Kabanata 67

89 15 0
                                    

Leonardo,

"Pinuno, nasakop na po natin ang San Ignacio." Hindi ko na napigilang mapangiti sa ibinalitang iyon sa akin ni Alamiyas—isa sa mga kutsero ng pamilya Laong. Nagpatuloy ako sa aking pagsusulat at pilit na pinoproseso sa aking isipan ang sunod naming hakbang. Hindi man ako ang lumalaban ay isip ko naman ang siyang gumagana para sa susunod naming hakbang. Ang aking balak ay isunod na ang San Nicolas. Kagaya nang ginawa namin noong, una ay daraan ang grupo namin sa hukay na aming ginawa at lalabas sa pinakasentro ng pamilihan. Doon magpapasiklab ng gulo at—natigil ako sa pag-iisip nang sumunod na pumasok sa silid ko sa aming kuta si Kapitan Arturo. Balisa ang kaniyang mukha at halos habol ang kaniyang hininga.

"P-Pinuno, tumakas kana parating na sila upang maghalughog at ikaw ay kikitilin." Doon na ako dahan-dahang nag-angat ng tingin. Ang aking huling naging plano ay isugo si Carlos at Olivia sa San Ignacio upang gawing panlilinlang sa Gobernadorcillo. Subalit ang inaasahan kong pagbabalik nila ngayon dahil tatlong araw na rin ang nakalilipas ay naging pagdating ni Kapitan Arturo. Sa pagkakataong iyon ay may napagtagpi-tagpi ako. Mukhang sila ay nahuli at kung aabutan nila ako ngayon ay sabay-sabay naman nila kaming papatayin. Subalit kung ako ay mamamatay tiyak ang kanilang kaligtasan.

Mabilis ang aking naging pagtayo at pagliligpit ko ng aking gamit. Hindi ko rin iniwan ang orasang pambulsa na aking laging bitbit. Inilagay ko ang mga isinulat na manuskripo sa baul at mabilis na ibinigay iyon kay Kapitan Arturo.

"Nais kong ibigay mo ito kay Carlos sa oras na may mangyari sa akin. Ipaalam mo sa kaniya na nais kong ito ay kaniyang tapusin." Nagtataka man ay tinanggap ng kapitan ang aking habilin. "Ngayon, patakasin mo ang lahat ng ating mga kapanalig at iligtas ninyo ang inyong sarili. Aasahan niyong may hahalili sa akin at wawakasan ang ating sinimulan." Matapos kong bitawan iyon ay tumakbo na ako palabas. Umaasa akong gagawin ni Jose ang aking huling habilin. Aasahan kong ipagpapatuloy niya ang kaniyang pagsusulat at tutungo sa Paris. Ang liham ko ay akin nang naipadala sa kaniya. Alam kong matatagalan bago ang muling pagbabalik subalit isusugal ko ang aking buhay para sa susunod na mga bayani ng bansa. Hindi ko na mahihintay ang sagot ni Jose na ngayon ay kasalukuyang nag-aaral sa Biñan subalit nais kong gawin niya ang nais ko. Na sa pamamagitan niyon ay mabuhay ang nag-aalab na puso ng hindi lamang iisa o dadalawang Pilipino.

Naisakatuparan ko na ang aking plano. Ang gisingin ang mga Pilipino sa kanilang pagkahimlay. Nais ko namang pag-alabin iyon ni Jose Rizal. Bagay na siyang iiwan kong bakas sa mundong ibabaw.

Tumakbo lamang ako nang tumakbo palayo sa hukbo. Hindi ko gugustuhing mahuli ako o mamatay ng may kasama. Kung mamamatay ako ngayon, titiyakin kong buhay ang ilan sa amin. Naghihintay nang bagong liwanag na darating.

Subalit tila hindi yata ninanais ng tadhana na ako ay makasalba. Dahil bago pa man makalayo ay sinalubong na ako ng napakaraming Gwardya Sibil. Gayunpaman ay hindi ako nag-ensayo ng mahabang panahon para ganoon kadali lamang nilang makitil. Kung ako ay mamamatay ngayon nanaisin kong ang sarili kong tingga ang papatay sa akin.

"Hulihin siya!" Bago pa man sila makahabol at pinagbabaril ko na ang kanilang mga ulo. Saglit akong nagtago sa puno ng acacia at pinalitan ang aking bala. Doon ako umakyat at mula sa taas ay pinagbabaril sila.

Subalit sa dami nila ay hindi na lubos kinaya ng aking bala. Kung kaya naman bago pa ako maubusan ay muli na akong nagtatakbo at naglalambitin sa mga sanga ng puno habang patuloy nila akong pinauulanan ng bala. Pero kahit gaano kaliksi ang aking galaw ay natamaan pa rin ako't nadaplisan na naging sanhi ng aking pagkahulog at pagkalaglag sa bangin.

El Destino desde 1870 (The fated since 1870)Where stories live. Discover now