Kabanata 16

368 39 0
                                    

IKA-LIMANG KABANATA
Filipinas 1869
Ika-19 ng Disyembre

Isang malaking pagdiriwang ang inilunsad ni Señor Carlos nang araw ding iyon. Tila ba'y sa isang iglap ay kumalat ang balitang iyon sa buong kabayanan. Lahat ay imbitado maging ang mga Indio na trabahador sa Hacienda Laong. Maging ang Gobernadorcillo ng lugar, Heneral, mga Prayle, mga kabataang nag-a-aral sa Unibersidad ng San Fernando, at maging ang mga kilalang tao sa kabilang bayan ay naimbitahan. Maging ang mga hindi kilalang tao ay nakidalo rin. Lahat ay naging abala sa kung ano ang maganda at kaaya-ayang suotin sa pagdiriwang na iyon.

Dumating ang dapit-hapon at napuno nang mga ilaw ang buong hacienda. Naroon at mayroon ding intablado sa unahan na talagang pinasadya para sa mamayang dagdag aliw sa mga panauhin. Maraming mga lamesa at upuan na talagang kumikinang at naghuhumiyaw sa kalinisan.

Ang mga babasaging plato at mga nagkikintabang kobyertos at baso ay nakalatag din. Dagdag atensyon ang bawat dekorasyon na makikita sa paligid, ang mga porselana sa bawat gilid. Sa likod ng mansyon, nakalagak ang pagdiriwang na halos sakupin ang buong lugar.

Hindi na rin magkanda-ugaga ang mga katulong sa paghahanda at maging ang Mayor Doma ng mansyon ay hindi na rin alam ang gagawin sa pagdagsa ng napakaraming bisita. Humigit kumulang sa isang daan at limampung katao na ang naroon.

Sa damit pa lamang ay kakikitaan mo na kung sino ang marangya at kung sino ang nakikihalubilo lamang.

Habang lumalalim ang gabi ay nagsisimula ng magkaniya-kaniya ang mga panauhin. May sari-sarili na silang grupo kung saan kariringgan ang lakas ng tawanan. Hiwalay ang mga kababaihan sa mga kalalakihan. May ilan pa na masayang nag-i-inuman sa isang sulok.

Sa kabilang banda, nakatanaw lamang si Olivia mula sa kaniyang silid sa itaas at pinanunood ang mga tao sa ibaba. Tila ba ay ngayon lamang siya muling nakakita ng napakaraming tao sa isang pagtitipon. Nabaling ang paningin niya sa isang tabi kung saan tahimik lang na nakaupo ang mga Binibini sa isang sulok. Kinatitigan niya ang bawat kagamitan at palamuti ng mga ito sa kanilang katawan. Ang inggit ay hindi niya maitago at ang kaniya mismong mata ang magsisilbing matibay na ebidensya.

"Napakaganda naman ng kasuotan ng isang iyon, kulay lila pa. Hay.. Subalit batid kong masungit ang isang iyon, sayang lamang ang damit, hindi kabagay-bagay. Aba, iyon ding isang iyon ang ganda ng palamuti niya sa buhok. Isa pa pala, napakaganda ng abanikong hawak niya. Saglit nga lamang, anong klaseng kolerete ang—" Hindi na natapos ni Olivia ang mga sunod niya pang mapanlait na opinyon sa mga nakikita nang may magsalita mula sa pintuan ng kaniyang silid.

"Ganyan kana ba kapait magsalita ngayon? Lubha akong nagugulat sa mga pinagsasasabi mo munting paslit," anang ni Leonardo. Nang dahil sa sobrang pagkagulat ay muntik pang ikahulog ni Olivia iyon, salamat na lamang at may harang pa rin ang bintana ng kaniyang kuwarto.

"A-Ano ang i-iyong ginagawa rito? Iyo namang nalalaman Ginoo na isa akong binibini. Anong karapatan mong tumapak sa kalingkingan ng aking silid ng wala ang aking pahintulot?" May kalakasan na pagsigaw nito sa kaniya. Nanlalaki ang mata at hindi makapaniwala.

"Sa tingin mo ay akin pang maaalala na ikaw ay binibini gayong ganiyan ang iyong kasuotan?" ngumisi ito sa kaniya at nagsimulang humakbang papalapit. "Pagmasdan mo sila at ang iyong sarili. Napakalayo ng agwat para matawag kang isang Binibini." Nakaramdam ng inis si Olivia sa sinabi ng lalaking kaniyang hinarap. Kaya naman, sa sobrang inis niya ay kusang gumalaw ang paa niya at sinipa niya ito. Nanlalaki ang matang napasigaw sa sakit si Leonardo.

"Sige na! Hindi nga ako isang Binibini. Isa akong Ginoo sa aking kasuotan kaya naman ayos lamang kung gawin ko iyan. Maiwan na kita Señor." Matapos iyon ay parang kidlat na nawala si Olivia sa harapan ni Leonardo. Nang matunugan ng Ginoo ang pagkawala ng Binibini ay agad siyang tumayo ng tuwid at pinutol ang kaninang pagpapanggap.

El Destino desde 1870 (The fated since 1870)Where stories live. Discover now