Chapter 29 :Ang Simbolo

93 8 59
                                    

January 8 , 2018 Monday

10:27 pm

Gaya ng dati.., pagkatapos ng trabaho namin sa chinese restaurant,..sa likod ng Rockwell Mall ko ulit hinintay si Jenny.Dahil matagal magbihis ng damit si Jenny..,kaya ako ang madalas na naghihintay sa kanya palagi.

Nakakaramdam na din ako ng antok,parang nakakapagod ang araw na ito.

Malamig ang simoy ng hangin,kukunti rin ang mga dumadaan na sasakyan.Nakaupo ako sa isang upuan malapit sa isang puno ng acacia.Madalas kong inoobserbahan ang mga ginagawang building dito sa likod ng Rockwell Mall...,

"Ang bilis nilang magtrabaho,habang tumatagal ay pataas ng pataas ang building na ito....,kung sakaling huminto ang paktakbo ng iyong buhay..sa ibang tao naman ay nagpapatuloy ito..,kagaya ng ginagawang building na ito,..parang nakakalungkot ang mga iniisip ko sa mga sandaling iyon.

"Archie..,ang lalim na naman ng iniisip mo..tara na.."..,ang malambing na sabi ni Jenny.Hindi ko man lang namalayan ang kanyang pagdating.

Sa tapat ng Rockwell Mall kami sumasakay ng jeep ni Jenny.Hinihintay ko muna siyang makasakay ng jeep na byaheng Lrt/Taft.., bago ako sumakay ng jeep na byaheng Guadalupe.

"Jenny ingat ka ha"..ang paalam ko sa kanya,habang papasakay na siya sa humintong jeep.

"Wala pang reply si Myra..,baka hindi siya nag-online ngayon."..,ang pahabol na sabi ni Jenny.

"Balitaan na lang kita mamaya..,mag-oonline ako pagdating sa bahay..."ang pasigaw kong sabi kay Jenny.

Umalis na ang jeep na kanyang sinasakyan at hindi ko na rin siya nakita.

Nakakalungkot kapag ang isang tao ay nakita mong papaalis,..kahit na alam mong magkikita pa kayo ay nakakalungkot yung sandali ng paghihiwalay ninyo ng landas.

Mabilis naman akong nakasakay ng bus na byaheng Cavite pagdating ko ng Edsa.

Maluwag ang bus na sinakyan ko..,wala akong katabi sa upuan,pero pagdating ng ayala ay madami ang sumakay na pasahero.

Isang babae na nakasuot pa ng uniform nila sa trabaho ang umupo sa tabi ko.Naka-earphone siya at suot ang kulay asul na uniform.

Mababasa sa kanyang uniform ang ganito"Inagiku"...,

Ang Inagiku ay isang restaurant na makikita sa Shangri la hotel.Isa itong Japanese cuisine.At ang kanilang executive chef ay si Wataru Hikawa...pero hindi pa ako nakakakain dito,siguro kapag yumaman na ako.

Halatang napagud ito sa trabaho...dahil nakatulog agad ito at napasandal ang ulo sa kaliwa kong balikat.

Hindi ko alam ang gagawin,..kung gigisingin ko ba siya or hahayaan ko na lang siyang matulog.
Sakto naman na ang tugtog sa bus ay "Hayaan mo Sila" ng Ex Battalion......,kaya hinayaan ko na lang siya na sumandal sa balikat ko kahit na nakakangawit.

Mag-aalas dose na ng gabi ng dumating ako sa bahay.Nakita ko agad si Casper sa pintuan ng bahay at tulog na tulog.

Ang ganda naman nitong binigay na kainan kay Casper...,binigay ito ni Myra,isang lagayan ng pagkain ng pusa na gawa sa plastic na may design na Hello Kitty,kaso kulay pink ito.Lalaki ang pusa ko pero ewan ko ba kung bakit ito ang piniling kulay ni Myra.

Umakyat na ako sa taas para magbihis,pagkatapos kong bigyan ng pagkain si Casper.

"Ang tagal mo naman Archie,kanina pa kita hinihintay"ang sabi ni Myra sa bintana,magkatapat kasi ang bintana ng aming kwarto.

"Nabasa mo ba yung message ko sayo kanina?...ang tanong ko sa kanya.

"Oo naman,at nakuha ko na ang sagot sa password..." ang masayang balita ni Myra sa akin.

"Wow ang galing mo naman,hindi nga namin masagotan ni Jenny eh,..paano mo nalaman ang password?...ang tanong ko kay Myra.

Isang secret code na isinulat sa Katipunan alphabet ang aming natagpuan sa ilalim ng lamesa ng Mcdo sa Makati,nabasa namin ito dahil alam na namin ni Jenny na magbasa ng Katipunan alphabet,ang problema ay secret code din ang laman nito.
May password ang zip file na ibinigay ni Hershey,siya ang mahiwagang babae na naglagay ng secret code sa libro ng Alchemist.

"Maaga naman akong nakauwi kanina Archie kaya nakapagresearch ako at nalaman ko ang password..."..,ang paliwanag sa akin ni Myra.

Ito ang aking natuklasan sa research ko....

Gumamit muna ako ng VPN (virtual private networks) sa aking computer dahil hindi mo maa-access ang mga websites na naka-block dito sa Pinas.Pero kapag naka-connect ka na sa vpn ay mabubuksan mo ito.

Ang sabi mo ay siyam na karakter ang password at ang clue ay Marlboro.

Natuklasan ko na ang logo ng Marlboro ay may pyramid na design,....tingnan mo ang logo nila at makikita ang hugis tatsulok sa pangalan ng Marlboro.

Ipinakita sa akin ni Myra ang pictures nito sa kanyang laptop computer mula sa kanyang bintana.

Ang pyramid ay sagradong hugis na ginamit ng tao libong taon na ang nakakaraan.
Sa Egypt makikita ang mga pyramid na libingan ng mga hari,naniniwala sila na ang pyramid ay gateway to heaven,..,makikita din ito sa one dollar bill ng america.

Kung titingnan mo din ang logo ng Bangko Sentral sa pera nating barya ay makikita mo din ang simbolo ng pyramid,kahit na sa watawat ng Pilipinas ay may hugis na tatsulok.

Mapapansin mo din sa logo ng Marlboro ang mahabang letra na L at b......kung bubuksan mo ang takip ng kaha nito ay mapuputol yung letra at magiging number 11....

"Oo nga number 11 nga kapag naputol yung letra..,ano naman ang ibig sabihin nung number 11..?ang tanong ko kay Myra habang pinagmamasdan ko ang picture ng logo nito sa kanyang laptop computer.

"Isa yang Pagan symbol,sumisimbolo yan sa dalawang poste na ang ibig sabihin ay " strength"....paliwanag sa akin ni Myra.

Noong panahon ng Roman Empire,kapag hindi Christian,Judaism at Islam ang iyong religion ay tinatawag silang Pagan...
Ang mga Pagan ay naniniwala sa maraming Diyos.

Pero malaki ang impluwensya nila sa atin,karamihan sa mga Pagan symbols ay makikita pa rin ngayon at hindi natin alam na libong taon na pala itong symbols na ito.

Isa sa kilalang pagan symbol ay ang Puso...na ang ibig sabihin ay Love...madalas ding ginagamit ang pagan symbol sa mga tatoo at jewelry design.

"Ok naiintindihan ko na..,ibig mong sabihin ang password ay PYRAMID 11...tama ba ako Myra.."..,
Sabay ngiti ko sa kanya,,..

"Oo tama ka,..akala ko hindi mo pa rin makukuha eh...ahihi..sabay sarado nito sa kanyang laptop computer..

Agad akong nagbukas ng messenger para sabihin kay Jenny na alam na namin ang password sa secret file..

"Talaga alam na ninyo ang password!!..,ang galing naman ni Myra...tayo nga hindi natin nasagotan eh.....ang reply ni Jenny sa messenger

Ngayong alam na namin ang password sa zip file ay mababasa na namin ang laman nito.....ano kaya ang susunod naming matutuklasan dito....(-.-)...

Ang Babae sa mga Pahina (On-going)Where stories live. Discover now