Kabanata 25

136 16 0
                                    

Laveinna,

At dahil mukhang nasa mood maglakad si Carlos ngayon ay naglakad lamang kami papunta sa bahay aliwan daw. Nagpa-iwan si Agnes habang may ibang lakad naman daw si Leonardo kaya tanging si Carlos lamang ang kasama ko.

Iniisip ko pa lang kung gaano kalayo ang lalakarin namin. Hay, parang nanlalambot na agad ako pero keri lang, fresh naman iyong hangin dito at ang ganda talaga ng paligid.

"Bakit tila'y magpasahanggang ngayon ay namamangha ka pa rin sa ating Hacienda Olivia?" nakangiting tanong nito, mukhang napuna niya ang excited kong mukha.

Kasi naman Carlos, first time ko talaga ito, hindi ko na-appreciate kahapon ang view dahil medyo madilim pero ngayon, keri na. Ang sarap mag-selfie rito tapos mag-dp ako with caption 'San Fernando in 1869'. Natitiyak kong magba-viral iyon. Pero syempre hindi ko sasabihin iyon baka bigla na lang kaming lumiko ng daan at imbis na sa bahay aliwan ay hilahin na niya ako sa albularyo.

"Hindi naman ito nakasasawang pagmasdan, Señor Carlos." Natatawa nitong ginulo ang buhok ko. Bahagya tuloy akong napanguso.

"Tila naging magalang ka yata ngayon, Binibini. Saan ka idinala ni Leonardo kagabi? Hindi kaya ay dinalaw ka ng anghel doon?" Napairap na lang ako sa sinabi niya. Dapat ba ay wala akong galang.

Kaya naman ang ginawa ko binatukan ko siya. Bakas ang malaking gulat sa kaniya.

"Ikaw yata ang tila dinalaw Carlos." Lalo pa siyang nagulat sa sinabi ko. Hanggang sa nanlaki ang mata niya. Teka, may mali ba akong nagawa?

Oh my god, Laveinna takbo.

"Biro lang Ginoo!" hiyaw ko bago ako tumakbo. Agad naman niya akong hinabol.

Shems! Bakit ba kasi ang bigat nitong saya na 'to? Hindi naman ganito iyong mga saya sa present time.

"Bumalik ka rito, wala kang galang!"

Oh my gosh!

Dahil nga mabilis si Carlos ay nahuli niya ako. Gaano man ang takbong gawin ko. Mabigat din kasi talaga iyong saya and yeah, nakakapagod din. Purong pang-a-asar ang inabot ko kay Carlos, feeling ko bigla kaming naging close nang dahil doon.

Hanggang sa makarating nga kami ng Bahay Aliwan nang hindi na namin namamalayan. Umayos na ako dahil pinagsabihan din ako ni Carlos na once raw na makarating na kami kailangan ko na raw kumilos ng naaayon. Hindi na raw ako si Olivia o kahit si Ramiro. Ang mundo bilang si Mira na manananghal na ang mukhang papasukin ko.

Ang Bahay Aliwan ay hindi nalalayo sa Parke. Namamangha talaga ako sa mga bahay rito at mga imprastraktura. Kanina ay may nadaanan kaming malaking puting bahay na may nakasulat na pagamutan, maraming mga nakasayang puti roon na naglalabas-masok. Habang itong Bahay Aliwan ay may dalawang palapag at tila napakalaki nito. Kulay brown ito at may mga ilaw na nakasindi. Ramdam ang sigla sa loob nito kahit mukha pa lang nang aliwan ang titingnan mo.

Sa pagpasok namin, sumalubong ang ilang pagbati ng mga tauhan at mapanuring tingin nila sa akin. Mabilis ko namang inangat ang abanikong hawak ko. Nakita ko itong ginawa ng isang babaeng kabababa lang ng kalesa kanina sa daan.

"Maligayang pagdating sa aking Bahay Aliwan, Binibining Mira Asuncion." Nilingon ako ni Carlos at nginisian. Nakuha ko ang gusto niya.

"Ikinagagalak ko ang mapabilang dito, Ginoo," tipid kong saad. Naalala ko rin kasi na ang mga babae sa nakaraan ay mga mahinhin. Wala namang nakapagsabi sa akin na mahirap pa lang magpakamahinhin.

Inilibot ko sa paligid ang paningin ko. May malaking entablado sa unahan at may iba't-ibang instrumento. Habang puro lamesa at bangko dito sa ibaba. Sa isang gilid ay parang may maliit na counter at may isang aparador sa tabi na siyang pinaglalagyan ng mga alak. Sa ibabaw ng counter ay may mga mamahaling kobyertas. May mga paintings at halaman sa ilang gilid at kung ano-anong palamuti.

"Napakaganda!" naibulalas ko na lang bigla.

"Tila'y naninibago ka yata, hindi naman na ito ang unang beses mong makapunta rito, hindi ba?" pabulong na pang-a-asar ni Carlos. Gayunpaman ay hindi ko na lang ito pinatulan bagkus ay nabaling ang tingin ko sa mga bagong dating na siyang ikinalaki ng mata ko sa gulat.

"Buenos Diyas, Señor Carlos!" sabay-sabay na bati ng mga ito. Isang may katandaang babae na puno nang kolorete sa mukha ang nasa unahan at nasa likod niya ang tatlong babaeng nagpalaki sa mata ko ng husto.

Oh my god! Is this true? S-Sina Lizzette, Alecxis at Yannie ito? What the—

Lahat sila ngayon ay nakasuot ng magagarang saya na hindi nalalayo sa damit na suot ko.

I M _ V E N A

El Destino desde 1870 (The fated since 1870)Where stories live. Discover now