Kabanata 11

257 19 3
                                    

Laveinna,

"Aizael!" Doon ako biglang napabangon at habol hiningang napahawak sa dibdib ko. Anong klaseng panaginip iyon? Ito ang unang beses na managinip ako ng isang weirdong panaginip, bukod sa pumatay ako ng isang tao.

Bakit ganon ang nangyayari? Bakit naroon si Aizael? At bakit parang totoong totoo ang panaginip na iyon. Nakararamdam ako ng sakit. Naiiyak ako, pero bakit?

Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko at ang panlalamig. Kakaibang takot ang bumabalot sa akin at hindi ko iyon maintindihan.

"Ate, ayos ka lang?" Halata ang pagkaantok na tanong sa akin ni Lairre. Dinungaw pa niya ako at halos ikalaki ng mata niya nang makita niya kung paano ko guritin ang damit ko para makahinga. Kinakapos nanaman ako.

Napansin kong handa ng tumakbo si Lairre para tawagin sila Nanay subalit agad ko siyang pinigilan.

"H-Huwag!" Umiling pa ako sa puntong iyon. Halatang natataranta na siya at hindi na alam ang gagawin. "M-Matulog ka na, a-ayos lang a-ako," pag-a-assure ko sa kaniya.

Ayos lang naman talaga ako hirap lang akong makahinga pero sanay ako. Kaya hindi na kailangan pang mang-abala ako ng pagtulog nila.

"Pero, ate!" bakas ang pag-a-alala niya. Nginitian ko na lang siya at tinanguan. Wala naman siyang nagawa kung hindi ang mapabalik sa pagkakahiga. Ako nama'y dahan-dahang kumilos para buksan ang bintana na katabi ko lamang. Kasabay nang pagbukas ko ng bintana ay ang pagpasok ng kakaibang hangin sa loob ng kwarto namin. At doo'y tila bumubulong sa'kin ng kakaibang salita.

'Yo soy tu pasado... Tu presente y tu futuro.'

Sa hindi ko malamang dahilan ay kinilabutan ako at nanlamig. Saan galing ang mga salitang iyon? Hanggang ngayon ba ay nananaginip pa rin ako? Ano ang nangyayari sa akin?

Hanggang sa hindi na ako nakatulog nang gabing iyon, kaya ang ending, mas lalong lumala ang eye bags ko. Kung siguro naibebenta ito napakayaman ko na. Sino kayang pwedeng pagbentahan nito?

Napagdesisyonan kong maagang pumasok. Ipinaghanda ko muna ng agahan sila Nanay tsaka ako umalis kahit wala pa mang laman ang tiyan. Hindi ako dalawin ng gutom.

Ilang minuto na akong nag-a-abang ng bus dito na masasakyan pero magpasahanggang ngayon ay wala pa ring nangyayari. Hanggang sa bigla na lamang bumuhos ang napakalakas na ulan, sa kasamaang palad, wala akong nadalang payong at mas ikinasama pa nito ay walang bubong ang waiting shed.

"Buset naman!" hasik ko sa sarili habang tumakbo patungo sa isang malaking puno. Kaya lang magpasahanggang doon ay umaampiyas pa rin ang ulan.

Sura na ako to this weather!

Minsan napapaisip ako kung pati ba si Weather nag-a-adik na rin. Kani-kanina lang may araw pa, tapos biglang ka-boom! Umulan. Ipa-tokhang ko na kaya si Weather, baka sakaling maisipan niyang magbagong buhay.

"Lagi dapat nagdadala ng payong ang mga babae." Biglang may nagsalita. OMO! Nagsasalita ang puno?

Sa puntong iyon ay hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Hala siya, anong oras palang ba? Shit! Minamaligno ba ako? Grabe, dapat pala hindi na muna ako pumasok ng maaga. "Pffftt—— Tao ako!" bulalas muli ng isang boses. Doon na ako napalingon at bumulaga sa akin ang mukha ng isang lalaking ginagawang pandong sa ulo ang bag niya.

"Peter?" Bigla siyang ngumiti at tsaka ako kinindatan.

"Bingo! Long time no see!" natatawa nitong sabi habang kumaway pa siya sa'kin. Tila ba hirap na hirap dahil sa ipinapandong niya sa ulo niya ang bag pack. Ano raw? Long time no see? Parang noong isang araw lang nagkita kami, pero sabagay, absent siya kahapon at wala akong cares kung ano ang dahilan niya.

"A-Anong ginagawa mo rito?" gulat na gulat na tanong ko. Paano nakapunta ang isang ito rito? Wait. Taga rito rin ba siya?

Subalit nang ma-alala kong sa kabilang subdivision lang ang bahay ng isang ito ay halos masapok ko ang sarili ko. Ang gaga lang! Diba nga nakapunta kana roon. Tsk!

"Nag-a-abang ng masasakyan," saad niya muli with the tune 'obvious ba?' Tsk! Nagyayabang na naman siya. Pero ang nakakainis hindi mo mahahalatang nagyayabang siya kung titingnan ang hitsura niya, nakangiti lang siya na parang engot.

"Edi wow!" hasik ko na lang. Sandali kaming natahimik nang bigla siyang bumanat.

"Ano sa tingin mo? Pabilog ba ang hugis ng pagpatak ng ulan o pahaba?" Nagtaka naman ako sa tanong niya kaya pinakatitigan ko ang patak ng ulan. Ngayon lang ako nakarinig ng isang napaka-weirdong tanong na ganoon. Pero, bakit nga ba hindi ko nga naisip 'yun noon pa man?

Ano nga ba ang hugis ng ulan?

"Palagay ko pabilog, may nagsabi kasi sa'kin na ang ulan daw ay parang butil ng asin." Joke lang 'yon na may nagsabi sa akin tungkol sa asin gawa-gawa ko lang 'yon.

"Napakatanga naman nang nagsabi sa'yo niyan. Pahaba ang patak ng ulan, tingnan mo kayang mabuti. Malabo yata ang mata nang nagsabi sa'yo niyan."

So, anong pinapalabas niya na tanga ako at malabo ang mata? Aba't..

"Tsk! Sa iba ka magyabang. Layas! Ayaw kita rito!" bulyaw ko na para bang wala na kaming pakialam pa kung naaampiyasan na kami. Hindi ako makaramdam ng pagka-inis o ano man. Tanging ang kakaibang sigla at kabog lang ng puso ko ang nararamdaman ko, bagama't taliwas sa nararamdaman ko.

"Bakit mo ako pinaaalis, sa'yo ba ito?" sabay tingin sa buong area. "Binili mo ba itong lupang ito, ha?" mapang-asar na sabi niya pero hindi iyon mababakas sa mukha niya, para bang natutuwa lamang siya. Kabuset din ang isang ito!

Hindi ko na napigilang mangiti. "Paano kung sabihin kong oo?" banat ko pa.

"Asan ang titulo?" Napataas ang kilay ko at napairap na lang dahil sa sinabi niya.

"Buset ka! Diyan ka na nga!" hiyaw ko muli at akmang tatawid na ng kalsada para sana bumalik sa waiting shed na tinatambayan ko kanina kahit na umuulan nang biglang isang malakas na pagbusina ang narinig ko mula sa isang truck. Napatigil ako at nanlalaki ang matang napatingin doon.

And the next thing I knew ay may humila sa kamay ko at hinigit ako pabalik. Agad akong napayakap dito ng mahigpit dahil sa sobra-sobrang takot ko sa mga puntong iyon.

"Wag kang matakot, nandito lang ako," boses iyon ni Peter, ramdam ko ang pagka-sincere roon.

Kaya naman mas isiniksik ko pa ang mukha ko sa dibdib niya at yumakap pa ng mas mahigpit. Takot na takot ako pero lahat ng iyon ay biglang nawala nang yakapin ko siya.

Teka nga lang, oo nga nakayakap ako kay Peter Einstein. Nakayakap lang pala——Teka ano?

NAKAYAKAP AKO KAY PETER? OMG!

Agad akong napakalas sa pagkakayakap nang bumalik ako sa katinuan.

"S-Sorry, nadala lang ako, sorry talaga!" Akmang aalis na ako nang bigla niya ulit akong hapitin.

Ipinulupot niya ang braso niya sa beywang ko at hinila ako papalapit sa kaniya. Tapos ay pinandungan niya ako gamit ang bag pack niya. Kasabay nun ang malakas na malakas na pagbugso ng ulan na sinabayan pa nang malakas na pagkulog.

Sumabay pa sa malakas na pagkulog ang malakas na pagtibok ng puso ko. Nagkatinginan lang kami sa mata ng isat-isa. Basang-basa na kami pero hindi pa rin natinag ang pagtititigan naming dalawa.

I M _ V E N A

El Destino desde 1870 (The fated since 1870)Where stories live. Discover now