Kabanata 48

86 13 0
                                    

Olivia,

Sa aking muling pagmulat ay talagang lubos akong nagtaka nang aking mapansing nasa lawa na ako sa pagitan ng San Ignacio at San Fernando. Kasalukuyan akong nakaupo sa may bato at nakalublob ang aking mga paa sa tubig. Ikinataka ko rin ang aking sayang kulay puti. Kabaliktaran ng aking huling naaalala ay wala na akong maramdamang sakit sa pisikal man o sa emosyonal. Masaya ko lamang pinakikinggan ang malamyos na tunog ng pag-agos ng tubig, mahinang huni ng mga ibon at ang nakahahalinang salubong ng dalisay na hangin.

Natigil na lamang ang aking masayang pagmumuni nang masilayan ang repleksyon ng taong aking nasa likuran mula sa tubig na pinaglulubluban ng aking mga paa. Kusa na ring kumurba ng ngiti ang aking labi sa reyalisasyong narito si Ginoong Leonardo. Mabilis ko siyang nilingon at ganon na lamang ang sayang naramdaman ng aking puso nang salubungin niya ako ng ngiti.

Isang ngiting labis niyang ipinagdamot sa akin noon pa man.

"Narito kana, kay tagal kitang hinintay mahal ko." Malumanay ang kaniyang pagtingin sa akin at halos hindi ko iyon maintindihan. Dahan-dahan siyang naupo sa aking tabi at ako ay kaniyang dinaluhan sa pagtatampisaw. Hindi alintala kung tuluyan man mabasa ang kaniyang pang-ilustradong kasuotan.

Lalo kong ikinataka ang bigla niyang paghawak sa aking kamay at pagsandig ng kaniyang ulo sa aking balikat.

"Olivia mahal, patawarin mo ako kung akin mang ipinagdamot ang pagmamahal na nararapat sa iyo." Hindi ko mapigilan mapapikit nang aking marinig ang kaniyang bawat paghinga. Tila mas kaakit-akit ang bagay na iyon sa pandinig.

Gayunpaman malaki pa rin ang aking pagtataka kung nasaan ba ako at kung ano na ang nangyari. "Mahal na mahal kita Olivia, higit pa sa aking pagmamahal sa bayang ating ipinaglalaban. Higit sa kahit anong bagay na kayang ibigay ng mundong ating ginagalawan." Hindi na nawaglit ang aking ngiti nang aking mapakinggan ang kaniyang itinuran. Maging ang pakiramdam ng mainit niyang palad sa aking kamay ay lubos kong ikinagagalak. "Subalit mahal, patawad.." Natigilan ako sa kaniyang sinabi at agad na nagmulat. Umayos ako ng upo at kinatitigan siya na ngayon ay umalis na sa pagkakasandig sa aking balikat. Napupuno ng luha ang kaniyang mata at panay ang paghalik niya sa likod ng aking palad. "Patawarin mo ako Olivia, mahal ko." Nagugulahan man at binabalot man ng pagtataka ay sinubukan ko pa rin ang magtanong sa kaniya.

El Destino desde 1870 (The fated since 1870)Where stories live. Discover now