Kabanata 71

87 12 0
                                    

Leonardo,

Sa muli kong pagmulat ay nasa simbahan muli ako. Sa aking palagay ay katatapos lamang ng pagtatanghal at prusisyon ngayong gabi. Subalit kita ng aking dalawang mata ang pagnanasang ipinupukol ni Felicito Fernando sa kanila. Ito ang alaalang saglit nawaglit sa aking isipan, bagay na hindi ko na maaari pang pigilan.

Gayunpaman ay kailangan ko siyang paalalahanan. Kung kaya, bago pa ang lahat ay mabilis ko nang hinila si Laveinna patungo sa likod ng simbahan. Magpupumiglas pa sana siya subalit nang mapagtantong ako ito ay nakalma siya.

"Paumanhin sa aking kapangahasan binibini, subalit mayroon akong importanteng sasabihin sa iyo." Walang paligoy-ligoy na saad ko.

"Kagaya mo ay marami rin akong tanong." Sa sinabi niyang iyon ay mabilis kong hinawakan ang kaniyang mga kamay, mahigpit at ninais kong huwag nang pakawalan.

"Makinig ka Laveinna, sa pagdating mo rito ay walang nakilalang Aling Pasita si Olivia bagkus ay ako ang nakilala mo. Isang malaking pagkakamali na hindi na natin mababago. Ngayon ay nakuha kayo nang atensyon na hindi niyo sinasadya. Maghanda ka, darating na ang sakuna." Matapos kong bitawan iyon ay hinigit na agad ako ng aking kamalayan. Gayunpaman ay mukhang hindi agad ako nito pinaggising sa katotohanan. May nararapat akong puntahan.

Ngayon ay nasa isang masukal na lugar ako na may naglalakihang puno sa bawat gilid. Rinig ko ang marahang laguslos ng tubig 'di kalayuan. Makulimlim ang langit na tila hindi na magtatagal at papatak na ang ulang buhat nito. Kakaiba ang simoy ng hangin na tila buhay at totoo ang mga bagay na nasasaksihan ngayon. Subalit 'di naman nagtagal at natanaw ko mula sa 'di kalayuan si Lavienna na tila kadarating lamang. Bakas ang pagkalito at takot. Naniniwala akong ang lugar na ito ay isang panaginip. Isang pangitain na nais kaming pag-usapin.

"Huwag kang matakot Laveinna." Ang bigla kong hindi kinaya ay ang kaniyang paglupagi at biglaang pag-iyak. Kaya naman patakbo ko siyang pinuntahan at agad na dinaluhan.

"H-Hindi ko na maintindihan ang nangyayari. B-Bakit hindi ko na maalala ang mga pangalan ng mga taong kilala ko sa hinaharap? Ano bang nangyayari sa akin?" Doon ko na napagtanto ang kaniyang iniiyak. Mukhang nagsisimula na, subalit tila lubhang napakabilis naman.

"Tumahan kana, huwag kang umiyak." Gusto ko siyang kalmahin subalit maging ako ay lubos na ring nag-aalala sa kaniya. "Nagsisimula na ang lahat Laveinna."

"Anong n-nagsisimula na?"

"Sa pagtagal mo sa lugar na ito, lahat nang alaala mo sa hinaharap ay mawawala. Tuluyang sasakupin ng alaala ni Olivia ang lahat ng alaalang meron ka sa hinaharap. Hindi ko lang inasahang ganito kaagap," ipinagpatuloy ko. "Kung tutuusin ang lahat ng ito ay alaala mo rin. 'Di magtatagal ay pati damdamin mo at ni Olivia ay mag-iisa dahil iisa lang din naman kayong dalawa." Sa puntong iyon ay hindi ko na napigilang siya ay katitigan. Matapos ay marahan kong hinaplos ang kaniyang buhok. "Isang araw ay magigising kana lang na hindi mo na iniisip na isa itong nakaraan bagkus ay ito na ang iyong magiging kasalukuyan." Ngumiti na lamang ako nang hindi na siya umimik pa at ipinagpatuloy ang marahang paghaplos sa kaniya. "Huwag mong kalimutang isulat ang lahat sa kwaderno, at kapag dumating ang araw na wala ka nang maalala bukod sa alaala mo bilang si Olivia ay hindi mo na rin ako makakasama sa iyong paglalakbay. Magpakatatag ka at harapin mo ang lahat ng pagsubok na ihahain sa iyo ng tadhana. Mahal kita." Tuluyang tumulo ang luha sa aking mga mata at bilang pamamaalam ay nginitian ko siya. Kasabay ng biglaan kong pagmulat ay mukha na ni Padre Martin ang aking nakita. Hindi naman na ako nakagalaw nang ako ay kaniyang bulungan lamang. Bulong ng pagpapaalala.

"Tandaan mo Peter ang ating kasunduan. Sa oras na mapasakamay mo ang talaarawan, lilisanin mo na ang buhay ni Lavienna at hahayaang ang tadhana ang magtagpo sa kapalaran ninyong dalawa. Paalam, hanggang sa muli." Nang hipan ng Padre ang aking mga mata ay tila ako ay napuwing at nang magmulat ay kasalukuyan pa rin pala akong nakaluhod at nananalangin.

Sa pagkakataong iyon ay tumulo ang luha ko. "Estamos destinados a caer enamorados el uno con el otro, pero no estamos destinados a estar juntos. Es esto lo que yo te destino desde 1870?" (We are destined to fall in love with each other but we are not meant to be together. Is this how I fated to you since 1870?) Hindi ko na napigilang ibulalas iyon ng mahina kung saan ako at ang hangin lamang ang makaririnig. Bagay na nais kong malaman ang sagot subalit alam kong aabutin pa ng taon bago ko muling malaman ang sagot.

I M _ V E N A

El Destino desde 1870 (The fated since 1870)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon