Kabanata Five: Ang Mga Estudyanteng... (Part 2)

97 10 3
                                    

Ang Mga Estudyanteng… Moonwalkers!

Ang tawag sa klase ng estudyanteng ito ay Moonwalkers. Mga idol nila si Michael Jackson pero sila lang ‘yong mga pagong version. ‘Yong mga taong napakababagal lumakad, ‘yong petiks lang sa buhay at dinadama pa ang bawat hakbang niya.

Madami akong nakakasabay na ganitong mga estudyante lalo na sa corridor pagpapunta na ako sa next subject ko. Sila ay ‘yong tipo ng mga estudyante na naglalakad sa buwan. Ang mga Moonwalkers pa naman nakakabuwisit lalo na kapag late ka na sa klase mo at may nakasabay ka nito tapos na sa harap mo pa ay naku ang sarap nilang itulak at para makahabol ka pa sa klaseng pupuntahan mo. Por diyos, por santo.

Hindi ba talaga nila magawang maglakad ng mabilis. Hindi ko tuloy ma-imagine mga itsura nila kapag natatae sila ‘yong tipong lalabas na, at manggagaling pa sila sa fifth floor ng school tapos ‘yong C.R. ay nasa first floor pa. Tignan ko lang kung hindi sila magmadali. Ano kaya mga itsura nila? ‘Di ko mawari. (Wow, highfalutin Filipino word!)

Sa bagay lahat naman tayo naging Moonwalker na eh. Bakit hindi mo pa ba naranasan ‘yong naglalakad ka tapos may tao sa likod mo na super nagmamadali tapos ikaw kung makapaglakad ka akala mo nasa sagala ka at ikaw ang Reyna Elena. Tapos pagtingin mo sa likod mo galit na galit na ‘yong tao sa bagal mong maglakad. Bakit, eh masarap damahin ang bawat hakbang eh. Masarap yatang mamasyal sa hardin ko na sa paligid-ligid ay puno ng linga.



BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO!
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Anong Klaseng Estudyante Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin