Simula

4.3K 140 56
                                    

Credit to @artkit for this wonderful book cover!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Credit to @artkit for this wonderful book cover!

"Estamos destinados a caer enamorados el uno con el otro, pero no estamos destinados a estar juntos. Es esto lo que yo te destino desde 1870?" (We are destined to fall in love with each other but we are not meant to be together. Is this how I fated to you since 1870?)

- TEN

Laveinna, a 21st century lady who's fond of reading, has to be transported back to 1870 for the mission to complete the novel entitled "Arrow Pen", written by TEN. Issue? The mission is starting to slip out of her mind.

-----

Prologo


Tahimik ang paligid at tanging ang pagkaluskos lamang ng pagtama ng palaso sa isang lata ang nagpapukaw sa katahimikan. Humulma ang nagmamayabang na ngisi sa labi ni Olivia na ikinatawa naman ni Carlos.

"Magaling Olivia, kahanga-hanga. Napakaganda mo na nga ay napaka galing mo pang mamamana. Tunay nga na ika'y nagtataglay ng pambihirang karikitan," bigay na bigay na papuri ni Carlos sa dalaga matapos ay marahan itong humithit ng tabako.

Sa paghihit na iyon ay hindi sinasadyang napalingon si Carlos sa kaibigang si Leonardo na tahimik na nagsusulat sa kabilang gilid ng silid. Tila ba wala man lamang itong pakialam sa magandang ipinakikita ng bago nilang kasamahan. Marahil iyon na rin ang naging dahilan ni Carlos upang punahin ang nananahimik na Ginoo. "Kaibigan, ano ang iyong masasabi sa galing na ipinapamalas ni Olivia?" mapangasar na tanong nito. Alam ni Carlos na abala ang kaniyang kaibigan sa pagsusulat ng nobela at lubos nitong ayaw magpaabala ngunit binuska niya ito upang maging katuwaan.

Hindi napigilan ni Leonardo ang mapabuntong hininga. Gayunpaman ay nagawa pa rin niyang sagutin ang kaibigan. "May maibibigay pa ba akong papuri kung nasabi mo na ang lahat ng papuri sa kaniya, Carlos? Aksaya lamang sa oras at panahon." Inangat ni Leonardo ang paningin at seryoso niyang binalingan si Carlos ng tingin. Hindi naman ito nagpatalo at taas noong nakipagtitigan sa kaniya habang mayroong malokong ngiti sa labi.

Isang malakas na kalabog sa ibabaw ng lamesa ang namutawi sa buong paligid. Napalingon si Leonardo sa dalagang lakas loob na ibinagsak ang bago nitong pana sa ibabaw ng lamesa na kaniyang sinusulatan.

"Batid mo ba kung ano ang ipinangalan ko sa panang ito?" bakas ang pagmamalaki sa boses ni Olivia. Kaya naman napangisi si Leonardo at bahagya niya pang inayos ang salaming gamit. Dinampot pa nito ang kaniyang orasang pambulsa (pocket watch) na nasa ibabaw ng lamesa. Matapos ay binulsa niya iyon at napiling mag-angat ng tingin sa dalaga.

Mula sa malaporselana nitong kutis na tila isang marmol sa kinis. Ang ilong nitong kay tangos na walang kawangis. Ang mapilantik na kilay na binabagayan ng mga malalim niyang mata na tila hinahalukay ang buo niyang kaluluwa. Ang mamula-mulang pisngi at ang labing tila singpula ng mansanas na bagong pitas. Maging ang mahaba at kulot nitong buhok ay talagang lubos na nagdudulot ng kakaibang dating sa kahit na sinong maglalapat sa kaniya ng tingin.

"Ano?" Mababakas ang kabagutan sa sagot ni Leonardo na pawa bang pinalalabas ng binata na sinasayang lamang ni Olivia ang oras niya. Napanguso na lamang si Olivia sa naging sagot ng kaniyang kaibigang pinaglihi sa sama ng loob.

"Aro Pin!" (Arrow Pen) Bakas na hindi bihasa sa pagsasalita ng wikang Ingles ang dalaga. Ikina-kunot iyon ng noo ni Leonardo. Isa iyong salitang ingles na kamakailan lang ay itinanong din nito sa kaniya. "Napakaganda hindi ba? Pinag-isipan ko iyang mabuti." Napapa-iling na napangisi na lamang si Leonardo sa sinabi ni Olivia. Sa pagkakaalam niya ay siya rin naman ang nagsabi sa dalaga na ang Ingles sa pana ay arrow at sa pluma ay pen. Subalit kahit ganon ay minabuti ni Leonardo na sakyan na lamang ang pagmamalaki ng nakababatang kaibigan.

"Bakit mo naman naisipan na pangalanan ang bagay na iyan ng ganiyan?"

"Sa aking palagay kasi Ginoo, mas nakamamatay ang pluma kaysa sa pana at palaso. Kaya naman, pinangalanan ko itong Aro Pin (Arrow Pen) upang masasabi kong, walang mas nakamamatay pa bukod sa panang mayroon ako," pagmamayabang nito.

Napailing na lamang muli si Leonardo at napahalakhak naman ng malakas si Carlos. Parehong kinagigiliwan ang binibini.

Likas na talaga sa pagkatao ng dalaga ang pagiging mahangin at pagiging positibo sa lahat ng bagay. Marahil ay dahil na rin ito sa lumaki siya sa pagbabalatkayo bilang isang lalaki. "Kaya naman Leonardo, sana ay huwag mong hayaan ang sarili mong sumulat para lamang kilalanin at dumugin ng mga binibini. Sumulat ka para sa kasiyahan mo dahil kagaya nga ng sinabi ko, talo ng pluma mo ang pana ko." Ngumiti ito ng malawak na ikinaseryoso ni Leonardo. Batid ni Olivia na nawawalan na ng ganang sumulat ng panibagong akda ang kaniyang kaibigan. Nag-aalala siyang makalimutan na ni Leonardo ang dahilan kung bakit siya nagsusulat. Walang nagawa si Leonardo kung hindi ang tumango at pasimpleng mangiti.

"Señor Carlos, Binibining Olivia, Ginoong Leonardo, nakahanda na ang hapunan!" masiglang hiyaw ni Agnes sa kaniyang pagpasok ng silid. Subalit hindi nila iyon inasahan at sa sobrang gulat ay inakala nila na kung sino na ito.

Mabilisang nadampot ni Carlos ang kanyang maskit (Musket; old long barrel gun) at itinutok dito. Ganoon din si Leonardo, mabilis niyang nailabas ang baril mula sa isang maliit na kahon sa gilid ng mesa. Habang si Olivia ay naitapat na agad ang kaniyang palaso. Sa puntong nagkagulatan ay agad na nagtaas ng kamay ang bagong dating na si Agnes na tila ba sumusuko. Gulat siya sa nagawang aksyon ng mga kaibigan.

"M-Maaari ba na i-ibaba ninyo iyan? A-Ako lamang ito, si Agnes."

Ako si Olivia at ito ang kwento naming lahat.. sa loob ng talaarawan ko.

Arrow Pen
nobelang isinulat ni TEN
Isang pahapyaw sa nakalimutang Kasaysayan.


Ito ang simula ng katuparan ng aking pangako.

- Ten


------

Author Note;

Isang maligayang araw, isang trailer ang aking inihandog para sa mga mambabasa ng akdang ito. Mapapanood ito sa itaas ng kabanatang ito. Isa iyong pabatid ng pasasalamat sa pagtangkilik ng aking akda. Muchas gracias kapanalig!

--------

I M _ V E N A

El Destino desde 1870 (The fated since 1870)Where stories live. Discover now