Chapter 57 : Niyebeng Puti

123 11 82
                                    

January 11 , 2018 Thursday

09:54 pm

Tumawid na ako sa kabilang kalye sa harapan ng Power Plant Mall...,pagkatapos kong ihatid at hintaying makasakay si Jenny.Dahil dito naman ako sasakay ng jeepney patungong EDSA kung saan naman ako maghihintay ng bus na byaheng Cavite.

Sa harapan ng Mall ay makikita ang ilog Pasig..,at sa kabilang pampang ay makikita ang kabahayan kung saan sakop na ito ng Mandaluyong city.

Byaheng Guadalupe Ibabaw ang jeepney na aking inaabangan dahil dadaan ito ng Edsa....,Kaya lang ay puro Guadalupe Ilalim na jeepney ang karamihang dumaraan,kung saan sa ilalim ng tulay ito dadaan paikot naman patungong Guadalupe market kaya hindi ito daraan ng Edsa.

Matiyaga akong naghintay at mga ilang sandali pa ay may paparating na Jeepney na byaheng Guadalupe ibabaw.May kalumaan na ang may animan na upuan na jeepney,....agad akong pumara at sumakay dito.

Bumaba ako ng Edsa sa Guadalupe ibabaw at matatanaw sa kabila ang Jollibee,malapit ito sa Guadalupe Mrt Station.

Madaming nagtitinda sa gilid ng kalye,may nagtitinda ng nilagang mani,chicharon at mga ibat-ibang klase ng inumin kagaya ng palamig.

Dito rin tumatambay iyong mga nagtitinda na umaakyat ng bus at may dala-dala silang mga paninda habang nag-aabang sila ng bus.May ilang bus na hindi sila pinapayagang magtinda sa kanilang bus.Parang ang hirap ng trabaho nila dahil halimbawa ay may dala-dala silang Pritong mani na nakalagay sa plastic na timba tapos ay aakyat ka ng bus para ialok ito sa mga pasahero,..isipin mo nakakapagod din talaga.

Nabasa ko sa Messenger sa aking smartphone ang mensahe ni Jenny na nakarating na siya ng bahay,..sinilip ko lang ito sa loob ng aking bag dahil mahirap maglabas ng phone dito sa Guadalupe dahil maraming snatcher ng phone dito.

Buti pa si Jenny nakauwi na,...samantalang ako ay ito at naghihintay pa rin ng bus na byaheng Cavite.

Hmmm....,naka-online sila ah...makapag-chat nga muna habang naghihintay ng bus.

(O.o)_Jenny
_____________Sa bahay na ako Archie

(×.×)_Archie
______________Ako sa Edsa pa rin

(O.o)_Jenny
_____________Naku masanay ka na

(=,=)_Myra
____________musta naman kayo guys?!

(×.×)_Archie
_____________naku same pa rin nasa kalye naghihintay ng bus

(O.o)_Jenny
_____________dinner tayo...sarap ng ulam namin..ginisang munggo at tinapa

(=.=)_Myra
_____________ingats Archie...ingat sila sayo hehe...

(×.×)_Archie
______________maya ulit,may bus na....pasakay na me.

Agad kong isinara ang zipper ng bag ko at itinago ko ang phone ko sa ilalim ng bag habang inaabangan ang bus na na paparating na byaheng Cavite.

Jasper ang pangalan ng bus at mababasa sa signboard nito sa unahang salamin ng bus ang "Dasma/bayan".

Hindi lang pala ako ang naghihintay ng bus na byaheng Cavite,karamihan pala sa mga nakatayo rito na mga tao ay naghihintay din ng bus na byaheng Cavite....kaya pala ilang bus na ang dumaan ay hindi sila sumasakay dahil Cavite rin pala sila.

Sa ganitong pagkakataon ay unahan talaga,kaya nakipagsisikan ako sa kumpol ng tao na paakyat ng bus.Karamihan sa paakyat ng bus ay mga galing din ng trabaho at amoy pawis ang maaamoy mo.

Ang Babae sa mga Pahina (On-going)Where stories live. Discover now