Kabanata 23

293 28 0
                                    

Laveinna,

"Ammm.. A-Annyeong!" nangangapang saad ko. Itinaas ko pa ang kamay ko at kumaway-kaway. Masyado akong nagpa-panic at hindi ko na rin halos napansin ang binitawan kong salita.

Teka, parang may mali yata sa sinabi ko? Teka, sinabi ko bang 'Annyeong?'

My gosh ang tanga!

"A-Anyong? Ano iyon, binibini? Saang lenggwahe iyon?" Patay kang bata ka! Kunot-noo ang Lolo ninyo at tila ba hindi maintindihan ang kinikilos ko. Pilit kong nilunok ang laway na tila ba bumara na sa lalamunan ko bago ako nagsalita at gumawa ng palusot.

"A-Annyeong ginagawa mo rito, G-Ginoo?" Sana lumusot!

"Hmm, ganoon ba. Binibisita lamang kita, naudlot ang dapat pamamasyal ko sa ating bayan nang dahil sa iyo. Hapon na at marapat lang naman sigurong umuwi na tayo. Nakatitiyak akong hinihintay na rin tayo ni Carlos at Agnes." Tila natural na ang pagiging malamig ng boses nito subalit hindi ko magawang masanay dahil hindi ganito si Peter Einstein.

Mas pinili kong hindi na lang umimik. Mamaya kung ano pa ang masabi ko.

Takot!

Tumayo ako at sumunod sa kaniya palabas ng silid. Bumungad sa akin ang loob ng simbahan. Naroon ang nakangiting Prayle na sinalubong kami. Napalunok muli ako, naninibaguhan sa mga nakikita at nangyayari. Pakiramdam ko ay nananaginip lang ako. Pero kahit anong kurot ang gawin ko ay wala namang nangyayari.

"Mukhang masama ang iyong pakiramdam, Señorito Ramiro. Maigi sigurong makauwi na kayo. Ikinagagalak ko ang makilala ka. Nawa'y makadalo ka sa simbang gabi mamayang bukang liwayway. Subalit, kung masama talaga ang iyong pakiramdam ay hindi na kabawasan," turan ng matandang pare.

Nginitian ko na lang siya kaysa ang umimik. Ano na lang ang sasabihin ko kung umimik pa ako.

'Araseo! I'll be there?' Ganoon?

Baka ipatapon na nila ako sa labas ng simbahan o di kaya'y simulang dasalan kung umimik pa ako.

"Mauna na po kami Padre Martin, ikinagagalak kong makausap kayo ngayong araw. Asahan ninyong narito kami para sa simbang gabi." Matapos sabihin iyon ay lumabas kami ng simbahan.

Naninibago talaga ako. Iba iyong hangin sa panahong ito, masyadong fresh at talagang walang kapolu-polusyon. Napalunok na lang ako nang may biglang rumaragasang kalesa ang tumigil sa harapan namin. Talagang mahusay ang pagkakalilok ng disenyong water lilly sa bintana ng kalesa. Makintab at malinis sa loob at labas. Maging ang kabayo ay napakalinis din.

Oh my god! Ganito ba ang kalesa noong unang panahon? Why so ganda?

Pumasok ako sa kalesa at prenteng naupo roon. Why so lambot naman nito? Hay! Nakaka-in love naman yata masyado ang panahong ito. Pigil ang ngiting dinama ko ang aking inuupuan maging ang kurtina sa loob ng kalesa ay hinawakan ko at dinama ang lambot niyon. Hanggang sa nagsimula ng tumakbo ang kabayo subalit patuloy pa rin ako sa pagdama ng bawat bagay na ikinamamangha ko sa loob.

"Olivia, may bumabagabag ba sa'yo?" Naroon ang simpatya subalit naroon pa din ang normal na lamig. Umihip ang hangin pumasok sa bintana ng kalesa ang hangin na siyang naglilipad ng ilang hibla ng buhok ni Leonardo. Napakagwapo niyang tunay gaya ng nakasulat sa story ni Ten. Napakalalim ng masuyo niyang mata. Hindi ko maiwasang hindi ngitian siya.

El Destino desde 1870 (The fated since 1870)Where stories live. Discover now