Bonus Kabanata: Graduation Days (Part 6)

46 5 0
                                    

Graduating Caregiving

Bago ako tuluyang mag-kolehiyo muli at lumipat sa bago kong naging kolehiyo, nag-vocational course ulit ako. I wanted challenge, so, God gave me a challenge. I enrolled myself in a one-year Caregiving course to finally fulfill my enviousness na grumaduate bilang isang honor student. Aside from that ‘fulfillment’ thingie, my role back when was makalipad sa ibang bansa at makatulong sa pamilya (wow, ulirang anak talaga!) pero sa kasawiang palad hindi natuloy ang World Tour ko sa isang bansa pero nakapag-trabaho naman sa hospital at sa Red Cross.

Nag-aral talaga ako ng mabuti on that medical course sa i.Learn Center, mahirap ‘day! Dugo pwet ko araw-araw. Eksena ba naman kasi every class: pagpasok may pre-test, after lunch may test, before uwian may post-test. Ganda ‘di ba? Pero sabi ko nga eh, with all those exams I undergone, it sharpened me to become a better student. Napakagandang training ang pinamalas sa akin ng Caregiving course na ‘yon. Shout-out to all my instructors way back then. Malaking parte kayo nang pagiging successful ko sa College studies ko.

Graduation day. Well, may graduation rites naman at isa ako sa mga top students. Nasa honor list ba. Pero sa kasawiang palad, hindi naman na-recognize ang pinaghirapan naming pag-aaral ng pagbalot ng patay, pag-eksperto ng reproductive system, at pagpunas ng anes anes ng mga merlat at menchu. Hay, that time kasi walang speeches, awarding of medals o kahit anong recognition. Wala lungs, basta honor students kami. ‘Yon na ‘yon. Walang kwenta!



BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO! ❤
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Anong Klaseng Estudyante Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)On viuen les histories. Descobreix ara