Kabanata Two: Ssshhh! Ssshhh! (Part 2)

29K 410 50
                                    

Librarinator

Kahit sa mismong klase tayo ay may mga Librarinator din. ‘Di mo alam kung anak sila ng mga librarians niyo sa school kasi lahat na yata ng pag-uugali ay minana na nila.

Meron akong kaklase no’ng college, isa siya sa mga officers ng klase. Napaka-ingay niya pero kapag iba naman ang nag-iingay nababadtrip siya. Pinapatahimik niya ang lahat. Sshh dito, sshh doon. Kaloka. ‘Yong totoo ano ‘tong klasrum natin, library?

Okay lang naman magpatahimik sa klase eh kasi role mo yun as class officer pero ang tanong ikaw ba ay tahimik din o pinagsisimulan pa ng ingay? ‘Yong totoo, nagmamalinis ka kuya? Bigwasan kaya kita with matching pagsalpak ng medyas sa bunganga mo. Keri?

Kung pagiging tahimik lang ang pag-uusapan ay panalo ‘tong ka schoolmate ko no’ng high school. Usually emcee siya lagi kapag may program sa school at kapag maingay ang audience sasabihan niya ng, “sshh wag maingay”.

Isa pang pangyayari tungkol sa Librarinator na emcee. Ito ay no’ng college naman ako at HRM Day namin noon dalawa ‘yong emcee isang babae at isang bakla. Ang ingay ng lahat siyempre nag-eenjoy lahat, nagsasayawan, nagtatalunan, sigawan tapos itong baklang emcee na killjoy sabi, “at the back everybody sitting down and shut the mouth you there”. What the hell? Fourth year ka na ‘te ganyan pa English mo, gusto mo yatang bumalik ng high school eh. Go!



BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO!
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Anong Klaseng Estudyante Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن