Wakas

1K 47 42
                                    

Leonardo,

Sa loob ng walong taon, nag-aral ako sa Spain at nag-take ng course na Liberal Arts. I actually stop writing after I finished 'Arrow Pen' and make it as a paid story on every different writing platform. Mahal ang offer nila, maybe because maraming ang gustong bumasa. Pero sa totoo lang, matapos kong malaman ang mga nangyari, parang ayaw kong ipabasa ang kwentong iyon sa iba. Ni hindi ko na nga kinayang buksan ang account ni Ten after that. But, nang minsan kong buksan ito ay nakita ko kung gaano karaming readers ang naghihintay sa pagbabalik ko. Syempre, hindi maiiwasang may mga bashers talaga but I always take that easy.

Pero nang mabasa ko ang isa sa mga message sa account ko ng isang account na may pangalang Carlos Laong ay lubos akong naintriga. Isa pa, isang offer din kasi iyon about publishing Arrow Pen, so, I try to answer it and to my surprise, he message me the words that really caught me on guard.

Nardong, ilimbag na natin ang pangako natin kay Olivia. Maghihintay ako sa San Ignacio. Sa Laong Cafe, nawa ay makarating ka.

— Carlos Laong

Wala akong sinayang na oras at lumipad talaga ako pabalik sa Pilipinas. Year 2026, sa harap ng dating Bahay Aliwan ng San Fernando nagkita kami ni Carlos. Nakatayo siya sa pintuan na tila inaabangan ako. Suot ang apron at sumbrero ay nginitian niya ako at kinawayan.

"Nardong!" hiyaw niya na labis kong ikinangiti ng husto. Kay tagal na rin nang huli kaming nagkita. Kay tagal na.

Dahil kay Carlos na Joseph Manalo na ang pangalan sa panahong kasalukuyan ay naisa libro ang akda. Hindi ko naman inasahang dadagsain ang bookstore sa MOA na ginawang venue nang i-announce lamang kagabi na balak ko nang magpakilala sa lahat. Sobrang saya ko na makita ang mga ngiti ng bawat mambabasa na mayroon ako ngayon. Naabot ko nga, naging manunulat nga ako.

"Yes?" Nakangiting tanong ko sa ngiting-ngiting babae sa aking harapan matapos pirmahan ang librong hawak niya.

"Sobrang fan mo po talaga ako. Ang galing-galing ninyo pong magsulat!" Natawa ako sa batang edad labing pito lang sa aking palagay. Matapos ay ibinigay ko sa kaniya ang librong aking napirmahan.

"Salamat sa iyo. Mag-aral ka ng mabuti." Matapos makaalis nang halos pang limang daan nang taong nakausap ko ngayong araw ay nabaling ang tingin ko sa isang taong lubhang nakatitig lang sa akin ngayon. Sa puntong iyon parang tumigil din ang aking mundo. Agad kong naitanong sa sarili kung talaga bang naduduling lang ako o ano. Ang makita sa 'di kalayuan si Laveinna na nakatayo hawak ang librong Arrow Pen ay isang pangarap lang para sa akin.

Hindi ko na namalayang nagsunod-sunod na pala ang paglunok ko. Sinimulan kong titigan ang bughaw niyang mata. Ang matangos na ilong, ang itim na itim na buhok, at ang labi niyang mamula-mula. Maging kung paano siya manamit ngayon at ang pinagbago ng height niya ay minasdan ko na rin. Hindi iniinda kung kanina pa ako tinatawag nang sumunod na magpapapirma sa akin.

Hindi ko man narinig ay alam kong binanggit niya ang pangalan ko. Ang pangalang Leonardo. Kasabay ng sunod-sunod na pagtulo ng luha niya ay ang unti-unti ko namang pagtayo mula sa kinauupuan ko. At nang tuluyan na siyang nag-iiyak doon at halos pagtinginan na nang tao ay napatayo na ako.

Mukhang naaalala na niya, naalala na muli niya. Tapos na ang paghihintay ko. Nakilala niya na muli ako. Ito na ang oras na itinakda para sa amin, ito na pala ang araw na iyon. Matapos ang halos isang daan at limampu't anim na taon. Matapos ang mga taon na iyon ay bumalik din siya sa akin.

Mahal ko.

Nang tuluyan na siyang mapaupo sa kinatatayuan ay mabilis na akong naglakad palapit sa kaniya. Hindi na alintana ang lahat ng nakatingin. Hindi na rin alintana ang mga camera na nakatutok sa amin. Sa pagkakataong iyon ang tanging nasa isip ko ay ang malapitan siya at mayakap.

"Naghintay ako ng matagal, mahal ko," saad ko nang makarating sa mismong harapan niya, 'di na iniisip ang mga taong nakakapakinig, maging ang mga nagtatakang mukha nila.

Mugto ang matang nag-angat siya ng tingin. Kaya naman, buong puso ko siyang nginitian kagaya ng kaniyang matagal na nais. Umiiyak na kinatitigan niya ako ng lubos hanggang sa bigla na lamang siyang tumayo at niyakap ako ng mahigpit. Yakap na kay tagal kong ninais subalit ngayon ko nalang muli nakamit.
"Mahal ko!" Agad ko iyong sinuklian ng isa ring mahigpit na yakap. Yakap na tila ayaw na siyang palayuin o paalisin. "T-Tinupad mo nga. Tinupad mo, Leonardo."

"Nangako ako, Olivia. Nangako ako, mahal ko." Bahagya ko pang hinalikan ang kaniyang ulo habang umiiyak din sa tuwa. Tuwa na natapos din ang lahat ng sakit. Tuwa na siyang maghihilom sa lahat ng naging sugat sa amin ng kahapon. Tuwa na magsisilbing liwanag sa dilim ng bawat nalalabing gabi namin. Tuwa ng muling pagtatagpo. Tuwa na simula sa taong 1870 pa namin hinangad ng buong puso.

Amor mío, así es como te he destino desde 1870. (My Love, this is how I fated to you since 1870.)

T H E   E N D !

El Destino desde 1870 (The fated since 1870)Where stories live. Discover now