Kabanata 7

683 51 16
                                    

Laveinna,

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko nang magising. Bumulaga sa akin ang pamilyar subalit hindi ko kilalang silid. May malaking chandelier na nakasabit sa kisame ng silid. May mga libro sa kaliwang gilid na tila ba ay pinag-lumaan na nang panahon. Sa kanan naman makikita ang isang maka-lumang kabinet, makikita rin doon ang iba't-ibang klase nang pambabaeng palamuti na nasa ibabaw ng isang tukador. Kakaiba rin ang style ng bintana dahil napakamakaluma nito. Palagay ko ang bahay ay gawa sa adobeng bato. Napakaluma ng disenyo, spanish era pa yata ang style nito. Napangiti ako sa hindi malamang dahilan. Pakiramdam ko ay pamilyar ang lugar na ito sa akin, bagamat hindi ko naman talaga ito kilala. Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako nang tinatawag nilang 'De Javu'

"Andyan na po ako, saglit lamang."

Nakaupo sa harap ng tukador ang isang babae habang marahan niyang ina-ayos ang kaniyang buhok. Nakasuot siya nang bughaw at napakagarbong saya. Nakaharap ang babae sa salamin subalit napakalabo niyon kaya't hindi ko makita ang mukha niya. Tumindig ang babae nang makuntento siya sa ayos niya tsaka patakbong lumabas, muntik-muntikan pa siyang matalisod dahil sa pagmamadali.

Naputol ang eksenang aking nasasaksihan nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang mukha ni Peter Einstein. Doon nagbalik sa alaala ko ang lahat. Ang pagdating ng mga lalaking sindikato at ang pagkiki-eksena ko hanggang sa huli kong makita ay ang mukha ng lalaking ito.

"Mabuti naman at gising ka na. Ito at dinalhan kita ng pagkain." Nakangiti niyang usal habang bitbit ang isang tray na naglalaman ng pagkain. Nawala ang mga ngiti ko sa labi at agad na napabalikwas ng tayo nang matunugan ko kung ano ang nangyayari.

"Anong lugar ito? Bakit ako nandito? Bakit ka nandito? Saan mo'ko dinala? Anong—" Hindi ko pa man natatapos ang halos gatumpok kong katanungan nang bigla siyang magsalita.

"Stop being paranoid, I don't do anything! Dinala lang kita rito kasi nahimatay ka kanina, hindi ko naman alam kung saan ka nakatira. So, I decided to bring you in my house," pagpapaliwanag niya.

Napataas ang kilay ko at tinanguan na lamang siya. Mukha namang nagsasabi siya ng totoo. Lumapit siya sa akin at inilapag sa gilid ng Queen size bed na ito ang tray na dala-dala niya. Doon ko na lamang napansin na nakasuot siya nang isang butas butas na tshirt kaya naman medyo nasisilayan ko ang kaniyang katawan. Medyo lang naman.

Napapalunok tuloy ako. Nakapantalon din siya na pang matanda---- teka nga lang? Doon pumasok sa isip ko ang isang ideya kung bakit ganoon ang damit niya.

"Paano mo ako nakita roon?" agaran kong tanong. Napatigil tuloy siya sa pag-a-ayos ng pagkain, kita kong masinsinan niya pang pinag-i-isipan ang isasagot niya sa akin. Matapos iyon ay nag-angat siya nang tingin at nginitian ako.

"Nagtatrabaho ako ron."

Sa sobrang pagkakangiti niya ay nawawala na ang mga mata niya. Ngayon ko lang napansin na may dimple pala ang lalaking ito. Ngayon ko lang kasi siya napagmasdan ng malapitan. Na-i-imbyerna kasi ako sa lalaking ito nitong mga nakalipas na araw.

"Nag-ta-trabaho? Paano ka mag-ta-trabaho sa ganoong lugar at tsaka hindi naman kita naki----" Doon pumasok sa isip ko na maaring tama nga ang bagay na naalala ko. OMG! So, siya 'yung lolo na napag-trip-an ng mga sindikato?

"Ikaw 'yung lolo?" napapahiyaw tuloy ako. Tumango siya ng dalawang beses at nangingiwing hinarap ako.

"Huwag kang sumigaw napakalapit lamang natin sa isa't-isa!" Bahagya pa siyang napapa-nguso. Nag-blink ako ng tatlong beses dahil sa pag-ngusong ginawa nang labi niya. Ang cute niya, teka, hala sinong cute? Itong mahangin na ito? Hindi 'no! Hindi kaya siya cute!

El Destino desde 1870 (The fated since 1870)Where stories live. Discover now