Kabanata Nine: My College Life (Part 3)

54 9 0
                                    

Ban-ba-ba-BANNED!

No’ng mga sumunod na araw, balik na naman sa silid-aralan. Ayon excited ang lahat meron daw kasing i-a-anounce si ma’am. Pumasok na siya sa room namin may hawak na papel at nagsimula na itong basahin, unang binasa ay ang pangalan ko tapos ilan pang mga pangalan ng Mayor (sa unang kolehiyo kong pinasukan Mayor ang tawag namin sa mga President ng klase) ng lahat ng klase ng mga BSHRM. Ang mga sumunod na salita ay, “inappropriate activity, unprofessional, indiscipline…” mga salitang hanggang ngayon tumatak sa utak ko. Tapos sabi pa lahat daw ng mga kinilos at ginawa namin sa hotel nila ay hindi katanggap-tanggap, katulad ng paggamit ng telepono ng buong hotel ng sabay-sabay na parang mga call center agents lang ampeg at ang paglalamiyerda sa corridors na naka-ready-to-swim outfits, na insulto daw sila, mga choosy pa, well, ang pinaka huling pasabi ay ang lahat daw ng mga nabanggit na Mayors at mga under nilang estudyante mula noong araw na ‘yon ay BANNED na sa hotel nila, ‘di na puwede mag-tour at mag-apply ang mga galing sa kolehiyo namin. Eh di banned kung banned, may magagawa ba kami? Alam mong magwelga at magplanking kami sa harap ng hotel nila para lang mawala ang titulo ng aming school na “BANNED!”



BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO!
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Anong Klaseng Estudyante Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)Där berättelser lever. Upptäck nu