Kabanata 72

100 12 0
                                    

Leonardo,

After that vacation. Hindi na muli kami nakapagbakasyon sa Manila. Naging busy si Mom at Dad sa trabaho habang ako naman ay nagpatuloy sa pag-aaral. Kasabay ng pasusulat ko sa iba't-ibang writing platform, naging hobby ko na ang pagbabasa ng comments at reaksyon ng aking mambabasa. Ang pinaka biggest story na naisulat ko ay ang Hey Horizon na nagdala sa akin sa rurok ng tagumpay. Sa loob ng limang taon ay ginugol ko ang lahat sa pag-aaral at pagsusulat. Gayunpaman, after five years ay pinilit ko talagang maka-uwi sa Pinas. Masaya ako't mukhang kasalukuyang ipinagbibili ang mansyon ng pamilyang Laong. Kaya naman, binili ko iyon gamit ang perang inipon ko at tinabi sa pagsusulat. Sa loob ng limang taong pagsusulat at pakikipag-kontrata sa isang publishing company ay hindi ko pa rin ninais magpakilala. At bagama't marami na ring naging achievements, alam ko sa sariling may kulang pa rin, at iyon ay ang kwento namin. Ang Arrow Pen.

Masaya ako nang payagan talaga akong mag-isang bumyahe pabalik sa Pinas. Nagpaalam din ako na roon na rin mag-aaral. Noong una ay hindi pumayag si Mom, pero wala rin siyang nagawa dahil nakapagdesisyon na ako at buo na ang aking loob.

Nang makarating sa Pinas ay nilinis ko ang lahat sa mansyon subalit ang pakiramdam na mag-isa pala talaga ay sobrang nakakalungkot lalo sa malaking mansyong aking tinutuluyan. Kung kaya naman, mas pinili ko na lamang libangin ang sarili sa pagsusulat ng draft na siyang aking naaalala upang i-published ang mga iyon kung mangalahati na. Dahil iba't-ibang genre naman ay minsan tina-try kong mabuhay kagaya ng aking character para malaman ko ang pakiramdam nila. At dahil ngayong araw ay nais kong balikan ang una naming pagkikita ni Olivia ay dumaan ako sa hukay na mukhang ginawa na nilang kanal at mukhang kalaunan ay nalimot din. Suot ang salakot at camisa de chino habang dala ang tampipi sa likod. Bagama't ngayong araw ang first day ng klase ay minabuti ko munang magliwaliw.

Señor High na ako at dito ko napiling magsimula dahil kailangang narito ako kapag dumating si Peter ng year 2013. Kailangan kong maibigay sa kaniya ang pocket watch upang walang maging problema sa future. Bagama't hindi pa rin mawala sa akin ang tanong kung paano nangyari ang bagay na nangyari na sa akin ay nagpatuloy akong mabuhay sa isiping may mga bagay talaga sa mundo na hindi kailangan alam natin.

Subalit, mukhang sa buhay rin hindi talaga matatapos ang mga surpresa. Hindi na ako halos nakagalaw nang matanaw ko ang kawawang babae na nag-aala spider man upang makaakyat lang mula sa pagkakahulog. Hindi ko mapigilang mapaluha nang siya ay masilayan ko. Nauulit lang muli at mauulit nang mauulit. Mabilis kong pinahid iyon at nakangiting kinatitigan si Olivia o tama ba kung siya ay tatawagin ko na bilang si Laveinna.

"God! Pramis magpapakabait na talaga ako tulungan niyo lang po ako, OMG! Tulong!" Gusto ko lang sana siyang pagmasdan ng matagal pa subalit nang simulan na niyang tawagin isa-isa ang mga santo ay hindi ko na napigilang mapatawa.

"Medyo tanga ka kung iisipin mong makakaakyat ka riyan." Hindi ko na napigilang magkumento. Natigilan naman siya. Subalit mas natigilan ako nang harapin niya ako at magtagpo ang mga mata namin. Sa pagkakataong iyon ay parang gusto ko na lamang siyang yakapin. Gusto kong sisihin ang kahit na sino kung bakit kailangan kong maghintay ng matagal na panahon para lang muli siyang mahagkan. Gusto kong isisi ang lahat sa kahit na sinong maaaring sisihin. Subalit hindi ako bobo para gawin ang bagay na iyon. Kailangan ko pang maghintay ulit, darating din ang araw at muli kaming pagtatagpuin. Hindi pa ngayon, hindi pa rin bukas o sa susunod. Balang araw.

Huminga ako ng malalim bago naisipang tanggalin ang aking sumbrero at ipatong iyon sa aking dibdib matapos ay nagbigay galang ako at siya ay nginitian ng malawak. Nais kong matawa sa kaniyang mukha subalit iba rin naman ang impact niya sa akin ngayon. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko habang tinitingnan siyang malapit sa akin. But despite of that, I remain composed.

"Miss naglalaway ka." Naibulalas ko na lamang iyon dahil talagang naglalaway siya habang nakatulala sa akin. Gusto ko sanang tumawa ng malakas ang problema mas nangunguna ang lakas ng tibok ng puso ko.


Umalingawngaw ang awiting Sayo by Silent Sanctuary sa paligid kasabay ng pabagsak ng cellphone niya at pagkahugot ng earphone mula roon. Nagsimula naman na akong maglakad papalapit sa kaniya at nang tuluyan na siyang ngumiti, parang wala na akong iba pang gustong gawin kundi ang yakapin siya.

"Ang pangit mo!" hayagang pang-aasar ko. Sa lahat ng tao ay siya lang ang kinahiligan kong asarin, bagay na kailanman ay hindi na magbabago.

"Excuse me?"

"H'wag kang ngumiti, hindi kabagay-bagay."

"H'wag ka ring ngumiti, nakakawalang gana."

"Ano? Nakakawalang gana? Sa gwapo kong ito?" Pinataas-taas ko pa ang kilay ko sa puntong iyon, gayunpaman ay nakangiti pa rin. Gusto kong tuparin ang nais niya noon. Iyon ay ang makita akong ngumiti, bagay na kaya ko naman nang pagbigyan sa panahong ito.

"Saan banda? 'Di ko makita!" batikos niya pa habang hindi mapigilan ang pag ngiti. Ang bagay na ito ay nauulit lang at unconsciously ay napapansin niya iyon.

"Eto oh!" saad ko sabay pa-pogi sign na parati kong nakikita sa mga kaklase kong ka-edad ko. Napailing naman siya at nagkunwaring nagmamaldita.

"Huwag mo nga akong kausapin, close ba tayo ha?" Sa pagkakataong iyon ay talagang may bagay akong hinihintay. Iyon ay ang tinig ni Carlos, subalit sa loob ng ilang tao ay ni anino niya ay hindi ko nakadaupang palad. "Hoy! Ikaw, bakit ka nandito?" Bigla niyang isinigaw iyon kung kaya naman agad akong nagbalik sa sarili ko.

"Dito ang bahay ko," saad ko sabay ngiti. Well, it's actually my way back home.

"Lah? Adik ka ba kuya? Teka, 'di kaya wrong turn ka? OMO! May cannibal sa San Ignacio?!" Umatras pa siya na tila natakot.

"Hibang ka!" Natatawang bulyaw ko sa kaniya.

"Ano kamo? Bakit s-sino ka ba?" inis na tanong na niya this time.

"Magandang tanong iyan pero pasensya na, I don't tell my name to a stranger like you." Sa pagkakataong ito ay nginisian ko na siya. Hindi ko alam na nakakatuwa palang makita ang pagbabago-bago ng kaniyang mukha.

"Ako pa ang sinabihan mo nang ganiyan ah! Ikaw nga itong feeling close kanina, iba ka rin ano?" Napabuntong hininga nalang ako at natawa bago napiling umupo sa harapan niya upang matulungan na siyang makaakyat sa hukay.

"Anong ginagawa mo?" kinakabahang tanong niya.

"Pumasan ka sa akin, iaangat kita, miss." Hindi ko talaga mapigilan ang ngitian siya.

"Wag na lang oy!"

"Okay, choice mo yan. So, ano iiwan na ba kita?" Tatayo na sana ako nang magdabog siya.

"Ang sama mo!" Kahit kailan talaga.

"At ang OA mo naman. Tss! Pumasan kana kasi para tapos na ang problema, may pasok pa ako at late na late na ako!" Nakangiti pa rin ako. Mukhang wala naman na siyang nagawa dahil wala rin naman siyang choice. Kung maiiwan siya rito, aabutin siya ng siyam-siyam at hindi ko naman gugustuhin iyon.

"Salamat Mr. Weirdo, sana hindi na ulit tayo magkitang mahangin ka!" Isinigaw niya iyon nang makaangat na. Tumakbo palayo at 'di man lang ako tinulungan. Gayunpaman ay nakaya ko naman buhatin ang aking sarili dahil sanay na rin naman ako sa pag-akyat. Mababa lang naman iyon, masyado lang siyang maliit. Nang makaakyat ay tinanaw ko siya ng may ngiti sa labi sa isiping muli rin kaming magkikita. At mukhang hindi naman iyon nagtagal dahil kinabukasan din ay nagkita kami sa klase.

I M _ V E N A

El Destino desde 1870 (The fated since 1870)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon