restaurant...at habang ibinibigay ko ito sa kanya ay napansin ko agad ang tatoo na "black butterfly" sa kanyang kaliwang pulso...............

...............,may bigla akong naalala!?.....,hindi ako pwedeng magkamali sa nakita kong tatoo sa kaliwang kamay niya....si Blakkk Venus !....,

Noong Tuesday ay pumunta rin siya rito,pero nang pumasok siya ng rest room ay naglaho na lamang siya na parang hangin.Hindi na siya nakitang lumabas sa exit ng restroom kung saan siya pumunta...nakakapagtaka talaga.....at ngayon ay nandito siya sa harapan ko ...papaano nangyari iyon?

Umorder siya ng "Mantou"...isa itong steamed bread..,na popular sa bansang china...hindi ito niluto sa oven at sa singaw ng kumukulong tubig ito niluluto kaya tinawag na steamed bread.

Para itong siopao pero walang palaman sa loob.Kinakain ito sa pamamagitan ng pagsawsaw sa gatas na kondensada.Kasing laki ito ng pandesal at kulay puti na parang puto.Gawa ito sa harina samantalang ang puto naman natin ay gawa sa giniling na bigas.

Ang Babae sa mga Pahina (On-going)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant