Chapter 33 : Ang Lumang Bahay II

77 7 13
                                    

January 9 , 2018 Tuesday

11:36 am

May kataasan ang bakod ng lumang bahay...,at ang disenyo ng pintuan ng gate nito ay mukhang nakabukas na pamaypay.

Sa Fengshui symbolism ang ibig sabihin ng pamaypay ay simbolo ng wealth,good luck,protection at pantaboy sa mga negative energies.

Nasa tapat na kami ng gate ng lumang bahay,agad na mapapansin mo dito ay ang mga tanim na rosas sa gilid ng bakuran.Mapupula ang mga bulaklak nito at masasabing alagang-alaga ito.

Isang babae na nasa singkwenta anyos ang edad ang aming nakausap..,nakasuot ito ng kulay grey na sleeve dress na may floral design,may mga puti na rin ang buhok nito na hanggang balikat,may bilogan at maamo ang mukha nito.

"Ako nga si Aling Cora..,ano ba ang maipaglilingkod ko sa inyo ?...ang tanong nito sa amin.Binuksan nito ang gate ng bahay at pinaupo kami sa isang upuan sa maliit na garden sa loob ng bakuran ng lumang bahay.

"Mga kaibigan po kami ni Hershey,ang sabi po niya ay hanapin namin kayo dito dahil sa inyo raw po niya inihabilin ang kanyang notebook..."ang sagot ko kay aling Cora.

"Si Her.....si..si... Hershey.?..."parang nagulat ito ng marinig ang pangalang Hershey,...matapos nito ay nabalot ng lungkot ang mukha nito...parang malalim ang mga iniisip ni Aling Cora nung mga sandaling iyon.

Sumunod nun ay nabalot ng katahimikan ang paligid,wala sa aming tatlo ang may lakas ng loob na basagin ang katahimikang iyon.Isang paru-paro ang lumilipad at nagpapaikut-ikot ito sa maliit na garden ng lumang bahay....at pagkatapos noon ay dumapo ito sa isa sa mga bulaklak ng mga rosas na nakatanim sa bakuran.

Maya-maya pa ay umagos na ang mga luha sa mata ni Aling Cora.Parang may naalala siya na dahilan ng pag-iyak nito.Nabigla kami ni Jenny sa mga nasaksihan.

"Aling Cora ,...bakit po ba?....ang may halong pag-aalala kong tanong sa kanya.

"Hindi pa ba ninyo alam ang nangyaring aksidente sa pamilya ni Hershey..?...ang sagot ni Aling Cora,....

"Matagal na po kaming walang balita kay Hershey,ang naaalala lang po namin ay ang huling sinabi niya tungkol sa kanyang notebook,..halos sampung taon na rin po kaming walang balita sa kanya...ang paliwanag ko kay Aling Cora,

Nasabi ko iyon dahil year 2008 pa ang message ni Hershey sa kanyang secret file,...at para na rin na lumabas na matagal na kaming mga kaibigan ni Hershey,baka kasi hindi niya ibigay sa amin ang notebook kapag nalaman ni Aling Cora ang totoo...,alam kong mali ito pero minsan kahit ayaw nating gawin ay nakakagawa tayo ng mga kasinungalingan.

"Ano po ba ang nangyari sa kanilang pamilya...?..ang tanong ni Jenny kay Aling Cora.

Pinunasan ni Aling Cora ang mga luha na umagos mula sa kanyang mga mata.Pero mababakas pa rin ang kalungkutan sa kanyang maamong mukha.

At ito ang kanyang sinabi sa amin.............

"Sampung taon na ang nakakaraan ng maaksidente ang kanilang sasakyan,papunta ang kanilang pamilya noon para sa isang bakasyon sa Palawan ng salpukin sila ng isang delivery truck....wala ng buhay ang kanyang mga magulang ng dumating ang mga rescuers,at si Hershey naman ay nag-aagaw buhay na isinugod sa Makati Medical Center.

Hanggang sa huling hininga ni Hershey ay tinatanong nito ang kalagayan ng kanyang mga magulang kung nakaligtas ba sila,sinabi na lang ng doctor niya na "OK" ang mga magulang niya dahil makakasama kay Hershey kung malalaman niya ang katotohanan.

"Huhhh!!!..,ibig sabihin nito ,patay na po si Hershey?....ang tanong ni Jenny na halos maluha na rin sa narinig kay Aling Cora.

Tumango lamang si Aling Cora,parang hindi niya kayang banggitin ang mga nangyari kay Hershey.

Nakatingin lamang ako sa paru-paro na nakadapo sa bulaklak ng rosas,maya-maya pa ay lumipad na ito papalayo sa amin.

Ang Babae sa mga Pahina (On-going)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora