Chapter 20 :Abakada ng Katipunan II

100 9 11
                                    

January 7 , 2018 Sunday

08:53 pm

"Archie ano ba ang kwento nitong secret code na ito?...,ang tanong ni Myra sa akin

Dapat ko na sigurong sabihin sa kanya ang tungkol sa secret code.Nasa bintana pa rin kami sa ikalawang palapag ng bahay nag-uusap ni Myra.

"May nakita kasi kami nung kaibigan ko sa trabaho..,Si Jenny ..,may mga numero na nakasulat sa singkwenta pesos,na-decode niya ito at napunta kami sa isang book na may nakusulat na panibagong secret code at ito nga iyong nasa papel ngayon"...,ang paliwanag ko kay Myra.

Ngayon naman ay natuklasan namin ni Myra na ang secret code na nasa papel ay kagaya ng pagkakasulat sa secret code na matatagpuan sa bantayog ni Bonifacio sa Monumento sa Caloocan.Kung titinignan mo sa google ang picture ni Bonifacio may dalawang tablet,....ang isang tablet ay hindi mo mababasa dahil ito pala ay secret code ng mga katipunero noong panahon ng himagsikan.Para din mabigyan ng proteksyon at manatiling lihim ang kanilang sulat na ipapadala sa mga miyembro ng Katipunan at hindi ito mabasa ng mga kalabang kastila.

Mahigit isang oras kaming nag -research sa internet para alamin ang Katipunan alphabet....sa ganitong paraan mababasa rin namin at made-decode ang secret code na nakasulat sa Alchemist.

Dahil sa malawak ang kaalaman ni Myra sa history ay nakita din namin ang aming hinahanap sa internet.

At ito ang aming natuklasan...........................................,.....

Spanish // Katipunan
Alphabet // Alphabet

A ---------------------------- Z
B ---------------------------- B
C ---------------------------- K
D ---------------------------- D
E ---------------------------- Q
F ---------------------------- walang katumbas
G ---------------------------- G
H ---------------------------- H
I ---------------------------- N
J ----------------------------- walang katumbas
K ---------------------------- K
L ----------------------------- J
M --------------------------- V
N ---------------------------- L
O ---------------------------- C
P ---------------------------- P
Q ---------------------------- K
R ---------------------------- R
S ---------------------------- S
T ---------------------------- T
U ---------------------------- X
V ---------------------------- walang katumbas
W --------------------------- W
X ---------------------------- walang katumbas
Y ---------------------------- Y
Z ---------------------------- walang katumbas

Ito ang abakada ng katipunan,..may mga tiktik na inalis at ang ibang titik naman ay pinalitan...kagaya ng tiktik A ...ay ginawang titik Z.

"Archie mababasa na natin ang secret code ng alchemist..."ang masayang sabi ni Myra.

Inilagay ko sa lamesa ang papel na pinagsulatan ng secret code sa libro ng alchemist
at ito ang nakasulat....

"ZKC SN HQRSHQY
KXLG GXSTC LNLYC ZKCLG VZKNJZJZ
PXVXLTZ KZYC SZ VKDC
SZ VZKZTN ZVQ

VZY NLNJZGZY ZKCLG SQKRQT VQSSZGQ
SZ NJZJNV LG JZVQSZ SZ TZPZT LG ZNRKCL

Ang gagawin na lang ay palitan ito ng katumbas na letra gamit ang Katipunan alphabet.

At ganito ang sinasabi sa secret code matapos naming ma-decode ni Myra.

"AKO SI HERSHEY
KUNG GUSTO NINYO AKONG MAKILALA
PUMUNTA KAYO SA MCDO
SA MAKATI AVE

MAY INILAGAY AKONG SECRET MESSAGE
SA ILALIM NG LAMESA SA TAPAT NG AIRCON.

Ang Babae sa mga Pahina (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon