Kabanata 19

319 36 0
                                    

IKA-WALONG KABANATA
Filipinas 1869
Ika-20 ng Disyembre

Basang-basa ang dalawa nang maglakad sila pabalik. Papahapon na rin kaya naman kahit papatak-patak pa rin ang ambon ay minabuti na nilang maglakad pauwi. Walang imik nilang narating ang bahay sa itaas ng puno. Ilang sila sa isa't-isa sa hindi malamang dahilan. Kaya naman tahimik silang umakyat doon.

"Magpalit ka muna ng iyong damit Olivia, basang basa ka," pagbasag ni Leonardo sa katahimikan. "Magsisiga lamang ako sa ibaba upang hindi tayo lamukin. Madilim na rin, dito na tayo magpalipas ng gabi." Akmang bababa na si Leonardo nang magsalita si Olivia.

"Saglit lang, Ginoo." Agad namang natigilan si Leonardo. Nilingon niya ang dalaga at doon niya nakitang naghahalungkat ito sa maliit na tukador doon at naghahanap ng kung ano. Maya-maya ay inilahad sa kaniya ng dalaga ang isang kamiseta at salwal. "Narito at suotin mo, basa ka rin Ginoo. Paniguradong lalamigin ka." Hindi na nag-alangan pa ang binatang tanggapin iyon. Natutuwa siyang isipin na nag-a-alala ang dalaga sa kaniya.

Matapos iyon ay bumaba na ang Ginoo. Nangiti naman ang dalagang sinilayan ito. Palagay ang loob ng binibini na walang gagawing masama sa kaniya ang binata. Kaya naman nagpasya na siyang magpalit ng damit gaya ng inutos nito sa kaniya. 

Sumapit ang gabi at nilamon ang kalangitan ng kadiliman. Naisipang bumaba ni Olivia sa puno at samahan ang Ginoo sa kaniyang tahimik na panonood ng apoy.

Sa pagbaba niya, doon niya napansing may iniihaw na ang Ginoo. Kunot ang noong nilapitan niya ito.

"Saan nanggaling ang isda? Hindi ko ata namalayan na umalis ka, Ginoo. Buong akala ko ay bumaba ka lamang upang magsiga?" tahasang pagtatanong nito. Napalingon sa kaniya si Leonardo at nangingising inanyayahan ang Binibini na maupo sa tabi niya. Naroon at nakaupo sila sa malaking ugat ng puno ng narra. Itinuon ni Leonardo ang kaniyang kamay sa gilid niya upang ibaling ang tingin sa katabi.

"Hindi na ako nagpaalam nang magtungo ako sa malapit na ilog para manghuli niyan. Marahil ay abala ka sa pagdadamit kaya't nakalingatan mo ang pagkawala ko," turan niya. Kunot-noo namang nagsalita si Olivia na nasa apoy lamang ang paningin.

"Subalit, napakabilis naman yata? Napaka-imposible na makahuli ka kaagad ng ganon na lamang at talagang dalawa pa? Bukod doon ay may mga prutas ka pa," nginiwian siya ng binata dahil sa sinabi.

"Maaari iyon sa katulad ko, Binibini. Nakakalimutan mo yata ang angking kong gandang lalaki na maging mga isda ay nahahalina't nabibihag." Saglit na natigilan si Olivia sa sinagot ng binata. Napabuntong hininga siya nang maalalang malakas nga pala ang hangin sa utak ng kasama niya.

"Napakalakas ng kompyansa mo sa iyong sarili, umaabot hanggang kalangitan," sarkastiko ang tono niya.

"Totoo naman ang sinasabi ko. Bakit Binibining Olivia? Hindi ba?"

"Hindi!"

"Sinungaling."

"May makapal na mukha."

"Nakakaasiwa ang pagmumukha."

"Matanda!"

"Aba at ano kamo? Sino ang matanda?"

"Ikaw!"

"Wala kang galang! Paano ka pa matatawag na binibini niyan?"

"Kung ganon ay wala ka namang respeto! Paano ka pa matatawag na Ginoo?" Inis na nag-iwas sila ng tingin sa isa't-isa.

Gayunpaman ay palihim na nangiti si Olivia. Bagaman nag-a-asaran ang dalawa, alam nila sa sarili na hindi non mababago na may pagkakasundo na rin sila kahit papaano.

El Destino desde 1870 (The fated since 1870)Where stories live. Discover now