Kabanata 39

272 30 2
                                    

Olivia,

Ang mundo ay puno ng krimen, kung gusto mo ng kalayaan, humanda ka sa digmaan. Iyon ang bagay na aking tinandaan simula nang pasukin ko ang lihim na alyansang ito.

Ang nangyaring pagsugod noong bagong taon ay mariing tinutulan ni Jose ayon na rin sa naikwento sa akin ni Agnes at ang gaganaping muling pagsugod ay muli niyang pinipigilan.

Sa bata naming edad, bagama't pareho ang aming ipinaglalaban ay magka-iba ang nais niya at nais naming paraan.

"Hindi makabubuti ang patayan Ginoong Leonardo! Maaari natin silang gisingin sa ibang paraan at hindi sa ganito!" malakas niyang bulyaw habang abala lang sa taimtim na pagsusulat ang aming pinuno. Bahagyang napapikit ang binata at hantaran akong binalingan. Agad naman akong nag-iwas sa kaniya ng tingin.

Isang marangal na tao si Rizal alam iyon ng lahat ng tao sa kampo. Ayaw niyang may dadanak na dugo, subalit para sa akin ay isang kahangalan iyon. Ang bagay na ito ay hindi na madadala sa pakiusapan.

Sa puntong iyon ay hindi na lamang ako umimik at mas piniling punasan ang aking pana at palaso.

"Nagpadala ako ng liham sa Espanya tungkol sa ating hinaing. Hintayin na lamang natin na tayo ay kanilang dinggin." Doon na ako napatigil sa pagpupunas at alam kong maski si Leonardo ay tumigil na rin sa kaniyang pagsusulat.

"Mangmang, sa tingin mo ay ganoon na lamang kadaling makalalabas ng bansa ang iyong liham? Wala pa man sa barko iyon ay tiyak na binasura na iyon ng mga kolonel. Jose, makinig ka sa akin." Huminga nang malalim ang ginoo bago nag-angat ng tingin dito. "Humayo ka at mag-aral, kayo na lamang ang nag-i-isa naming pag-asa kung sakaling ito ay magtapos sa aming kamatayan." Doon na tuluyang natigilan ang binata. Ang katotohanang ayaw talaga ni Ginoong Leonardo na madamay ang mga kabataang katulad namin ay nakalatag na sa aming harapan. Subalit ang pagpipilit ko ang nagpatiklop ng kaniyang kagustuhan.

Hindi lamang ako ang gustong siya ay samahan. Hindi lang din ang binatang si Jose na nag-a-aral sa Biñan. Marami pa kami, subalit tila kami lamang dalawa ang may lakas ng loob na siya ay lapitan. Gayunpaman ay masasabi kong magkaiba ang aming paraan. Ako ay sumusuporta sa paraang nais ng utak ng samahan at siya ay tumutuligsa rito. Namimilit baguhin ang isip ng aming pinuno.

Sa unang pagkakataon ay nakita kong natigilan ang Señor Carlos sa isang gilid. Tahimik lang ito habang humihithit ng kaniyang tabako. Kasalukuyan kaming nasa aming hacienda. Sa loob ng kamalig kung saan nagtayo ng maliit na opisina si Ginoong Leonardo na malimit na rin naming puntahan ni Señor Carlos.

Lahat ng tauhan sa loob ng hacienda ay alam ang tungkol sa lihim na alyansa. Sila ay mga kasapi kung kaya naman kampante ang aming grupo.

Malakas na napabuntong hininga na lamang si Jose dahil sa sinabi nito. Nayuyukong nagpaalam ang binatilyo bago lumisan. Doon na ako muling bumalik sa pagpupunas.

"Hindi kaya tayo ay isuplong ng makatwirang binata?" turan ni Carlos habang pinaglalaruan ang usok na lumalabas mula sa kaniyang pananabako.

"Marangal si Jose at hindi hangal Señor," sabat ko sa kanilang usapan. Tila natigilan naman pareho ang dalawang binata at doo'y halos panabay nila akong nilingon. Hindi ko akalaing maging si Ginoong Leonardo ay lilingon sa akin.

Sumandali, ako ba ay may nasabing hindi maganda?

"Tila nawili ka yata sa binatang taga Biñan, Binibining Olivia," malokong pahayag bigla ng Señor. Tuluyang nagsalubong ang aking kilay.

El Destino desde 1870 (The fated since 1870)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن