Kabanata 18

127 14 0
                                    

IKA-PITONG NA KABANATA
Filipinas 1869
Ika-20 ng Umaga ng Disyembre

"Halina't magsiupo kayo at saluhan kami sa aming agahan. Manang, ipaghanda sila ng makakain at magdala pa kayo rito ng dagdag na putahe para sa ating bisita. Jose, isama mo na rin si Pedro upang hanapin sa kakahuyan si Ramiro. Natitiyak kong naroon lamang iyon at doon na naman naisipang matulog," ma-otoridad subalit kapansin-pansin ang paglalaro ng tono sa boses ng Señor Carlos na tila ba balak lamang mang-inis.

Balak sanang singhalan ni Olivia ang kapatid subalit nangiwi na lamang siya nang maalala na si Mira siya ngayon at hindi si Ramiro. Nabalitaan siguro ng Señor Carlos ng minsang maglasing si Ramiro ay nagtungo ito sa kakahuyan at doon natulog.

Ang mas malala ay sa itaas ng puno pa ito natulog. Maging si Olivia ay hindi niya alam kung papaano niya nagawa iyon. Siguro ay dala na rin iyon ng alak na kaniyang nilaklak ng mag-isa siyang magdiwang ng kaniyang kaarawan. Mabuti na lang at hindi siya nabuko na babae talaga siya ng araw na iyon.

Walang salitang naupo siya sa bakanteng upuan habang si Agnes ay na natiling nakatayo.

"Oh, Agnes bakit hindi ka pa ma-upo?" takang tanong ng Señor. Mababakas mo rin sa tono nito ang giliw na para bang gusto niya lamang mapansin ng dalaga.

"Naku, Señor Carlos maraming salamat na lamang po. Subalit isa lamang po akong hamak na trabahador ninyo at wala po akong karapatang daluhan kayo sa inyong pagkain," matibay na pagtanggi nito subalit ang kaniyang tiyan na ang nagreklamo at bigla itong tumunog at naghuhumiyaw. Nagulat ang lahat sa nangyari kaya mahiya-hiyang napayuko si Agnes. Tumawa naman nang tumawa si Carlos na tila ba aliw na aliw.

"Ang tiyan mo ay nagrereklamo, daluhan mo na kami bago pa mangyaring magbago ang aking isip." Nahihiya man ay umupo na rin siya sa upuan at dinaluhan sila.

Bago magsimula ay nag-alay sila ng maliit na panalangin sa pamumuno ni Olivia. Pinagkaisahan na naman siya ng dalawang magkaibigan upang siya ay mapilitan.

Natapos ng mapayapa ang agahan. Matapos niyon ay agad na nagpaalam si Olivia at Agnes na sila raw ay tutungo na sa bayan kung saan naroon ang tinutuluyan ni Mira. May halong pangbubuska namang sinabihan sila ni Leonardo na mag-ingat at sana'y makadaupang palad pa sila.

Umuwi sa kanila si Agnes habang si Olivia naman ay nagtungo sa kakahuyan sa kaniyang ginawang bahay sa itaas ng puno. Doon naisipan niyang magtayo ng bahay sa itaas ng puno nang araw na siya ay magising mula sa pagkakalasing at siya ay nakatulog sa puno.

Nagpalit siya ng damit at nag-ayos ng sarili upang maging si Ramiro na ulit. Tinanggal niya ang kolorete sa mukha at nagtungo sa malapit na bukal upang maghilamos.

Sa paglalakad niya pabalik ay tila yata naligaw pa siya at nakalimutan ang daan pabalik.

"Ako ata ay naliligaw na. Kanina pa ako pabalik-balik sa lugar na ito," bulalas niya. Ini-ikot niya ang paningin sa paligid, pamilyar ito at nasisigurado niyang nanggaling na siya rito.

Mayroon lamang dalawang daan at iyong kanina niyang dinaanan ay dito rin naman siya ibinagsak kaya't napagdesisyonan niyang sa kabilang daan na lamang dumaan.

Sa kaniyang paglalakad sa napakasukal na daan ay balisang-balisa siya sapagkat hindi na pamilyar ang mga nakikita niyang punong kahoy. Nakalimutan na niyang maglapat ng tanda pabalik upang makabalik siya sa pinanggalingan. Ilang oras pa ang tinagal ng kaniyang paglalakad at hanggang doon ay wala pa ring nangyari. Hindi pa rin siya nakahanap ng daan pabalik.

Tagaktak na ang kaniyang mga pawis at uhaw na uhaw na rin siya. Idagdag pa ang hindi maalis na iritasyon sa kaniya. Napabuntong hininga na lamang si Olivia at napatigil sa paglalakad. Inilibot niya ang paningin sa paligid nagbabaka sakaling may makitang panandaliang mapagpapahingahan.

Doon niya namataan ang isang umuusok na parte ng kagubatan. Napangiti na lamang siya. Natitiyak niyang mula ang usok na iyon sa pagsisiga. Walang kaba niyang tinungo ang lugar sa pagbabaka sakaling iyon na ang daan pabalik. At doo'y namataan niya ang isang kabahayan.

Tila ba isa itong kampo sa gitna ng kagubatan. Naroon at may ilang tila ba guwardya pa sa pinakaharapan ng tarangkahan. Maraming bahay sa kalooban at natitiyak iyon ni Olivia. Ngunit ang ipinagtataka niya ay kung bakit mayroong ganito roon.

Unti-unti siyang napatigil sa paglalakad patungo roon nang napansin niya na mayroong bitbit na panabak ang dalawang gwardya. Doon bumalik sa alaala niya ang kahapong narinig na pag-u-usap sa pagitan ni Carlos at ng Gobernadorcillo ng San Fernando.

Ayon sa kaniyang narinig bago pa man maganap ang pagtatanghal ay nag-u-usap ang mga ito tungkol sa mga Erehe na sabi-sabi ay nagtatago't naninirahan sa kabundukan. Ang mga Erehe raw ay banta sa gobyernong pinapatakbo ng mga Kastila. Pumapatay ang mga ito at layuning pabagsakin ang kaharian ng España.

Nang dahil doon ay agad siyang napaurong subalit hindi sinasadyang naapakan niya ang ilang punong kahoy na nasa daan. Ito'y lumikha ng tunog na nagpapukaw sa dalawang guwardya. Naging alerto ang mga ito at inilabas ang kanilang panabak.

"Sino iyan?"

"Lumabas ka saiyong pinagtataguan kung sino ka man!" matapang na bulalas ng dalawa na talagang nagpagimbal kay Olivia.

Hindi malaman ng dalaga kung tatakbo ba siya o mananatili na lamang doon. Lalo pa siyang nataranta nang magsimula ng maglakad ang mga guwardya palapit sa kaniya.

Subalit laking gulat niya nang may bigla na lamang humigit sa kaniya patago sa malaking puno 'di kalayuan. Nanlalaki ang matang kinatitigan niya kung sino ito.

"Leonardo," wala sa sariling bulalas niya. Napakalapit ng mukha nila sa isa't-isa na tila ba kunting tulak mo lang ay maglalapat na ang mga labi nila. "A-Ano ang ginagaw—" Hindi natapos pa ni Olivia ang sasabihin niya nang bigla na lamang takluban ng Ginoo ang bibig niya.

"Huwag kang maingay, madadakip nila tayo." Sa puntong iyon ay nagkatitigan silang dalawa at hindi inaasahang kasabay niyon ang biglaang pagbugso ng malakas na ulan na sinasabayan pa ng malakas na ihip ng hangin. Gayunpaman ay tila ba wala lamang iyon sa dalawa, hindi nila iyon iniinda. Basta ay nakatitig lang sila sa isa't-isa at tila ba kontento na.

T E N

El Destino desde 1870 (The fated since 1870)Where stories live. Discover now