Kabanata 69

78 10 0
                                    

Leonardo,

Sumakay na kami ng car para magtungo sa simbahan dito. At nang i-park palang ni Dad ang kotse namin sa parking lot doon ay may napagtanto na ako. Pamilyar ang harang ng simbahan maging ang simbahan mismo na tila nanggaling na ako rito noon pa. Hindi dahil sa simbahan mismo bagkus ay sa hagdan nito. Doon bumalik sa aking ala-ala ang pangitain ko nang ako ay patulugin ni Padre Martin noon. Kung gayon ay hindi nga lamang isang kathang-isip at panaginip ang bagay na iyon dahil iyon ang future.

Dahil doon ay mas humigpit ang hawak ko sa pocket watch na nasa bulsa ng pants ko. Sabay-sabay kaming umakyat sa hagdanan at pumasok sa simbahan. Ibang-iba na ito mula sa huling naaalala ko, wala nang bakas ng kalumaan. Bago na rin at artificial ang dati ay tunay na gintong nakapaligid sa dambana. Taimtim muna kaming nanalangin bago nagpasyang maglibot. Kami na lamang ni Dad ang naglibot dahil mas pinili ni Mommy na manatili na lamang doon at manalangin pa. Subalit nang malibang na si Dad ay pumuslit na ako pababa ng simbahan kung saan ang dating silid ni Padre Martin. Subalit laking taka ko nang makitang tanging kumpisalan ang naroon. Wala na ang malaking picture frame ni mga gamit ay wala.

"Anong nangyari rito?" Sa pagkakataong iyon ay inilabas ko na ang pocket watch. Umaasa pa naman ako na baka sa pagkakataong ito ay makakuha na ako ng sagot. Subalit mukhang mabibigo ako. Akma sana akong aalis nang biglang kusang nagbukas ang pinto ng kumpisalan. Kung iba siguro sa edad kong ito ay matatakot, subalit mas nangibabaw ang curiosity ko.

Kaya naman, bagama't iba na ang pakiramdam ay pumasok pa rin ako sa kumpisalan dala ang pocket watch. Subalit ang hindi ko inasahan ay ang biglaang pagsara ng pinto ng kumpisalan kasabay ng kakaibang hangin. Sinubukan ko itong buksan at itulak subalit walang nangyari. Mas nagulat na lamang ako nang tila bigla ay nahulog ito pababa.

Doon na ako tuluyang napahiyaw at agad na mahigpit na napahawak sa loob ng madilim na kumpisalan. Wala akong nagawa kung hindi ang mapapikit habang hawak ng mahigpit ang pocket watch.

Ilang saglit din naman ay tumigil ang aking pagkahulog at isang tinig ang bigla kong narinig.

"Maari ka nang magsimula." Tinig pa lamang niya ay lubos ko na siyang nakilala. Kung kaya naman ay agad akong nagmulat at doon ko na lamang namasdan na iba na muli ang aking damit. Suot ko naman ngayon ang damit pang sakristan, bagay na hindi ko lubos maintindihan.

"P-Padre Martin." Bagama't sarado ang bagay sa aming pagitan ay nakikita ko siya sa bawat butas ng kumpisalan. Maging ang pag ngiti niya nang marinig ang tinig ko ay hindi nakalampas sa aking paningin. "P-Padre, ano po ang nangyayari?"

"Kung gayun ay nagawa mo nga, Leonardo. Binabati kita." Bahagya pang natawa ang pari na tila may nakakatawa sa nangyayari. Sa pagkakataong ito ay parang gusto ko na lamang siyang suntukin. Hindi niya ba alam na frustrated na ako sa mga nagdaang taon? Kung hindi lamang matibay ang aking pag-iisip ay tiyak na nabaliw ako.

"I'm serious, father. This isn't a joke anymore. Please do tell me what is really happening?" Sa sobrang prustrasyon ay nagdire-diretso na ang pagsasalita ko ng english, bagay na napag-aaralan at itinuturo sa eskwelahan.

"Nakakatuwa lamang na kanina ay kasa-kasama lamang kita subalit ngayon ay narito kana muli bilang isang paslit." Natigilan ako sa kaniyang sinabi. Hindi ako ganoon ka-slow minded para hindi siya maunawaan. Nasisigurado kong nasa taong 1869 ako saktong ika-22 ng Disyembre. Tandang-tanda ko pa ang huli naming pagkikita kung kailan ibinigay niya sa akin ang pocket watch na magpasahanggang ngayon ay hawak ko.

El Destino desde 1870 (The fated since 1870)Where stories live. Discover now