Kabanata Eight: Sikat Ka Ba Talaga? (Part 5)

58 9 1
                                    

Singing Bee

Tao ba ‘to? Hayop ba ‘to? Gamit? Pagkain? Lugar siguro ‘to? Well, hindi. Sila ay mga tao naman, mga estudyanteng sikat dahil miyembro ng choir sa eskuwela.

Naranasan ko ito kasi naging miyembro ako ng choir namin no’ng high school hanggang pag-graduate ko isa akong choir member. Kaya alam ko na kapag isa kang Singing Bee tataas ang popularity level mo ng 90 percent, naranasan ko ‘yong bigla na lang may magtatanong sayo sa koridor ng, “Hoy ‘di ba ikaw ‘yong kumanta sa program kahapon?” The best talaga ang feeling. Instant celebrity.

Siguro sa ibang eskuwela hindi masyadong sikat ang mga choir pero sa eskuwela namin isang pinagmamalaki ito. Ginagamit kasi kami sa lahat: morning events, mga programs, mga misa, basta halos lahat kami ang bida, name it. Akala mo may sweldo e ‘no? Hectic masyado ang mga schedule namin.

Buti na lang nga at nagpapasalamat ako at gano’n kasikat ang choir sa aming eskuwela. Sa sobrang sikat, iniimbita kami sa iba’t ibang churches para kumanta, minsan sa mga iba’t ibang events, mga birthday, binyag, kasal at ang pinaka memorable para sakin ay no’ng kumanta kami sa isang prestige event na gustong gusto ng lahat dahil sa free coffee at biscuit. Walang iba kundi sa isang BUROL!



BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO!
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Anong Klaseng Estudyante Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora