Kabanata 9

274 23 0
                                    

IKALAWANG KABANATA
Filipinas 1864-1865

"Ano ang kailangan sa akin ng isang munting binibining kagaya mo?" mapaglarong tanong ng binatang nakaupo sa isang magarang silya.

Narito si Olivia sa loob ng isang bahay aliwan sa bayan ng San Fernando kung saan nagtatanghal ng teatro gabi-gabi o 'di kaya naman ay walang humpay na kantahan at simpleng inuman. Nag-i-isa ito sa buong San Fernando kaya naman patok na patok at kilala ng bawat mamamayan.

Naging mapaglaro ang ngiti ng binata. Ang lalaking kaharap ni Olivia ay masasabi niyang nagtataglay ng angking kagwapuhan, mestizo at kahanga-hanga na nagmamay-ari na ito nang isang negosyo. Kahit na mukha lamang itong nasa edad labing walo. Pero, gayunpaman mababakas sa mukha ng binata ang pagiging pilyo nito sa lahat ng bagay.

Siya si Carlos Laong, iyon ang sabi ng mga nakadaupang palad ni Olivia. Ang bahay aliwang ito ang itinuturo ng lahat nang kaniyang napagtatanungan.

"S-Sinabi ng isang Ginoo na magpunta raw ako sa inyo dahil ako ay inyong matutulungan." Lakas-loob na saad nito. Walang paggalang at walang bahid ng kahinhinan. Tila ba nakalimutan niya na ito simula nang lisanin niya ang bayan ng San Ignacio.

Naging seryoso ang mukha nito. Napaisip si Carlos kung ano ba ang sinasabi ng batang kaniyang kaharap at doo'y bumalik sa alaala niya ang napagkasunduan nila ng kaniyang kaibigan.

"Kung gayon, ano ba ang iyong pangalan binibini?"

"Olivia—" hindi pa man niya natatapos ang sasabihin niya nang magsalita na ulit ang binata.

"Mali, ikaw ngayon ay si Ramiro Laong, labing dalwang taong gulang ang nakababata kong kapatid na nanggaling pa sa Maynilad." Nginitian siya nito nang malawak na ikinalaki ng mata niya.

"Subalit isa akong binibini—" muli ay hindi na niya ulit natapos ang sasabihin.

"Kasalukuyan kang pinaghahahanap ng mga Gwardya Sibil ng buong San Ignacio. Naglilibot-libot sila sa iba't-ibang bayan para mahanap ka nila Olivia Cartello Ignacio. At mas makabubuting magbalat kayo ka muna bilang isang lalaki upang hindi ka nila paghinalaan." May kinuha ang binata sa ilalim ng lamesa nito at pabatong ibinigay sa dalaga. "Hayan, suotin mo." Isang simpleng kamisa de chino na damit ang ibinigay nito sa kaniya na para sa mga Indyong naghihirap ay lubos na itong kaaya-aya. Kasama niyon ang isang sumbrero. "Gamit ang sumbrero na iyan, itago mo ang iyong buhok. Kung gusto mo ng tulong ko, sundin mo na lang ang utos ko mahal kong kapatid."

Walang nagawa si Olivia. Nagtungo siya sa palikuran na itinuro sa kaniya ng binata at doon nag-bihis. Wala siyang karapatang humindi sapagkat iyon ay isang kusang loob na tulong sa kaniya kaya kailangan niya iyong sundin ng buong loob.

Subalit hindi pa rin lubos maisip ni Olivia kung bakit iyon nagawa ng kaniyang Lolo. Magkakapamilya sila, ano ang matinding dahilan nito para ipapatay ang sarili nitong anak.

Naligo na lang siya upang tanggalin ang nagmamalabis na luha matapos ay lumabas na siya ng palikuran. Sa paglabas niya ay sinalubong siya ni Carlos kasama ang ilang mga babae at higit sa labing limang kalalakihan.

"Ramiro, halika at ipakikilala kita sa aking mga trabahador." Tumango na lamang si Olivia, pilit na sinasanay ang sarili sa bago niyang pangalan. "Ang pangalan niya ay Ramiro Laong, ang aking nakababatang kapatid. Maging mabait kayo sa kaniya mga kaibigan!" masayang saad nito. Napakagiliw talaga ni Carlos kaya  naman maraming nakakakilala sa kaniya sa bayan ng San Fernando.

"Masusunod po, Señor Carlos," saad naman ng isang medyo may katandaang babae, nahihinuha niya na nasa edad tatlumpo't pataas.

"Ramiro, siya si Madam Racelita, ang tagapamahala ng Bahay Aliwan na ito. Sila naman ang mga manganganta at tagapag-aliw sa mga parokyanong dumadayo rito. At ang mga ito naman ay mga trabahador ko sa hacienda!" magiliw na bulalas ni Carlos habang ipinapakilala kay Olivia ang mga tauhan niya. Ngumiti na lamang ito bilang pagbibigay galang.

Napukaw ang atensyon nila nang biglang bumukas ang pinto. Bumungad sa kanila ang isang lalaking edad labing anim ang hitsura kahit na labing walong taong gulang na ito. Matangkad, matangos ang ilong, at masasabing pawang eksperto ang humulma ng kaniyang mukha. Napaka-perpekto, maputi siya at napakakinis ng balat nito. Magiliw itong ngumiti matapos ay inalis ang kaniyang sumbrero at inilagay sa kaniyang dibdib matapos ay nagbigay galang.

"Magandang araw!" Impit na napapatili ang ilan sa mga kababaihang nasa loob ng Bahay Aliwan. Matalim naman ang tingin na sinusuway sila ni Madam Racelita. Napalingon si Olivia sa binata at ikinagulat niya ang biglaang paglalandas ng kanilang mga mata. Para bang alam na ng binata kung saan nakatayo ang dalagita. Nawala ang ngiti sa labi ng binata at napalitan ng seryosong tingin. Hindi naman maunawaan ni Olivia kung bakit tila ba pamilyar ang mga matang iyon ng binata na pawa bang nakita na niya ito. Hindi niya lang mapagtanto kung kailan at saan.

"Magandang araw, Señor Leonardo!" pagbati ng mga tauhan at nagbigay galang. Sa puntong iyon ay ibinaling ng Ginoo ang tingin sa mga tauhan, kaya naman nakahinga nang maluwag si Olivia. May kakaiba kasi siyang nararamdaman sa kung papaano tumingin ang binata sa kaniya.

"Buenas Diyas Mi Amigo Leonardo!" (Good Morning My Friend Leonardo!) pagbati rin ni Carlos.

"Magandang araw rin sa'yo, mahal kong kaibigan, subalit sino ang munting binibini na iyan?" Biglaang tanong ng binata. Nanlaki ang mata ni Olivia. Paano na ito? Anong gagawin ko? Hindi ako maaaring mabuko nang dahil sa kaniya.' Iyon ang tanging tumatakbo sa isip niya.
"Sinong binibini? Kahibangan iyang sinasabi mo Ginoo, isa akong lalaki." Lakas-loob na hiyaw ni Olivia. Palihim na na-ngisi na lamang si Carlos dahil alam niyang ginagawang katuwaan ng kaibigan ang dalagita.

"Talaga? Subalit, bakit kay ganda mo naman para maging isang lalaki, nakapagtataka?" hindi na napigilan ni Olivia ang sugurin ang Ginoo para manahimik na ito, sinuntok nito ang tiyan ng Ginoo kahit na nanginginig ang kamay niya dahil ang katotohanang isa talaga siyang babae ay hindi maitatago iyon,  hindi naman nasaktan si Leonardo subalit umakto siyang nasaktan.

"Iyan ang patunay na ako ay isang binatilyo, Ginoo."

"N-Napakasakit niyon, tunay nga na isa kang lalaki." Pakunwaring inawat naman ni Carlos ang dalawa.

"Paumanhin, Señor Leonardo sa kalapastanganang nagawa ng aking kapatid! Humingi ka ng paumanhin Ramiro!" bulyaw ni Carlos. Nangiwi si Olivia sa inis.

"Paumanhin, Señor Leonardo." Yumuko na lamang siya dahil hindi naman niya maaaring alisin ang sumbrero niya dahil maaaring maladlad ang kaniyang buhok. Tanging pagtawa ang naging tugon ng binata sa kaniya.

T E N

El Destino desde 1870 (The fated since 1870)Where stories live. Discover now