Kabanata 53

330 25 11
                                    

Laveinna,

"Bebe Eins, are you okay?" Mula sa pagkakadapa ay napatunghay ako sa kaniya. Bahagyang tumama ang aking mukha sa kanto ng hagdanan ng simbahan kung kaya naman dama ko ang hapdi niyon.

Naman! Dakila talaga akong lampa.

Natatawang tinulungan ko na lang ang sariling makabawi at tumayo. Nang mapatunghay ay nag-a-alalang mukha ni Zzette ang bumungad sa akin.

"Ayos lang ako, lampa lang talaga." Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi kong iyon subalit iningiti ko na lang ang lahat.

Inis na hinampas niya ako out of worry. "Nakakainis ka alam mo iyon? Pinag-alala mo ako! Bakit ka ba kasi tumatakbo?" Pero ang ngiti kong iyon ay napawi nang marinig ang tanong na iyon. Doon na nagsimulang manikip ang dibdib ko na tila bigla ay may pumipiga roon sa hindi ko malamang dahilan. Sobrang sakit na halos hindi na rin ako makahinga.

Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba bigla na lang akong hindi makahinga kanina sa tricycle? Lumabas lang naman ako para magpahangin pero bakit parang gusto ko namang magpachukchakchenis dito sa kakaiyak.

Ang mga luha ay hindi ko na halos napigilan. Umiyak lamang ako nang umiyak sa aking kinatatayuan. Hindi alintana kung pinagtitinginan at mas lalong hindi alam ang dahilan.

"A-Ano bang nangyayari sa akin Zzette, naiiyak ako bebs. Shems, hindi ko mapigilan." Para naman siyang nakunsumisyon sa sinabi ko.

"Laveinna naman! Baka isipin nila pinapaiyak kita. Tumahan kana nga! Bakit ka ba umiiyak? Tinatanong ko lang naman kung bakit ka tumatakbo?" Kahit ako ay hindi masagot ang kaniyang tanong. Parang tanga na umiiyak lang ako roon on the spot na akala mo ay pinagkaitan ng candy tapos lahat eh binigyan maliban sa akin. Kaya naman, imbes na sagutin pa ang tanong ay umiyak na lang ako nang umiyak doon. Umaasang matatapos din naman.

Matapos ang weirdong hapon na iyon ay umuwi na rin ako. Hinatid pa nga ako ni Zzette dahil nag-a-alala raw kasi siya baka kung saan na naman daw ako mag-iiyak ng walang dahilan. Kagaya ng normal na nangyayari, nagsaing ako at naglinis na rin ng bahay upang mawala sa isip ang mga nangyari sa araw na ito. Bahagya pa kaming nagkaasaran ni Lairre nang dumating siyang gabi na. Mabuti na nga lang talaga at hindi pa rin umuuwi si Nanay dahil tiyak na mapapalo talaga siya.

"Enang! Maghain ka na." Nang dumating si Nanay mula sa palengke ay iyon na ang sinabi niya kaya naman agad na akong kumilos mula sa pagkakaupo sa harap ng TV. Subalit agad din namang natigilan nang lumabas ang isang balita.

"Magandang gabi po, nandito na naman ako upang magbigay nang trivia sa inyo." Isa itong news about sa mga history achuchu ng bansa. Ang totoo ay hindi naman talaga ako mahilig sa mga ganoon, marahil ay dala nalang siguro ng pagbabasa ko ng bagong story ni Ten na Arrow Pen.

"Enang, ano ba!"

"Saglit lang 'nay, nagmamadali? May lakad?" Ang panghuli kong sinabi ay talagang hininaan ko na dahil kung lalakasan ko pa ay tiyak na makukurot niya lang ako sa singit.

"Alam niyo ba na ang sikat na tourist  attraction na Lake of Happiness sa San Ignacio ay pinangalanan taong 1872 nang maihalal bilang bagong Gobernadorcillo ng bayan si Arturo Ricarte? Siya ay tubong Biñan na namuhay sa San Ignacio ng matagal bilang isang kapitan. Ang kaniyang kabiak na si Racelita Alamid ang umisip ng pangalang iyon na inialay nito sa kaniyang namayapang unang anak. Nakatutuwang isipin na ang pangalan ng napakagandang tanawin ay hindi pala talaga nagsimula sa panahon ng mga Amerikano. Bagkus ay mas nauna pa rito. Ito po si Tino Carpio, magandang gabi."

Hindi ko napigilang mapangiti nang aking marinig ang tungkol doon. Ngayong araw ay nasagot na ang mahabang katanungan naming pamilya tungkol sa lawa. Bagay na dati ay pinag-aawayan pa nila Nanay at Tatay. Sa tuwa ay ikinwento ko iyon kay Nanay habang naghahanda ako ng hapunan namin. Siya naman ay nakinig lamang habang nakaupo sa lamesa at nag-aantay ng grasya. Naroon din si Lairre na nangbabara pa sa mga kwento ko. Kaya naman para hindi mainis ay hindi ko na lang siya pinansin.

Epal e.

"Tutulog na po ako." Paalam ko bago pumasok ng kwarto, si Lairre ang siyang nakatoka ngayong gabi para maghugas ng pinggan habang ako naman ay matutulog na kuno dahil marami naman na akong nagawa kanina.

Pero syempre, wala pa talaga akong balak matulog. Balak ko pa sanang magbasa ngayong gabi na't tingnan kung may bago na bang update si Ten ng Arrow Pen subalit halos magsalubong ang kilay ko nang makitang tapos na ito. Ngunit naka-lock na siya at talagang umabot ng anim na daan ang bayad.

Sa puntong iyon ay para akong pinagbagsakan ng langit at lupa.

"Hala! Anong nangyari? Bakit naka-lock na? OMG! OMG! Bakit ganito? Kung kailan wala akong pera! Ano ba naman ito." Frustrated na naihampas ko nalang ang ulo ko sa unan. Inis na inis at yamot na yamot sa nangyari. Sa isang iglap ay naging ganito ang lahat, ni hindi ko man lang muna nabasa. Kainis!

"Ate ano ba! H'wag ka ngang maingay." Hindi ko na lang inintindi si Lairre at nagpatuloy lang sa pagwawala sa aking kama sa taas. Nakakabaliw ang ganitong feeling at talagang nakakalungkot.

Naman kase ihh! Kung ganito lang din pati kamahal mas maigi sigurong hintayin ko na lang na maging libro ito. Nang gabi ring iyon ay malungkot kong ibi-nack ang aking account. Lumong-lumo at walang magawa. Sa unang pagkakataon ay lubos kong kinainisan si Ten subalit mga one second lang siguro dahil naisip ko rin na ginagawa niya lamang iyon para kumita. Mayroon siyang right na gawin iyon sa kaniyang mga akda dahil pinaghirapan niya ito higit kanino man.

Akala ko iyon na ang ikalulumo ko ng husto subalit pagpasok ko kinabukasan sa school, nang malaman kong bumalik na raw muli sa Spain si Peter Einstein ay talagang nalungkot ako. Hindi na raw namin ito magiging kaklase dahil nagkaroon daw ng problema regarding sa paglipat nito. Nakakalungkot na hindi man lamang kami nagkapaalamanan sa isa't-isa. Subalit hindi naman din kami ganon ka-close.

Bakit ka naman malulungkot Laveinna? Eh 'diba inis ka sa kaniya? Amnesia lang girl? Tsk!

I M _ V E N A

El Destino desde 1870 (The fated since 1870)Where stories live. Discover now