Kabanata Nine: My College Life (Part 9)

55 8 1
                                    

Ang Tunay Na Kahalagahan Ng Lapis

Hindi ko na mapapalawak pa ang mga pangyayari kong naranasan sa bago kong eskuwela, bakit? Wala ka na doon ako nagkukuwento eh. Chos! Basta napaka daming events na nangyari na hinding-hindi ko makakalimutan. Sa eskuwelahan ding ito ko na buo ang True Beauty Club (TBC), isang organisasyon sa aming kolehiyo na tumutulong sa pagtaas ng self-esteem at self-confidence ng mga estudyante, bukod pa dito ay ipinapakalat din ng organisasyon ang prinsipiyo na ang kagandahang loob ay mas importante sa panlabas na kaanyuan ng isang tao at tumutulong din kami sa personality development ng bawat estudyante. O ‘di ba hindi lang puro katarantaduhan ang natutunan at nagawa ko no’ng college madami din akong mga nagawang good deeds, alam na ‘yan ng mga mahal kong tunay na kaibigan at ng Poong Maykapal. Pero sa kasamaang palad ang club ay itinigil ko dahil ire-raid na kami (night club pala, hindi joke lungs) ang totoong dahilan ay ito. Itong pagsusulat ko. Isinuko ko ang organisasyon para maipagpatuloy ko at makapag-pokus ako sa aking pagsusulat. Alam ko din naman sampu ng aking mga kaagapay at mga kaibigan na sa tamang oras at panahon ay maipagpapatuloy din namin ang layunin ng TBC sa isip, sa salita at sa gawa.

Oo, madami ngang katarantaduhan kang matututunan kapag nasa kolehiyo ka na dahil nga nasa tamang edad ka na pero ang batayan ng isang tunay na estudyante sa kolehiyo ay nasa kanya din, kahit napakadaming demonyo sa paligid mo dapat alam mo paring timbangin ang tama o mali, dapat lang ‘yon kasi nga nasa tamang edad ka na. Hindi naman puwedeng lagi na lang, “join them if you cannot beat them” dapat alam mo din kung paano maging isang matinong estudyante na hindi nagka-cutting classes at laging pumapasa sa mga tests sabay ang pagkakaroon ng social life. Dapat marunong kang maging isang Annie Batungbakal, sa umaga marunong na estudyante at sa gabi ay party animal. Dapat alam mo parin ang pagkakaiba ng tagay at aral, party at review, alak at lapis. Always know the difference. Always know how to balance your responsibilities.

Masaya naman ako at dahil napag-ba-balance ko ang dalawa, saya at aral. Humawak pa nga ako ng apat na organisasyon noon sa eskuwela eh, at ang mga grado ko puro uno, bilang lang ang dos. Hindi ako nagyayabang ha, just telling the frikkin’ truth. Buti na nga lungs na ang mga dumaan sa aking experiences katulad ng pag-inom at paninigarilyo ay naglaho narin bago pa ako grumaduate ng college. Ang pagyoyosi ko tumagal lungs ‘yon ng two weeks tapos tinigil ko na. Ang pag-inom naman ng alak tinigil ko na simula pa no’ng gradution ng college, ‘eto ‘til now wala hindi pa ulit ako nakakatikim ng alak at ayoko na ‘rin. Kasi kaya ko lungs din naman ginawa ang pag-iinom at paninigarilyo was just to try it out, dahil curious ako what it felt like, eh after that wala na nag-move on na ako sa mga tukso… tukso layuan mo ako! Pagkain na lungs nga yata ang bisyo na hindi ko matatanggal sa katawan ko eh. Lamon pa more!

Remember this, hindi lahat ng Pinoy nabibigyan ng pagkakataong mag-kolehiyo kaya kunin at sulitin ang oportunidad na ito at gampanan ang papel bilang isang college student ng matiwasay. Tandaan, kaya ka nasa kolehiyo ay para mag-aral ng mabuti at pa minsan minsa’y mag-BOTTOMS UP!



BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO!
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Anong Klaseng Estudyante Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now