Kabanata 26

295 25 0
                                    

Laveinna,

Hindi makapaniwalang pinagmasdan ko ang kamukha ng tatlo kong kaibigan na puno nang galak ang pagkakangiti sa harapan ko. Napaatras ako nang dahil doon.

Omygosh! Hindi na ba joke 'to?

"Magandang umaga rin mga naggagandahang Binibini." maligayang bati ni Carlos. Inilagay niya ang sumbrelo sa dibdib bilang pagbati bago ako nito balingan at ipakilala. "Narito nga pala si Mira Asuncion, Madame Racelita." Doon ko na nakuha ang atensyon nila. Nabaling ang tingin nilang lahat sa akin. Doo'y halos matuod na ako, I didn't expect this. Pero nang ngumiti sila parang nawala na lahat ng kaba sa aking dibdib.

"Maligayang pagdating Binibining Mira Asuncion." sabay-sabay na turan nilang tatlo. Masasaya silang nakatingin sa akin kaya hindi ko napigilang mapangiti. Kung ganon sila ang reincarnation ng mga kaibigan ko.

Oh my gosh! I miss them na agad!

Naiiyak na nginitian ko sila nang dahil doon. Bigla akong siniko ni Carlos kaya naman binati ko na rin sila.

"Magandang umaga rin mga Binibini."

"Ang ganda niya Madame Racelita." Turan ng babaeng kamukha ni Lizzette ang pinagkaiba lang ay mahaba at kulot ang buhok nito ngayon.

Hala! Naiiyak na talaga ako. Paano na 'to? Kalma lang Laveinna! Kalma lang!

"Ayaw ko mang purihin siya subalit tama ka Laura, maganda nga siya." Komento ng babaeng kamukha naman ni Yannie na ngayon ay nagpapaypay pa ng kaniyang abaniko. Kunwari ay nagsusungit kahit bakas namang maligaya siya.

Namimiss ko na tuloy sila.

"Ang sabihin mo Maria, masyado lang talagang naguumapaw ang kagandahan ni Mira." Singit ng kamukha ni Alecxis. Pinagtataasan naman siya ng kilay ng kamukha ni Yannievelle.

"Magsitigil nga kayo. Nakakahiya kayo sa ating mga panauhin." Maawtoridad na suway ng Madam ng bahay aliwan. Sa pagkakaalala ko Madam Racelita ang pangalan nito. "Paumanhin Señor Carlos at Binibining Mira sa inasal ng aking mga pamangkin." Mukha itong masungit at istrikta. Pero nakamamangha ang lamyos ng kanyang pagsasalita.

"Wala naman po sa akin iyon." Sagot ko na lang. Nginitian niya naman ako ng saglit bago ibaling sa mga pamangkin ang paningin.

"Kung gayon ay ipakikilala ko ang aking mga pamangkin. Ito si Maria." Pagpapakilala nya doon sa kamukha ni Yannievelle. Napalunok na ako, pigil ang sariling wag silang sugurin at dambahin. "Si Laura." Turo nya sa kamukha ni Lizzette. Kumalma ka Laveinna hindi sila iyan! "At Paulita." This time sa kamukha naman ni Alecxis.

In all fairness bet ko ang mga pangalan nila. Medyo oldy but classy.

"Kay gaganda ng kanilang mga pangalan Madame Racelita." Masayang humalakhak pa si Carlos sa kaniyang napuna. Nahihiyang ngumiti lamang ang mga binibini sa sinabi nito. Muntik pa akong mapatawa.

Bakit ganon? Kung titingnan talaga sila kamukha nila iyong mga friends ko sa present time kaya ang makita silang nahihiya ay katawa-tawa na sa akin. Geez! Never in my entire life na naisip kong makita silang mahiya sa lalaki.

Kasi naman, hello! Mga walang hiya kaya ang mga iyon.

"O, bakit tila natatawa ka?" Nagulat ako sa tanong na iyon ni Carlos kaya naman agad kong inayos ang sarili ko. Gamit ang abaniko ay tinakluban ko rin ang mukha ko.

El Destino desde 1870 (The fated since 1870)Where stories live. Discover now