Kabanata 28

319 44 4
                                    

Laveinna,

Halos makahinga kami nila Maria, Paulita at Laura nang maluwag matapos naming marinig ang katagang 'Maiwan ko muna kayo, may gagawin lamang ako' mula sa mga labi ni Madame Racelita. Hindi ko inaakalang ganito pala kahigpit magturo ng musika ang ginang, wala ito sa nabasa ko. Tuloy ay hindi man lang ako nakapaghanda.

Halos mapatid ang litid ko maabot lang ang tonong gusto niyang marinig mula sa akin, bagama't ito ang unang araw ko sa pag-a-aral. Mamayang gabi ay may gaganaping pagdiriwang sapagkat pasko na kinabukasan. Kanina ay nagsimbang gabi kami, iyon ang unang beses kong magsimbang gabi rito at masasabi kong napaka-relihiyoso ng mga tao sa panahong ito.

Ngayon ay mga mukha kaming malapit nang maputulan ng hininga nila Paulita habang nakasalampak sa sahig ng entablado. Mag-a-alas-tres na nang hapon at kanina pa kami ritong ala-singko ng umaga. Pagkatapos na pagkatapos ng simbang gabi ay tumuloy na ako rito habang si Carlos ay abala sa pamimili para makapaghanda sa Noche Buena kasama si Agnes. Sama-sama kaming apat na magpapasko ngayon. Bigla tuloy ay nakaramdam ako ng kalungkutan. Ito ang magiging unang beses na paskong hindi kasama ang pamilya ko. Pero siguro naman matapos ito ay makakabalik naman na ako. Gayunpaman ay hindi mawala ang pahapyaw na takot. Natatakot ako sa totoo lang. Hindi ko naman din kasi alam kung hanggang kailan ba ako rito o kung ano ba ang kailangan kong matapos dito. Hindi ko na rin muling nakita ang antipatikong sakristan. Paano na ako?

Sa hindi maintindihang dahilan ay biglang pumasok sa isip ko si Leonardo. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon?

Sa isiping iyon ay mabilis kong sinuway ang sarili. Tila ba bigla na lang akong kinilabutan dahil doon. My gosh, Laveinna! Ano bang pakialam mo sa isang iyon? Bwiset siya hanggang ngayon ay naaalala ko pa ang kalokohan niya kagabi.

Uminom ako sa kusina ng tubig na tanging ang ilaw ay ang gasera. Aba ang baliw, pinatay kaya hayun, bwiset na bwiset ako. Uso rin pala dito ang pangpa-prank 'no? Ang kakaiba lang sa kaniya, ginagawa niya iyon ng walang kangiti-ngiti sa labi. Napaka-weird-o.

"Tila mawawalan na ako ng hangin sa katawan sa aralin natin ngayong araw," mahinang reklamo ni Laura na panay pa ang paghigit ng hininga.

"Nariyan sa iyong gilid ang aking tubigan, Laura. Maaari mo iyong inumin," saad ko na lang. Sa ilang araw kong pananatili rito ay nakakasanayan ko na ang mga salita nila rito. Napakalalim pero dahil tagalog pa rin naman ay hindi naman ako na-a-alien kahit papaano.

"Maraming salamat, Binibini."

"Maari rin ba akong makiinom?" Nabaling ang tingin ko kay Paulita dahil doon.

"Sure." Bigla akong natigilan doon. Okay, joke lang pala, hindi pa rin talaga maiiwasan ang pagkakamali.

"Sor? Ano iyon, Mira?" takang-taka na si Maria dahil doon. Napalunok na lang ako.

"Ano ba ang iyong sinasabi, Maria? Ang aking sinabi ay 'sige', tila ikaw ay pagod na talaga," marahang saad ko. Mabuti na lang at hindi iyon narinig nila Paulita.

"Heto at uminom kana rin ng tubig Maria. Tiyak pagod lamang iyan." Nagkibit-balikat na lang ang masungit na si Maria. Mabuti na lang talaga at kamukha niya si Yannie, hindi ako na-o-offend sa kaartehan niya. Masyado na akong sanay sa kanila.

"Maiba ako, ano kaya kung tayo ay magtungo sa lawa ngayon?" Napalingon ako kay Laura nang sabihin niya iyon. Sa pagkakaalala ko ay wala namang ibang ilog na malapit dito kung hindi ang Lake of Happiness.

El Destino desde 1870 (The fated since 1870)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant