Kabanata 20

135 14 0
                                    

IKA-SIYAM NA KABANATA
Filipinas 1869
Ika-20 ng Gabi ng Disyembre

"Huwag kang gumawa ng ingay. Mayroong paparating, Binibini." Nanlaki ang mata ni Olivia sa ibinulong na iyon ni Leonardo. Natigilan siya at napalunok. Naging alisto ang mga mata ni Olivia at pinagmasdan ang madilim na parte ng kagubatan. Muli siyang napalunok. Wala man siyang makita subalit ramdam niyang may nagmamasid sa kanila.

"A-Ano ang gagawin natin, ginoo?" Mababakas ang kaba sa turang iyon ng dalaga.

"Umakyat kana roon sa itaas. Ako na ang bahala. Patayin mo ang lahat ng gasera roon."

"Subalit paano ka?" may pag-a-alala sa tanong na iyon ng dalaga.

"Ako na ang bahala, humayo kana, susunod ako. Magmadali ka parating na sila." Dahil sa pahayag na iyon ay nagmadali na si Olivia na umakyat sa puno. Agad niyang sinunod ang pinag-u-utos ng Ginoo. Kabado niyang hinipan isa-isa ang mga gasera sa itaas. Matapos ay pasilip siyang dumungaw sa bintana. Nag-a-alala siya na baka kung napaano na ang Ginoong kaniyang kasama.

Subalit doon niya namataan ang pagdating ng ilang gwardya sibil na may dalang apoy at sakay ng kanilang mga kabayo. Mas lalo lang siyang kinabahan dahil doon. Nanlaki ang kaniyang mga mata at agad na napasandal.

'A-Ano bang nangyayari? B-Bakit narito ang mga iyon?'

Alam ni Olivia na ang mga tanong niya sa isip ay hindi masasagot kung hindi siya maglalakas-loob kaya't huminga muli siya ng malalim bago muling sumilip.

"Bilis-bilisan ninyo! Napakakupad!" hiyaw ng gwardya sibil. Kunot-noong binalingan ni Olivia ang pinararatangan nito. Subalit halos matuptop niya ang kaniyang bibig nang makilala kung sino ang mga ito.

"A-Agnes?" Naguguluhang napaatras si Olivia mula sa pagkakasilip. Kitang-kita niya kung papaanong nakatali ang kaniyang kaibigan at mga kaanak nito habang hila sila ng kabayo. Sa madaling salita, kinakaladkad ng mga kabayo ang kaanak ng kaibigan niya. Kapansin-pansin din ang pagiging tulala ni Agnes. Maging ang mga dugo sa kaniyang kasuotan at ang pagiging punit-punit niyon.

Gulat man sa nakita ay atubili siyang nagtatakbo pababa. Maluha-luha siya nang makababa at akmang lalapit na siya roon nang may biglang humigit sa kaniya. Si Leonardo ito na ngayon ay kasalukuyan ng may hawak na espada. Maluha-luha niyang kinatitigan si Leonardo. Hindi makapaniwala at litong-lito.

"B-Bitawan mo ako." Hindi ito kababakasan ng paggalang na tila ba'y nawalan na siya ng pakialam. Ang tanging iniintindi niya ay kung bakit at ano ang nangyari sa kaibigan niya gayong kasama niya lamang ito kanina.

"Olivia," ma-otoridad na pagtawag sa kaniya nito.

"Sinabi ng bitaw! Leonardo, bitawan mo ako!" Naging mariin ang tono ng pagsasalita ni Olivia. Ikina-i-inis niya ang pagpigil sa kaniya nito.

"Olivia! Mag-isip ka, walang mangyayari kung pupunta ka roon at makikialam. Mas lalo mo lamang palalalain ang sitwasyon!"

"Kung gayon Ginoo, ano ang dapat kong gawin? Alam kong iyong nakita. Ang aking nag-i-isa at matalik na kaibigan ay nasa kapahamakan. Ano sa tingin mo ang gagawin ko? Sa tingin mo ba ay aking makakayang manood lamang?" pahiyaw niyang sinabi iyon. Mariing pinaharap siya ni Leonardo habang hawak ang balikat niya.

"Makinig ka Olivia, sa tingin mo ba ay may magagawa ka? Alam mo ba na sa iyong ginagawang ito ay imbis na makatulong ka ay mapalalala mo lang ang sitwasyon? Gumising ka Olivia!" mariing bulyaw sa kaniya nito habang niyuyugyog ang balikat niya.

Napalunok siya at nagtangis. Nauunawaan niya ang Ginoo. Alam niya iyon subalit hindi niya naman maatim ang huwag na lang makialam. Tuloy ay hindi na siya makapag-isip ng ayos.

El Destino desde 1870 (The fated since 1870)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon