Kabanata 55

96 12 0
                                    

Laveinna,

Nagkita kami ni AK sa harapan ng gate ng school. May dala siyang kotse kaya naman napadali ang pag-uwi namin. Sinalubong kami nang maingay na tugtugan mula sa videoke. Nang gabing iyon nagkasayahan lang kami sa bahay. Ako, kasama ang mga kaibigan at pamilya. Hindi rin naman nagpahuli si Joseph at bumisita rin siya. Inasar pa nga kami nila Zzette pero tinawanan lang namin. Hanggang ngayon kasi ay mukhang umaasa pa ang loka sa bagay na hindi kailanman mangyayari.

"Kainin mo to Aiz, masarap promise. Specialty ni tatay ko 'yan 'no." May pagmamalaki ang boses ko sabay abot sa kaniya ng mangkok ng kinilaw na isda. Tumikim naman siya at bahagya pang napapikit sa asim dala ng suka. Gayunpaman ay nauwi rin sa ngiti nang kaniyang malasahan.

"Aba, masarap nga ano—"

Hindi na natuloy pa ni Aizael ang kaniyang sasabihin nang lapitan kami ni Joseph.

"Punta lang ako kay Lizzette, Lav." Hindi na rin niya halos hinintay ang sagot ko. Agad na siyang tumakbo palayo na talagang ikinataka ko bago ko nilingon si Joseph na nakasunod na rin pala ang tingin sa tumakbong si Aizael palabas ng balkonahe ng bahay namin.

"Magkaaway kayo?" takang tanong ko. Nahahalata ko kasi sa mukha niya na mukhang may problema sila. Pero nang lingunin ako nito ay ngumiti ang loko at bahagyang ginulo ang buhok ko.

"Happy Birthday Oli—ehem—Laveinna." Nagtaka ako sa sinabi niya pero mas napagtuunan ko ang kamay niyang gumugulo sa buhok ko.

"Kuya Joseph naman!" Iritadong tinanggal ko iyon sa ulo ko at nginusuan siya. "Asan na pala regalo ko?" Lalo siyang natawa sa pagtatanong ko bago niya inilabas mula sa kaniyang likuran ang isang malaking kahon. Sobrang laki nito at para na itong may lamang kung ano. Subalit nang hawakan ko naman ay magaan. Nangunot ang noo ko.

Ano kaya ito?

"Buksan mo na."

"Ngayon na agad?"

"Oo, alangan ipagpasa next year mo pa. Ang bobo mo pa rin Laveinna. Third Year College ka pa naman na." Nginiwian ko na lang siya sa kaniyang sinabi at pinagtuunan ang pagtatanggal ng ribbon na nakatali sa box.

Ano nga kaya ito?

Bahagya ko pang nakagat ang pang-ibabang labi ko dahil na rin siguro sa antipasyon. Subalit ang lahat ng antipasyon ko ay natahan nang masilayan ko ang bagay na nasa loob. Isa iyong bow at arrow. Isang makalumang bow at arrow na talagang pinong nililok ng kung sinong iskultor. Lubos kong hinangaan ang bawat side niyon kahit hindi ko pa man nahahawakan.

"OMG! Thank you kuya. Kamsahamnida!" Halos magtatalon ako nang mahawakan ko ang pana at palaso. Hinayaan na magkalat ang box sa isang gilid ng balkon.

Bukod sa pagiging Journalist Student ay myembro rin ako ng Archery sa school namin. Noong una, nag-aalalangan talaga ako dahil na rin sa kakaibang pangyayari, gayunpaman nagpatuloy ako kaya naman mukhang nasanay rin ako at isang araw nagising na lang ako kaya ko nang gumamit niyon. Ilang panalo na rin ang naidala ko sa school namin at halos kilala na rin ang pangalan ko sa ganoong larangan.

Masaya ako sa naging regalo niya sa akin ngayon. Sobrang saya.

"Tawagin mo iyang—" Hindi ko na siya pinatapos. Alam niya kasi na mahilig akong magpangalan ng mga gamit ko. Kahit ang cellphone ko ay may pangalang Grimmy mula sa Kdrama na napanood ko na Goblin. Na-inlove kasi talaga ako kay Lee Dong Wook doon at dahil Grim Reaper siya, Grimmy na lang.

El Destino desde 1870 (The fated since 1870)Where stories live. Discover now