Kabanata Two: Ssshhh! Ssshhh! (Part 5)

20.6K 306 29
                                    

Meet Maria Clara

Itong isa ko pang kaklase ay no’ng college din. Napaka mahinhin naman magsalita napakahina pa. Naalala ko tuloy no’ng nag-play kami sa klase, ‘yong role niya sa grupo nila ay manager. Iyong play ay about how to handle customer complaints. Tapos no’ng nag start na sila, eh di ‘yong isa nilang kagroup nag-complain na sa order niya at tumawag ng manager, ten-te-ne-nen-te-nen, to the rescue naman si manager sabay sabi, “Ano pong problema ma’am?” Tapos ‘yong boses niya napakahina at napakahinhin as in parang si Maria Clara lungs.

Marami pang mga ganitong pangyayaring sa parehas na tao. Kasi itong klasemeyt ko na ‘to mahina talaga at mahinhin ang boses mapagalit, mapasigaw, mapamahinahon, kahit nagmumura pa pare-parehas ang tone of voice. Ayaw niya sumigaw ‘no?

Ako? Napaka-ingay ko kasi sa klase e kaya di ako masyado maka-relate sa mga “Librarinators” at mga “Silent Night Babies” pero napaka insecure ko sa kanila lalo do’n sa mga taong hindi man lang magawang mag-ingay sa buong klase nakaka-amaze sila inggit ako sa kanila kasi hindi ko yun kaya e, papanisan sila ng laway. Unang mapanis panalo. Kaya nga nagkaroon pa ng eksena (well, ang usual eksena pala) sa sinehan no’ng nanood kami ng Catching Fire ni Lax, eh alam ko na ‘yong kuwento kasi nga nabasa ko na ‘yong book, ito namang si Lax tanong ng tanong sa ‘kin kung ano next na mangyayari, kaya ‘yon super share naman ako. ‘Yon lungs, kasi ‘yong bulong ko, sigaw na eh. Hindi talaga ako marunong magsalita ng pabulong eh. Nababadtrip na mga tao sa sinehan, sshh dito sshh doon. Tapos may nagsabi pang isa na, “O yan na si Direk!” Grabe talaga tawa namin ni Lax paglabas ng sinehan. Ikukuwento ko na sana ng buo ang Catching Fire sa loob ng sine eh, isisigaw ko pa. Director pala ha!



BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO!
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Anong Klaseng Estudyante Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now