Suminghot ng malakas si Irene saka tumayo at lumapit kay Jungkook. "Namiss kitaaa! Hehehe." isinakbit nito ang dalawang kamay sa batok ni Jungkook.

"Ah, ako rin," sambit nalang ng binata habang nag-aalinlangan sa pag-ngiti. Hindi ko gusto 'yung amoy niya.

Hindi parin tinatanggal ni Irene ang dalawang kamay sa batok niya. "Ang bangu-bango mo naman Kookie beybeh. Paamoy," suminghot ng malakas si Irene saka inamuy-amoy ang dibdib at kili-kili ng binata. Lumayo naman siya sa mga kamay ng dalaga saka natawa.

Hinawakan niya ito sa dalawang kamay. "Halika na, ihahatid na kita. Sabihin mo sakin kung saan ka nakatira." wika ni Jungkook na nagpipigil ng tawa habang inaalalayan si Irene sa pinto.

"Ayoko! Ayokong umuwi! Dito lang ako!" bulyaw ni Irene habang nagpupumiglas sa hawak ni Jungkook.

Nang nakaabot na sila sa pinto, nakawala si Irene sa kanya. Sinara ni Irene ang pinto at hinarap siya. Napaatras naman si Jungkook sa gulat. Unti-onti siyang nilapitan ng dalaga at kitang-kita niya na inaakit siya nito habang papalapit sa kanya.

Pero hindi siya na-a-attract sa dalaga, natatawa pa siya. Hindi niya maintindihan kung bakit tawang-tawa siya sa nangyayari. Ayaw niyang tawanan ng malakas si Irene dahil baka suntukin lang siya nito. Hindi pa naman niya gusto kapag galit ang dalaga.

"I don't need mariwana, I don't need kokeyn. Your presence is enough to drive me insane," mapang-akit na sabi nito. Natawa si Jungkook habang patuloy parin sa pag-atras.

"Wow, ang galing mo naman, Irene. S-in-earch mo ba 'yan?" nakakalokong ngiti ang binato niya sa dalaga na patuloy paring lumalapit sa kanya at binibigyan siya ng mapang-akit na tingin.

"Jungkook, sabihin mong mahal mo 'ko."

"Mahal mo 'ko," sagot ni Jungkook saka huminto sa pag-atras at ngumiti kaya isang suntok ang natanggap niya mula sa dalaga.

Impit na nasigaw siya saka hinimas ang pisngi niya kung saan palaging sinusuntok ni Irene. "Para sa'n 'yun?! Ginawa ko lang naman 'yung sinabi mo ah?" hindi sumagot si Irene at isang matamis na ngiti lang ang binigay. Narinig naman ng binata ang halakhak nila Taehyung at Hoseok pero hindi nalang niya ito pinansin saka hinimas-himas ang pisngi.

"Haranahin mo naman ako, Kookie. Tugtugan mo ko ng gitara. Kantahan mo ko, gustung-gusto ko 'yung boses mo," pagpupumilit ng dalaga na parang bata.

"H-ha? Eh sira na 'yung gitara ko e. Sinira kasi ni Namjoon hyung," sagot niya saka napakamot sa ulo.

"Sige na, Kookie!!" pagpupumilit parin nito. Hinawakan siya ng dalaga sa suot niyang sweater na white ang color sa sleeves at light gray naman sa center. Kinaladkad siya nito at hinila-hila ang sweater niya. "Kookie, sige na! Sabi ni Namjoon nag-gi-gitara ka daw eh!"

"Teka, teka. Oo na, Irene! Bitawan mo na 'ko," binitawan naman siya ni Irene. "Uhm," panandalian siyang nag-isip kung saan makakahanap ng gitara. Napatingin naman siya sa isang stuffed toy na gitara na maliit at pangbata lang na nakasabit sa dulo ng double-deck nila Hoseok. Madali niya itong kinuha. "Eto, may gitara na." (at the multimedia)

"Tiw tiw tiiiww. Tiw tiw tiiiw," ang gaya ng boses ni Jungkook sa tunog ng isang gitara habang kunwaring in-i-i-strum ito. Feel na feel pa niya ang paggigitara at papikit-pikit pa. Nakabusangot lang ang mukha ni Irene saka kinuha ang stuffed toy na gitara at binato sa kung saan. Natamaan naman ang mukha ni Namjoon pero mabuti nalang at hindi ito nagising.

Jungkook is Mine [completed]Where stories live. Discover now