Kabanata Fifteen: Salamat, Bansag! (Part 6)

31 5 0
                                    

Pet Names #3

Pogi – ito ay dala lang ng pag-aasaran. Tawag niya sa akin Ganda (bakit totoo naman ha? Ha-ha!) at ang tawag ko naman sa kanya Pogi (medyo totoo din naman, maka-medyo e no? Ha-ha!). Isa si Pogi sa mga lalaking love na love ko pero walang malisya at all, ‘yong tipong lalaking barkada. Love niya rin naman ako ewan ko lungs kung may malisya siya sa ‘kin. Haha!

Partner – well, no’ng inawan kami ng lahat ng AA (joke lang nagdadrama lang) kami na lang ni Harilyn ang napunta sa pang gabi at lahat ng AA ay panghapon noon kaya ‘yon pakiramdam namin kaming dalawa na lang ang magkakampi kaya Partner naging tawagan namin. Si Partner din ang nag-iisang AA na naging klasmeyt ko simula first year ‘til grumaduate kami. Walang iwanan talaga kmi. Partners for life!

Greatest/’tes – siya ay ‘yong babaeng hindi ko madami kaming pinagsaluhang saya, harutan at kiligan lahat yata ng sikreto ko alam ng babaeng ito eh. Mahal ko ito kaya nga Greatest eh. Isa sa pinaka importanteng babae sa buhay ko ito si ‘tes at alam kong ganoon din ako sa kanya. Besfriend ang turing namin sa isa’t isa, napakadami kasi naming pinagkakasunduan talaga. Basta kaming dalawa we have the highest form of friendship with special meanings and love.

General – naging tawagan lang namin ang General para tunog sundalo, tunog lalaki. Nakakatakot kunwari pero mga pusong mamon. The best ito si Tosca, madaming tumatawag sa kanyang Mother maliban sa akin dahil siya ang General ko. Siya ang first friend and enemy ko sa new university ko pero kahit pa na ganoon we graduated naman as one of the sweetest friends.

Lax – hay naku ito ang sikretong ayokong sabihin. Ano Odessa sabihin ko na ba? Okay lang yan past is past na naman puwede ng pag-usapan. Well, ehem. Basta ‘yong meaning no’ng Lax ay lakas, lakas tama kasi kami parehas no’ng mga panahong iyon sa isang lalaking ang initial ng pangalan ay L.A. kaya naging Lax. Lakas tama kay L.A. ang meaning talaga nito. L.A. meaning ay Louise Asuncion na ilang beses iniyakan ni Lax. Ooh, love it! Ha-ha! Ngayon alam na ang sikreto, okay lang yun? Haha!

Isa din ito sa pinakamamahal kong babae sa buong klase kasi daig pa namin ang magkapatid sa sabihin namin ng sikreto lalo na ng kalandian. ‘Yong tipong kapag may nagkuwento sa kanya at sinabihan siya ng “uy wag mong sasabihin ‘yon kahit kanino ha” tapos bukas alam ko na ang buong kuwento ng galing mismo sa bibig niya, ganoon din naman ako sa kanya. Kaya nga ang dami naming puwedeng ipang-black mail sa isa’t isa eh, pero siyempre ‘di namin gagawin ‘yon wag lang magkagipitan. Haha!

Te Amo – si Roxette napakalapit niyan sa akin at mahal ko yan. Ang dami din naming napagkukwentuhan nito ni Te Amo lalo na kapag tungkol sa klase, isa kasi ito sa mga kakumpitensya ko (sa maganda at masayang paraan) pagdating sa klase. Pero madalas din kasama ko ito sa kopyahan. Well, two heads are better than one.

Myluv – ito naman gano’n din. Pero siya ang unang tumawag saking Myluv kaya yun naging tawagan na namin ‘yon ‘til now Myluv niya parin ako kahit na pinagpalit na niya ako sa iba. Chos! Lagi ko ngang kasama pauwi siya dati from school eh kaya naging super close din kami talaga. ‘Yong tipong sa supe close niyo nasasaktan ka na (wow, drama! Ha-ha!). Alam ng mga tao na tahimik ito si Myluv pero sa totoo lang super mapang-asar siya sa bawat taong nasa paligid namin. O, walang deny-deny, ha.



BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO!
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Anong Klaseng Estudyante Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now