Chapter 63 : Limang Sentimos

130 11 83
                                    

January 12 , 2018 Friday

08:09 pm

"Archie...naka-80 puntos tayo!?...,ang galing ninyo ni Mang Johny "....,ang bati ni Jenny nang magkita kami sa labas ng pintuan ng Hao chi Mian tang restaurant.

Nasa loob ng  Hao chi Mian tang restaurant ang ibang empleyedo...Si Mr.Chan(boss namin sa work) naman ay masaya sa naging resulta ng katatapos lamang na patimpalak sa pagluluto at kausap nito si Mang Johny malapit sa cashier booth...

"Eh Jenny ...ano naman ang katumbas sa "Star rank" ng nakuha nating 80 puntos?"ang tanong ko kay Jenny habang nakasandal ako sa pintuan ng restaurant.

Napaisip si Jenny sa isasagot sa akin,napakagat siya sa kanyang labi at nakaturo ang hintuturo niyang daliri sa kanyang dimple sa kanang pisngi.

Iba ang pakiramdam kapag may taong masayahin sa harapan mo...iyong tao na may positive energy..kapag may kaharap kang ganito ay parang gumagaan ang pakiramdam mo,..nakakawala ng pagud..

Pero kapag may kasama ka namang tao na napaka-negative ng pananaw sa buhay ay parang mahahawa ka ng kamalasan kapag kasama mo siya,parang ang bigat ng iyong pakiramdam.

"Archie sa pagkakaalam ko,...ang "50 to 60 points " ay katumbas ng "one star"...ang "60 to 80 points ay katumbas naman ng "two stars at ang "80 to 100 points ay katumbas naman ng "three stars"...ang paliwanag ni Jenny sa akin.

"Ibig sabihin pala ay nakakuha tayo ng "two stars".....kaya pala masaya si Mr.Chan "...ang sagot ko naman kay Jenny.

Kinuha ni Jenny ang bag niya na nakalagay sa loob ng Hao chi Mian tang restaurant na nakapatong sa lamesa malapit sa pintuan.

Parang nagmamadali si Jenny...,hindi naman siya dating ganito.

"Archie taralets,...wala naman tayong pasok ngayon di ba?!....ang sabi ni Jenny habang nakatayo ito sa pintuan ng restaurant...

Naalala ko nga pala na hindi kami nagbukas ng restaurant ngayon para suportahan si Mang Johny sa patimpalak ng pagluluto kaya maaga kaming makakauwi ngayon.

Nagpaalam na kami sa mga kasamahan namin sa trabaho at madalas na tinutukso nila kaming dalawa dahil magkasama na naman kami ni Jenny pauwi.Marahil ay iniisip nila na may relasyon kaming dalawa ni Jenny dahil madalas na palagi kaming magkasama na dalawa....iyong bang parang hindi kami mapaghiwalay,na kahit saan ako magpunta ay naroon din siya.

Sa paglabas namin ng entrance ng Power Plant mall ay makikita na madilim na sa labas...,

Maraming tao sa entrance ng mall dahil uwian na rin ng mga tao,..alas nueve ng gabi nagsasara ang Power Plant mall kaya siguro maraming tao dito sa labas.

Paalis na sana kami ng Power Plant mall nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.Alam namin ni Jenny na mababasa kami ng ulan kahit na magpayong pa kami dahil may kasama itong malakas na hangin.

Kapansin-pansin naman ang isang babae na nakatayo malapit sa amin ni Jenny...,sa unang tingin ay mahahalata mo agad na mayaman siya dahil nakasuot siya "Versace cotton blend trench".

Agaw pansin ito kaya naman napatingin din si Jenny sa kanya,...alam kong gusto rin ni Jenny na magkaroon ng ganitong damit pero masakit tanggapin ang katotohanan na pang-mayaman lang talaga ito.

Hindi ko alam ang pakiramdam ng isang babae kapag nakakita siya ng babae na sa tingin niya ay higit pa sa kanya...ano kaya ang nararamdaman ni Jenny ngayon?

Ang Babae sa mga Pahina (On-going)Where stories live. Discover now