Kabanata Seven: Sikat Ka Ba? (Part 3)

70 7 0
                                    

Bekimon

Mga estudyanteng crossbreed ng bakla at pokemon equals BEKIMON. Mga pinagmumulan ng kasiyahan, katatawanan at kakulitan. Ang dami kong mga naging kaibigang ganito, 1, 2, 3, 4… ah basta hindi ko mabilang sa super dami nila.

Iba’t iba ang klase ng mga Bekimon, may mga biniyayaan ng angking ganda, mga flawless at mga pansali sa Ms. Gay Universe. Meron namang mga bugbugin ang mga mukha, mga hindi masyado nabiyayaan ng panlabas na ganda dahil mga nakapayong sila no’ng nagpaulan ng kagandahan, pero nandiyan parin sila at kadalasan mas mataas pa ang popularity level nila kasi sila ang mga Bekimon na naghahatid saya at tawa sa mga pinaliligiran nila kaya naman mahal sila ng madla. Meron din namang mga pinaglihi sa ampalaya at kamias, mga bitter sa buhay at laging maasim ang mga pagmumukha, mga role model ng kasupladahan akala mo makinis talaga, sige nga ‘te patingin ng singit? Meron din namang mga talentadong mga Bekimon na super ang palakpak ko. Iba’t iba talaga ang mga Bekimon, sila ay mga unique na nilalang, magagaling sa iba’t ibang bagay at higit sa lahat kaya ni mister kaya ni misis, kaya ni Bekimon yan lahat.

Sabi nila babae at lalaki lang daw ang ginawa ng diyos. Eh ano ang mga Bekimon? Alien. Kaya I stand for the gay community, sa mga taong nagsasabi ng against sa mga Bekimon, wanna tell you na lahat tayo ginawa ng Diyos sadyang kakaiba lang ang mga Bekimon pero sila parin ay dapat tratuhing tao dahil hindi naman sila hayop para ituring na gano’n. Because I believe that the children are our future teach them well and let them lead the way. Yun lang po. Mabuhay and I thank you.



BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO!
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Anong Klaseng Estudyante Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon