Kabanata 73

115 13 0
                                    

Leonardo,

Gusto ko man maging malapit sa kaniya ay alam kong hindi maaari sapagkat hindi pa ito ang takdang panahon. Narito lamang ako upang hanapin sa taong ito ang kaniyang talaarawan at ang hintayin ang pagdating ni Peter ng taong 2013 matapos ay babalik na rin ako sa Spain para roon isulat ang akda at hayaang ang tadhana ang magtagpo sa aming kapalaran.

Sa tinagal-tagal ko sa mundong ito. Napag-isip-isip ko na naka-base sa simpleng desisyon natin ang ating tadhana. At nang magdesisyon akong lapitan siya sa mga panahong nandito pa ako sa library nang ikwento ko ang tungkol sa istorya ng 'Hey Horizon' sa kaniya ay gumawa ako ng sarili kong tadhana na magkalapit kami sa ganoong paraan. Kahit asar na asar na siya sa akin ay masaya pa rin ako na kahit sa ganoong paraan ay napapalapit kami sa isa't-isa. Pero may mga pagkakataon din naman na nangyayari talaga ang coincidence.

"Sir, ano pong order niyo?" Narito ako sa palengke ng San Ignacio at kasalukuyang nagsusulat ng ikalawang kabanata ng Arrow Pen. Hindi ko na rin kasi nakita ang manuscript na sinulat ko noon. Sa halos ilang linggo ko na rito sa San Ignacio ay palagi akong pumupunta sa karinderyang ito para bumili ng makakain dahil hindi ko naman hilig ang magluto bagama't marunong naman ako.

"Ah! Isang pansit na lang," walang lingon na saad ko. "At tsaka pakidagdagan ng—"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang matinigan ang boses nito. Upang makasigurado ay hinarap ko siya at doon na nga kami nagkagulatan. Si Laveinna ito at mukhang gulat din katulad ko.

"Ikaw!"

Naging mahabang sagutan na naman ang nangyari sa pagitan namin. Pero hindi naman ako naiinis dahil mas natutuwa pa ako. Dahil doon, pakiramdam ko inspired na ulit akong magsulat. Kaya siguro noong araw ring iyon ay na-i-publish ko ang Arrow Pen.

Gayunpaman, hindi lang naman ang Arrow Pen ang sinusulat ko. Minsan ay nagsusulat din ako ng mga one-shot at short story at mas masarap gawin iyon kung nararanasan mo ang buhay ng character. Kaya naman, nang gabi ring iyon ay nagpanggap ako bilang isang matandang pulubi. My one-shot story is entitled 'Ang Buhay Pulubi.' Subalit ang maayos na daloy ng aking pagsusulat ay natigil nang dumating ang mga hangal na tila walang mga magawa sa buhay. Hindi ko inaasahang darating ang panahon na ang mga Pilipino rin lang ang sisira sa sariling bansang aming ipinaglaban noon pa man. Lubos ang aking pagkadismaya, gayunpaman ay wala nang ibang magawa. Sa pagkakataong ito, sarili nila ang kanilang kalaban.

Dala ang isang tray ay pumasok ako sa dating silid ni Olivia kung saan ko pinatuloy ang nahimatay na si Laveinna. Nadatnan ko naman siya roong gising na.

"Mabuti naman at gising kana, ito at dinalhan kita ng pagkain." Nang lapitan ko siya ay tuluyan nang nawala ang ngiti niya sa labi. Napabangon siya at talagang nanlalaki pa ang mata.

"Anong lugar ito? Bakit ako nandito? Bakit ka nandito? Saan mo ko dinala? Anong—"

Hindi ko na siya pinatapos at mas piniling magsalita nalang.

"Stop being paranoid, I won't do anything! Dinala lang kita rito kasi nahimatay ka kanina, hindi ko naman alam kung saan ka nakatira. So, I decide to bring you in my house," pagpapaliwanag ko.

Napataas ang kilay niya at tinanguan na lamang ako. Nagkibit-balikat nalang akong lumapit sa kaniya at inilapag sa gilid ng kama ang tray na dala. Ramdam ko ang paninitig niya na lubos na nagbibigay ng kaba sa akin. Gayunpaman ay pinanatili ko ang ngiti sa aking labi. Hindi ko na rin magawang umimik sa takot na baka iba na ang masabi at mas piniling ayusin na lang ang kaniyang pagkain.

El Destino desde 1870 (The fated since 1870)Where stories live. Discover now