Kabanata 27

308 30 1
                                    

Laveinna,

Tahimik lang kaming apat habang naglalakad pabalik sa Hacienda. Hindi ko rin naman nagawang umimik dahil hindi rin naman sila umiimik. Very wrong talaga iyong song choice ko, nasira nito ang lahat.

Kainis! Bakit ba naman kasi hindi ka nag-i-isip self? Laveinna naman kasi!

Natigil ako sa pagsisi sa sarili nang may mapansin akong kakaiba sa dinadaanan namin pabalik.

Hindi yata ito iyong dinaanan namin kanina.

Unti-unti ay dumarami ang mga tao sa paligid. Nagkakaroon na rin ng mga maliliit na tindahan. Dumarami na rin ang mga kalesa na dumaraan.

"H-Hindi pa ba tayo uuwi?" nakangiwing tanong ko. Ni hindi ko sila matingnan, hindi ko alam kung tama ba ang tinanong ko. Kasi naman, hindi ko naman kasalanang mapunta rito.

"Sa iyong palagay ba ay ito ang daan pabalik sa Hacienda?" Doon na ako napalingon kay Leonardo. Nakangisi ito sa akin na para bang pinapalabas na ang tanga-tanga ng tanong ko.

Wow! Grabe, hanggang dito ba naman.

Noong binabasa ko ang Arrow Pen, oppa ko talaga si Leonardo. Pero ngayon na nakikita ko siya at kamukha niya pa si Peter Einstein, hay naku! Parang bigla ay kumulo na ang dugo ko sa kaniya.

"Ikaw ba ang tinatanong ko ha?" Kainis! Nagtatanong ako ng ayos tapos pipilosopohin. Uso pala iyon sa panahong ito ngayon.

"Binibini, wala ka namang binabanggit na pangalan. Kaya sa makatuwid, ang tanong mo ay para sa pangkalahatan. Hindi ba at isa ako roon?" Ang pagkakakunot ng noo ko ay napalitan ng pagbuntong hininga sa sinabi niyang iyon. Hanggang dito ba talaga ay kailangan pa rin naming magsagutan ng kumunoy na ito? Pero teka, kung siya nga ay ang past life ni Peter at ako naman si Olivia, it means may gusto ako sa kaniya noong past life namin?

OMG! OMG! No! Hindi iyon pwede! Crush oo, pero iba na iyong pagkagusto. Saglit nga? Hindi ba at parang si Leonardo at Olivia ang couple sa Arrow Pen? Hala siya! Hindi 'yon maaari!

Nanlalaki ang matang binalingan ko si Leonardo.

"Oh my gosh!" wala sa sariling bulalas ko bago napataklob ng labi. It means, destiny kami ng abnormal na iyon? Andwae!

Natigilan sila sa paglalakad at bahagyang nilingon ako. Puno nang pagtataka ang mukha nila. Teka nga lang ulit, did I say, oh my gosh?

Doon na nanlaki ang mata ko. Patay na!

"O ma gas? Ano iyon, Olivia? Tama ba ang aking narinig?" Puno nang pagtataka si Agnes habang kunot na kunot ang noo ni Leonardo pati na ni Carlos.

Wala na talaga akong pag-asa. Pero kailangan kong mag-isip ng maagap na palusot.

I bit my lower lips.

Isip! Isip! Isip! Okay tama, ganon na nga lang siguro.

"O, may gulay roon! Bakit hindi na lamang tayo bumili para sa ating hapunan mamaya?" Nanlalaki ang matang itinuro ko ang tindahang malapit na may nagtitindang mga gulay.

Naku talaga! Save by gulay, salamat. Sana lang makalusot!

Pero mukhang hindi iyon nakalusot. Nakita ko kung papaano napakamot nang ulo si Agnes. Lalo namang kumunot ang noo ni Carlos.

El Destino desde 1870 (The fated since 1870)Where stories live. Discover now